2012, August 3-4

34 16 0
                                    

Kabanata XII. Autumn

Nakaupo ako ngayon sa harapan ni Elias. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumama sakaniya pero nandito na ako eh, sumama na ako sakaniya, sabi niya mag-uusap lang daw kami, kamustahan, ganun, sana nga usap at kamustahan lang talaga. Ewan ko ba, hindi naman kami mag-ex pero parang pakiramdam ko ang awkward sa part ko, syempre alam naman nating may gusto ako sakaniya... hanggang ngayon pa rin ata.

"Autumn, it's so nice to see you again." he said, while smiling. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko parang naging ibang tao na siya, ibang-iba na siya mas... mas mukha na siyang masaya.

Naglabas nalang ako ng isang pilit na ngiti para naman hindi niya isipin na apektado pa rin ako, kahit ang totoo.. gusto nang tumakbo ng mga paa ko, ayaw lang talaga ng puso ko. "Nice to see you too, Elias." Nakahinga ako ng maluwag when I remained calm kahit gustong-gusto ng sumabog ng damdamin ko. Buti nalang.  Good job, Autumn. Ganyan lang, tuloy-tuloy lang.

"You look good." puri niya sakin habang nakangiti at nakatingin sa mukha ko. Bigla akong nailang kaya napaiwas kaagad ako ng tingin. Bakit ba kailangan niya pang sabihin 'yon? "I didn't know that short hair like that, fits you."

Medyo nainis ako sa sinabi niya, bakit ano bang akala niya na mahabang buhok lang ang bagay sakin? And he's also the reason why I became obsessed with short hairs. Two years ago, when he left naisipan kong magpagupit for a new start, then I decides na hindi na ako ulit magpapahaba ng buhok to look younger and fresh. Kaya heto ako, I'm a short haired version of myself from two years ago. A 20 year old woman who can't get over with her first love which is, the guy sitting in front of me, Elias.

"You too. You look good." pagpuri ko sakaniya. That's true, he look so good now. Mukhang wala na siyang baby fats dahil mukha na siyang fit sa paningin ko, his hair was in a clean cut form na bumagay sa heart shaped niyang mukha and he's wearing a suit & tie. Ibang-iba sa dating Elias na nakapantalon at tshirt lang at napakasimple lang ng itsura, he looks fine now. Mukha na siyang mayaman talaga.

He smiled a little bit because of what I said. "Thanks. Anyways, how's life? Kamusta na si Marjorie at Ate Mary? Is Marjorie still sick?" sunud-sunod na tanong niya sakin bago iabot sakin yung kape na "libre" niya daw. Big time na nga talaga siya. Nanlilibre na siya.

"They're fine. May sakit pa rin si Marjorie pero nagchechemo na siya." sagot ko sa tanong niya. Tinitigan ko lang yung kape sa harapan ko habang siya iniinom niya yung kaniya.

"Good to hear that. How about you? Kamusta ka? The bakery?" sunud-sunod na tanong na naman niya sakin.  Ibang-iba na talaga siya, mas madaldal na siya ngayon kumpara noon. He looks so confident now, I'm happy for him because mas nagloosen up na siya ngayon kumpara noon. May naidulot din palang maganda yung pag-alis niya.

"The bakery..." masakit pa rin pala talaga sakin na banggitin kung anong nangyari sa bakery pero alam ko namang makakapagpagawa ulit ako ng bago pagkatapos kong mag-aral sa ibang bansa. Konting araw nalang naman, Autumn. "It's closed. Hindi ko nabawi yung bakery."

Biglang napawi ang mga ngiti sa mukha ni Elias. Napalitan ito ng lungkot. Naiintindihan ko siya, kahit naman ako noon, masakit din talaga at alam ko na kahit sandali lang nagtrabaho si Elias don, there are still memories that was left inside the bakery. Memories of us three. Me, Elias and Ate Mary.

"That's..." nakita kong lumunok siya. "Sad."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sakaniya. Yeah, that was so sad. Dalawang sakit yung kinailangan kong indahin nung mga panahong 'yon, yung sakit na dulot ng bakery at yung sakit na dulot nang pag-alis... niya. It was so hard but I needed to endure all those pains, kahit sobrang sakit kailangan kong tiisin lahat ng 'yon, kasi mas marami akong kailangan gawin kesa magmukmok.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon