2015, September 2-3

13 1 0
                                    

Kabanata XVII. Autumn

I looked myself in the mirror. Inayos ko ang suot kong damit at ang maikli kong buhok bago ko sinuot ang shades ko. I've been waiting for this day... yung makauwi ulit ako.

I grabbed my purse and my suitcase bago ako lumabas ng apartment na tinutuluyan ko. I booked some uber earlier para maihatid ako sa airport. Mabilis lang naman ang naging biyahe ko at nakarating na rin ako sa airport, after all America is different from Manila. Bihira lang ang magkaroon ng traffic.

I went straight to the airlines, I came exactly on time kaya pagkarating ko diretso sakay kaagad ako sa eroplano. Two people sat beside me... uh, husband and wife, I think.

Hindi ko nalang sila pinansin kahit na they already started bickering at sinuto nalang ang sleeping mask ko at ang earphones ko para makatulog ako kaagad at hindi ko sila marinig na nag-uusap. Medyo mahabang biyahe pa naman ang kailangan ko para makarating nang PIlipinas.

Hello passengers, this is your captain speaking. We have successfully arrived at our destination...

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil narinig ko ng nagsalita yung piloto ng eroplanong sinasakyan ko. I removed my earphones at inilagay iyon sa loob ng purse ko. I looked outside the window, it's already morning. Mukhang didiretso na kaagad ako sa sementeryo.

Isa-isa na ring nagbabaan yung mga pasahero, hinantay ko muna na mabawasan yung mga tao para hindina ako masyadong makipagsiksikan pa sa kanila. I guess, I really changed after I went to America... ibang mga tao na rin kasi yung mga nakasalamuha ko at ibang environment ang kinailangan kong bagayan for three years.

Isinuot ko na ulit ang shades ko. Nang mabawasan na ang mga tao, tinanggal ko na yung seatbelt ko at kinuha yung maleta ko mula sa itaas- I was about to pull my luggage when I hit someone from my back.

"Ouch!" I heard her say. Lumingon kaagad ako para humingi ng tawad- I can be clumsy at times.

"I'm sorry!"

Hahawakan ko sana siya to check on her but she shrugged off my hands. She's like telling me that I should not touch her.

"I'm fine. Be careful next time." sabi niya bago siya tuluyang lumabas ng eroplano. Sinundan ko siya ng tingin- well, she looks pretty.. bagay yung brownish hair niya sa kaniya and she looks rich pero, her attitude is kinda off. Sayang.

Kinuha ko na yung maleta ko at saka lumabas ng eroplano. I inhaled some of the Manila air. Polluted as usual but I miss this. I miss this kind of environment.

Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso na palabas ng NAIA. I already booked some grab para mabilis na ang biyahe ko, ayokong makipag-agawan ng taxi sakanila, hassle masyado.

Nakita kong dumating na yung grab ko, the driver helped me na mailagay yung luggage ko sa compartment ng sasakyan. Nagpahatid kaagad ako sa sementeryo na tinext sakin ni Ate Mary nung nakaraan.

I just stared outside the window buong biyahe. Nakakatawa man isipin but I miss the traffic dito sa Pilipinas, yung environment, the polluted place- everything. I appreciated the tall buildings here in Pasay at yung mga magagandang lugar. A lot changed since 2012- mas maarami ng building ang naging modern at na reconstruct, may mga lugar na rin na nawala at may mga bagong tayo naman.

I was so busy looking outside the window kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa sementeryo kung hindi pa ako siguro kinalabit ni manong hindi ko pa malalaman na nandito na pala kami. Binayaran ko muna si manong at binigyan ng tip bago ako bumaba, he helped me again sa luggage ko. I thanked him before he go.

I looked around the cemetery, it's big. Mahihirapan siguro akong hanapin kung nasaan yung punted ni Marjorie but Ate Mary already gave me instructions kung paano mahanap 'yon.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon