2012, August 5

30 15 0
                                    

Kabanata XIII. Autumn

Tanghali na  akong gumising ngayon at naligo at nagbihis dahil napagdesisyunan kong mamasyal na muna ngayon, tutal ilang araw nalang rin naman ang meron ako para magstay dito sa Pilipinas kaya dapat enjoyin ko naman at itreat yung sarili ko pagkatapos ng dalawang taon na paghihirap, ayos lang naman siguro 'yon.

Nag-ayos lang ako ng sarili ko bago lumabas ng bahay. Paglabas ko nakita ko si Elias na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan ko. Isa 'to sa mga hindi nagbago sakaniya, trip pa rin niyang naghihintay at ang aga pa rin niyang dumating. Dalawang taon na pero ganun pa rin siya, bigla tuloy bumalik yung mga alaala niya sakin from two years ago. Yung hihintayin niya akong dumating every morning sa harap ng bakery ko.

"You're here." sambit niya ng makita niya ako. Napakunot ang noo ko sa sobrang pagtataka. Ano kayang gusto nito? Bakit na naman ba siya nandito?

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya. Umayos siya ng tayo at tumingin direkta sa mga mata ko. Ewan ko ba kung anong meron sakaniya o kung anong trip niya.

"Let's date."

"D-date?"

"Yes, date. C'mon, don't be KJ, Autumn."

"Why? Bakit kailangan nating magdate?"

"You only have, what, a few days left? You really want to enjoy it all by yourself?"

Tumango ako bago sumagot. "Mas gusto ko 'yon."

"No, you need some company. C'mon, friendly date lang. Nothing more." talagang mapilit si Elias kahit na anong gawin kong pagtanggi. In the end, tumango nalang ako. Ako naman ang laging talo sa aming dalawa dahil pagdating sa pilitan, si Elias talaga ang pinakamagaling dyan.

Hindi siya nakasuot ng suit & tie ngayon, just his normal outfit, pants and a shirt parang noon lang, it makes me feel like bumalik ako two years ago pero mas madaldal at mas mukhang mayamang version na ni Elias yung katabi ko, kumabaga, Elias 2.0.

Nagliwanag ang mukha niya nang pumayag ako na magkaroon daw kami ng "friendly date", sakaniya friendly pero sakin iba yung dating. Feeling ko, this is just more than a friendly date... kasi nga naman may feelings ako para sakaniya.

Nakakatawa that this feelings of mine that I have for him never fades away. It doesn't know how to stop or where to end, kahit ang tagal ko ng pinipilit na mawala 'tong nararamdaman ko, in the end natatalo pa rin ako ng puso ko. Ang hirap talagang kalaban ng puso. Jusko.

Binuksan ni Elias yung shotgun seat bago niya ako inalalayan papasok, pagkatapos 'non sumakay na siya ng sasakyan. Nagsuot muna siya ng shades bago niya pinaandar yung sasakyan. Hindi ko maiwasang mapatingin sakaniya, parang palagi naman akong napapatingin sakaniya. Parang two years ago lang. Ewan ko ba, there's something in him that pulls me.

I actually never thought na makikita ko pa siya ulit, knowing that I have no contact with him, hindi ko rin alam kung saan siya nakatira so, nung nawala siya hindi ko talaga alam kung saan ko siya pupuntahan, kung saan ko siya hahanapin. All those nights na iniisip ko kung anong nangyari sakaniya, kung okay lang ba siya, kung nasaan ba siya, lahat ng tanong ko ngayon lang nasagot. Two years, dalawang taon kong pinilit kalimutan lahat ng tanong ko, inisip ko malamang okay lang siya dahil mga kamag-anak niya naman 'yon at hindi nga ako nagkamali, mas nasa mabuting kalagayan na siya ngayon... after all, hindi ko maitatangging... tama yung naging desisyon niyang umalis... at hindi na bumalik.

Napapitlag ako nang hawakan niya yung kamay ko. He interlocked our fingers at may kung ano na namang naging epekto ito sakin. Para na namang akong kinukuryente, nagtaasan na naman lahat ng balahibo ko pero nanatiling kalmado lang ang puso ko. Nakakapagtaka na talaga bakit ganito yung reaksyon ng puso ko... eh hindi naman siya ang soulmate ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon