2010, April 18-19

42 19 0
                                    

Kabanata III. Autumn

"Autumn, ayos ka lang?"

Napailing ako ng sunud-sunod para alisin yun mga thoughts sa isip ko. Bakit ko ba naiisip 'to? Bakit ko ba nararamdaman 'to? Hindi ko maintindihan. May nararamdaman akong kakaiba, na hindi dapat. I mean, pwede naman, kaya lang syempre, ewan ko, parang ayoko. Hay nako! Ang gulo-gulo.

Ginulo ko ang buhok ko kaya nagulat silang pareho. Naiistress ako dahil don. Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa 'tong nararamdaman ko. No! Nagwapuhan lang ako sakaniya, yun lang 'yon. Nothing more, nothing less.

"Autumn, ayos ka lang ba? Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni Ate Mary sakin. Napatingin ako sakanilang dalawa. Shet, nandito nga pala sila, nakakahiya.

Umayos ako ng tayo at pinilit kong alisin lahat ng mga unwanted thoughts sa utak ko at unwanted feelings sa puso ko because that's bad, nakamamatay daw 'yon, sabi nila.

"Yes, okay lang ako." sagot ko kay Ate Mary. Tumingin ako ulit kay Elias pero mabilisan lang. "B-bagay sayo."

Bago ako dumiretso sa likod ng counter. Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito sa likod ng counter, shet. Alam ko namang wala akong gagawin eh. Ah, bahala na! Hahanap nalang ako gagawin. Kahit ano, basta may magawa lang.

"Are you really okay? You look, uh, what do you call this thing? Uh, balisa." nagulat ako ng biglang nagsalita si Elias na kanina lang ay nakaupo, ngayon nakatayo na sa harapan ko.

Masyado atang halata. Bakit ba kasi ganito yung reaksyon ko. Huminga ako ng malalim. Okay, Autumn, chill. Wala lang yan. No need to be so worried. Tumingin ako kay Elias bago naglabas ng isang pilit na ngiti. Para lang mapatunayan ko na okay talaga ako.

"Yes, okay lang ako." I really tried na pigilan yung boses ko sa panginginig para hindi talaga siya makahalata.

Tumango lang si Elias kahit na alam kong naweweirduhan pa rin siya dahil sa inaakto ko. Umalis si Elias sa harapan ko at lumabas para ipagpag yung damit niya na may konting buhok. Sinundan ko siya ng tingin. Ugh, bakit ganun? Bakit ba kasi ang gwapo niya?

May mga babaeng dumadaan na lumalapit kay Elias. Grabe, ganun siya ka attractive? Nung mahaba pa buhok niyang halos walang pumapansin sa kaniya eh, pero nung nagpagupit, ayun biglang dumami yung fans.

Napakunot ang noo ko dahil hindi niya pinansin yung mga babaeng lumalapit sa kaniya. Tuloy lang siya sa pag pagpag ng damit niya. Nagulat ako ng bigla siyang pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita niya akong nakatingin sa kaniya. Agad akong nag-iwas ng tingin at humarap sa cash register.

Buong maghapon pinipilit kong iwasan si Elias. Hindi ko rin alam kung bakit pero iniisip ko na baka mapahiya lang ako sa harapan niya dahil nga yung nararamdaman ko hindi pa rin nagbabago. Delikado na yan, Autumn.

"San tayo bukas?" tanong ko kay Ate Mary. Birthday bukas ni Marjorie kaya naisipan kong magcelebrate sana kami kahit maliit lang. Alam ko namang walang plano 'tong si Ate Mary na magcelebrate pero gusto ko sanang kahit ngayon man lang mabigyan si Marjorie ng magandang birthday.

"Uh..." nag-isip muna si Ate Mary sandali. "Hindi ko alam, Autumn. Siguro katulad ng nakagawian, luto lang ng pansit, ayos na. Alam mo naman na gipit ako ngayon, malapit ng mag-aral si Marj."

Nakakapanghinayang lang na hindi man lang makakaexperience si Marjorie ng birthday celebration. Naisip ko na dito nalang magcelebrate kahit kaming apat lang para kahit papaano ay may party si Marj. Ako nalang ang gagawa ng cake.

"Ako ng bahala, Ate Mary. Basta pumunta kayo dito ni Marjorie bukas ng hapon." nakangiting sambit. Tiningnan ako ni Ate Mary na para bang nagtataka.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon