Kabanata VII. Autumn
I finally admitted to myself that I like Elias. No, I love him. I love Elias. Ayoko ng makipagpatintero sa nararamdaman ko o makipaglaro ng taguan, pagod na rin akong makipaghabulan, maybe it's time, to give up sa pagiging "biktima", and for once and for all, gusto ko ako naman ang maging taya.
My day started different, mahimbing akong nakatulog kagabi, sa sobrang saya ng nararamdaman ko, matiwasay at payapa akong nakatulog kagabi, para bang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa puso ko at mas nakahinga ako nang maluwag when I decided to admit my feelings for him. Those "unwanted" feelings before, they are not unwanted anymore, actually welcome na nga sila sa puso at buhay ko eh.
Nakangiti lang ako habang naglalakad papunta sa bakery, wala na akong pakialam kung anong iisipin ng ibang tao sakin basta ang mahalaga masaya ako ngayon. Nang makarating ako sa bakery mas lalong lumaki ang ngiti ko. Ngayon lang ata ako naexcite ulit sa isang bagay, kahit maliit lang 'yon o kahit na ako lang naman ang nakakaramdam 'non sa aming dalawa.
Nakita kong nakatayo si Elias sa labas ng bakery as usual at hinihintay ako. Dati, ayaw na ayaw ko na ginagawa niya 'yon pero ngayon parang gustong-gusto ko na. He's wearing his usual attire, tshirt and a pants pero parang mas iba ngayon yung itsura niya, mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko, though he already is handsome pero mas nadagdagan ngayon.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na kiligin ng sobra. Ayokong isipin niya na patay na patay ako sakaniya. Mas gusto ko pa muna siyang makilala bago ako magbigay ng motibo sakaniya. Naglakad na ako papunta sa bakery para mabuksan na yung pintuan.
"Good morning." bati ko sakaniya habang binubuksan yung pintuan ng bakery. Ayoko pa rin siyang tingnan, baka mawala ako bigla sa sarili ko pag ginawa ko 'yon.
"Good morning." bati niya pabalik. Pumasok na ako sa loob at naramdaman ko namang sumunod siya. I went straight dun sa kusina at nagtali na ng buhok ko.
Paglabas ko ng kusina dumiretso kaagad ako ng counter. Parang sobrang ganado-ganado ako ngayon na magtrabaho. Alam mo 'yon, kahit wala naman akong gagawin pero pakiramdam ko gusto kong gawin lahat ng bagay ngayon dito sa bakery. Ewan ko ba, ganito nga talaga siguro pag-in love.
Pasimpleng tiningnan ko si Elias. Gusto ko lang naman malaman kung anong ginagawa niya ngayon pero dapat hindi tayo masyadong magpahalata. Ayoko pa namang aminin sakaniya yung nararamdaman ko, hangga't hindi pa kami parehas ng nararamdaman, unang beses ko palang 'to kaya para akong natatakot.
He was just sitting there sa may table reading some old magazines and newspapers na nakaimbak lang doon sa may likurang bahagi ng bakery. Hindi ko talaga pinatapon 'yon para pag nabored kami hindi na ako bibili ng bago dahil may mga lumang issues naman na nakalagay doon.
Binitawan niya yung hawak niyang magazine at tumingin sakin. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa kung ano man ang pingkakaabalahan ko kahit wala naman talaga. I just played with the cash register. You know, the close-open thing, nakakahiya kasi eh.
"I'm sorry for last night." I heard him said. Napaangat ang tingin ko sakaniya dahil doon. Bakit naman siya nagsosorry, eh wala naman siyang ginawa, ako nga dapat yung magsorry sakaniya dahil bigla ko siyang niyakap.
"For?"
"I don't know, I just want to say sorry."
I chuckled dahil sa sinabi niya. He's saying sorry for nothing. "Wag kang magsosorry kung wala ka namang kasalanan."
I saw his Adam's apple moved. Napalunok siya ng dahil sa sinabi ko? Weird. I mean, wala naman akong sinabing kakaiba, o baka nag-aassume lang ako. Baka naman kasi mamaya, tuyot lang yung lalamunan niya kaya siya napalunok. Ikaw ata yung weird dyan, Autumn. Ewan ko ba sayo.