2010, April 21-22

44 18 0
                                    

Kabanata V. Autumn

Nandito ako sa ngayon sa embassy para mag-apply ng visa. Matagal ko nang plano 'to. Kaya lang syempre, noon hindi pa pwede dahil minor palang ako at ngayong nasa legal age na ako, pwede na akong mag-apply ng visa ko.

Gusto ko talagang mag-ibang bansa, pangarap ko talaga na makapag-aral don, nandun din yung mga kapatid ni mama at pinangako nila na kapag nagpunta ako doon tutulungan nila, sila na sasagot sa lahat ng expenses ko pati na rin pag-aaral ko. Matagal na talaga kaming gustong tulungan ng mga kapatid ni mama, ayaw lang talaga niya. Nahihiya daw kasi siya sa mga kapatid niya dahil siya yung panganay tapos siya pa yung manghihingi ng tulong. Ganun talaga siya eh, mas gusto niyang maging independent sa lahat ng bagay.

Maraming tao ngayon dito sa embassy, mukhang matatagalan ako sa pag-apply ng visa. Ang plano ko, two years from now makaalis na ako, sana kayanin ng savings ko na umabot hanggang dun para naman may pamasahe ako papunta at para na rin hindi ko iasa sa mga kamag-anak namin lahat.

Iniwanan ko na rin muna sina Ate Mary at Elias sa bakery, mabuti na nga lang at nandyan na si Elias at least may kasama si Ate Mary sa bakery pag may kailangan akong lakarin. Hindi ko na kailangan makisuyo pa sa ibang tao. Dati kasi pag may kailangan na kailangan akong puntahan, hihingi ako ng pabor kay Kuya Nelson para samahan saglit si Ate Mary.

Dalawang oras na akong naghihintay dito. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng embassy. Ang dami talagang gusto mag-abroad. Ang daming gustong makipagsapalaran para magbigyan ng maganda buhay yung pamilya nila pero iilan lang siniswerte, yung iba na-sca-scam pa. Kawawa naman, pero sana isa ako sa mga swerteng tao na papalarin makapasok sa isang paaralan sa America.

"Miss Mendoza, Miss Autumn Mendoza." tawag ng isa sa mga nag-aasikaso dito sa embassy. Ako ba 'yon? Malamang Autumn, jusko! Agad akong tumayo at pumunta sa isa sa mga windows doon.

"Sunod nalang po muna kayo sakaniya para makapagpapicture." sambit nung babae na nasa loob. Lumingon ako para tingnan kung sino yung tinutukoy nung babae. I saw a man standing beside me. Tumango ako at in-assist niya na ako kung saan ako dapat pumunta for picture taking.

After the picture taking bumalik ako kaagad dun sa Window 7. Kinuha nung babae yung picture ko. Maayos naman yung itsura ko doon kahit papaano. Hindi naman katulad nung iba na parang biglaan yung pagpicture, yung akin, okay naman akong tingnan. Nagkaroon ng konting interview para malaman nila kung qualified ba akong makaalis ng bansa. Naisip ko na okay na rin siguro na mag-apply ako ngayon para magpapa renew nalang ako sa susunod, tutal may passport naman na ako.

Iniabot na sakin yung visa ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa dahil nagkaroon na ako ng visa, ibig sabihin, konti nalang malapit ko nang matupad yung pangarap ko na makapag-ibang bansa. Hapon na ng matapos ako sa pagkuha ng visa kaya naisipan ko nalang rin na dumiretso uwi nalang.

Medyo may iniiwasan rin ako. Kahit naman alam ko na hindi ko siya maiiwasan, gusto ko pa rin siyang iwasan hangga't kaya ko. Para kasing anytime pwede na akong bumigay sa hindi magandang nararamdaman ko para kay Elias. Alam ko naman eh, na kaya hindi pa ako bumibigay dahil pinpigilan ko pa yung sarili ko pero oras na aminin ko sa sarili ko na may something na talaga. Jusko, baka hindi ko kayanin, masyadong magiging hindi komportable para sakin na makita siya o makasama dahil first time ko 'to at hindi ko alam kung tama ba 'to.

Pagkauwi ko natulog nalang ako para naman kahit papaano makabawi-bawi ako ng tulog. Anong oras na rin kasi ako umuuwi pag gabi tapos anong oras ako gumigising ng umaga.

•••

Late na akong nagising dahil napasarap ako ng tulog. Mabilis lang akong naligo at nagbihis at dumiretso na ako kaagad sa bakery. Pagkarating ko doon ay medyo nadismaya ako ng hindi ko makita si Elias na nakatayo sa labas. Si Ate Mary lang ang nandon, hinihintay ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon