Kabanata XI. Autumn
"Kamusta, Autumn?" salubong sakin ni Rachel, isa sa mga batchmates ko nung college. Nakipagkita ako sakaniya dahil kailangan ko ng tulong tungkol sa pagaabroad. OFW si Rachel at nandito lang siya para magbakasyon. Gusto ko lang humingi ng payo kung gaano ba talaga kahirap sa ibang bansa.
"Eto, okay naman. How about you? Kamusta ka na?" nakangiting tanong ko sakaniya. She took a sip on her coffee first before answering my question.
"I'm fine, eto nakikipagsapalaran pa rin sa ibang bansa." sabi niya. Tumango naman ako. Bilib din ako dito kay Rachel, sobrang dami niyang pinagdaaanan nung college na nasubay-bayan ko kaya alam ko kung gaano siya kasaya na nakapag-abroad na siya.
I can actually consider Rachel as my friend dahil kaming dalawa ang magkasama talaga nung college simula nung maging magkaklase kami sa isang subject nung third year, after the lost of my bakery, of our bakery... Rachel helped me a lot that time. Hindi lang ako, pati na rin si Ate Mary. She gave us work na pwedeng pagkakitaan dahil nga nawala na yung bakery... tuluyan ng naipasara.
"Balita ko mag-iibang bansa kana rin ah!" natutuwang sambit ni Rachel. Alam niya yung tungkol sa pangarap ko na makapag-ibang bansa and thanks to her in a few days, malapit na akong magpunta sa ibang bansa. Tinulungan niya akong makapag-ipon ng pera para sa pamasahe ko.
"Yes, thanks to you dahil sa trabaho na binigay mo sakin." I said while smiling sincerely. Ngumit siya ng napakalaki.
"Ano ka ba, wala 'yon. You also helped me a lot nung college kaya we're quits."
"So, kamusta ang buhay America? Mahirap ba?"
"Nako, Autumn, sa umpisa mahirap syempre pero ikaw pa ba, kayang-kaya mo 'yon. You've been through a lot kaya sisiw nalang sayo yung America."
I chuckled dahil sa sinabi niya, muntik pa nga akong mabilaukan ng dahil don. She really is so proud of me, kitang-kita sa mukha niya 'yon. Nakakatuwa naman na malaman that someone is proud of me despite of my failed life, she's still proud of me and still trying to help me. I'm glad I met her nung college atleast nagkaroon ako ng isang kaibigan.
"Thank you. What do you want to do today? Minsan ka lang bumisita dito sa Pilipinas, sulitin na natin." sabi ko sakaniya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya ng dahil don. I know na gustong-gusto niyang gumala at magpunta sa kung ano-anong lugar. Dakilang lakwatsera yang si Rachel.
"Oh, yeah. Samahan mo ko, may ipapakilala ako sayo. He can help you sa school na papasukan mo sa America. He's an alumni there." sabi ni Rachel bago ako hinatak patayo. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He? Lalaki? Parang wala naman akong kakilala ni Rachel na alumni ng papasukan kong university sa America.
Kahit na nagtataka ako sumunod nalang din ako kay Rachel. Sumakay kami sa sasakyan niya at nagmaneho siya papunta sa isang malaking building. Nagpark si Rachel at nagulat ako sa laki ng building. Sobrang laki niya siguro mga thirteen floors yung meron sila, grabe ha.
I read the name that was written at the top of the building. A Empire, the A there looks like a name, sino kaya yung A na 'yon. I'm a little bit confused. A Empire? Never heard of this company but by the looks of it mukhang malaking kompanya ito.
"Autumn, what are you doing there? Let's go in!" tawag ni Rachel sakin mula sa pinto ng building. Ang bilis naman niya, kanina lang nasa tabi ko siya ngayon nandon na siya kaagad.
Papasok na sana ako ng bigla kong naramdaman na nagvibrate ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha sa loob ng bulsa ko. Ate Mary's name flashed in from of the screen. Binuksan ko kaagad yung text message niya sakin.