Kabanata VIII. Autumn
Maaga akong gumising ngayon dahil kailangan kong makipagkita kay Attorney Mendez tungkol sa bakery, kinontact niya rin yung may-ari nung pwesto para makausap din namin siya ng maayos. Binilinan ko si Elias na wag munang papasukin si Ate Mary at doon muna siya kay Marjorie, sinagurado ko sakaniya na kaya namin ni Elias na buksan yung bakery.
Sinabihan ko din si Elias na siya muna ang tumao sa bakery dahil may kailangan akong puntahan at 'yun nga yung pakikipagkita ko kay Attorney Mendez at sa may-ari nung pwesto. Tinanong ko naman si Elias kung kaya niya, sabi niya kaya naman daw niya at wag ko daw siyang masyadong alalahanin, kaya pumayag nalang rin ako, ayoko rin namang iwanang nakatengga lang yung bakery at walang kita, baka may mga customers kami ngayon sayang rin.
Nagdasal muna ako at humingi ng tulong kay mama para gabayan niya ako ngayon at tulungan na kayanin ang lahat. Sinuklay ko ang mahabang buhok ko at nagsuot ng pormal na damit. Gusto kong magmukhang presentable sa harapan nila para wala silang masabi sa itsura ko at sa bakery namin.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa harapan ng salamin. Kaya mo yan, Autumn. Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo yan. Go, go, go! Fight lang Autumn. Remember maraming tao ang umaasa at naniniwala sayo, tandaan mo si Marjorie at si Ate Mary, si Elias at ang mama mo na naniniwala sayo, na hanggang ngayon naniniwala pa rin sayo.
Tumango ako sa harapan ng salamin at inayos ang sarili ko bago lumabas ng bahay, sabi nung may-ari na magkita nalang daw kami sa isang coffee shop malapit sa amin para less hassle daw. Actually, ayaw niya talagang makipagkita sakin dahil nagsasayang lang daw siya ng oras, naawa siguro siya sakin kaya pumayag nalang na makipagkita.
Mabilis lang akong nakarating sa coffee shop na sinabi nung may-ari, pumasok ako kaagad at nakita ko Attorney Mendez na kumakaway habang nakaupo sa may pinakadulo. Naglakad ako papunta sa pwesto niya at naupo sa tabi niya.
"Ready ka na ba, Autumn?" he asked me. I know I really looked nervous, hindi ko alam kung anong magiging outcome nitong pag-uusap namin, sana maging maayos at kahit papaano maawa naman siya sakin.
"Hindi ko po alam, Attorney." sagot ko sa tanong niya. Tumango si Attorney Mendez bago ako tinapik sa braso, he's like cheering me up and telling me na kayang-kaya ko 'to.
"Nandito ako, Autumn. Don't worry." mababakas sa boses ni Attorney Mendez ang assurance kaya nabawasan ng bahagya yung kaba ko ng dahil don. Alam ko namang nandyan si Attorney Mendez at alam kong hindi niya ako pababayaan. Sana lang talaga, maging maayos ang lahat.
Inalok ako ni Attorney Mendez kung gusto ko ba daw ng kape o kahit ano na beverage, sagot na daw niya pero syempre nahiya naman ako kaya sabi ko, ayos lang ako. Masyado ng maraming naitulong sakin si Attorney Mendez kaya, hindi ko na ata kaya pang tumanggap na kahit anong libre na magmumula sakaniya. I mean, it's good, of course pero nakakahiya syempre. Masyado na akong maraming utang na loob kay Attorney Mendez.
Maya-maya pa dumating na yung may-ari at kasama niya yung abogado niya. Hindi rin pala siya nagpalit ng abogado dahil nung last time na nagkita kami, siya pa din yung abogado niya. Tumayo kaming pareho ni Attorney Mendez para salubungin sila. Nakipagkamay kaming pareho sakanilang dalawa at ganun din sila bago kami naupo.
Attorney Mendez and the owner's attorney talked first. May mga batas silang pinag-usapan na hindi ko maintindihan. I really tried to understand what they're talking about pero hindi talaga siya sakop ng braincells ko kaya in the end sumuko nalang ako sa pakikinig sakanila and I just let them talk. Tumingin ako dun sa may-ari nung pwesto, she was looking at me, nakakaintimidate talaga siya kahit kelan.
Pagkatapos mag-usap ni Attorney Mendez at nung isang abogado, kami naman nung may-ari yung pinag-usap nila about what agreement ang mapagkakasunduan namin or firm pa rin ba siya sa magiging desisyon niya.