Kabanata II. Autumn
"Bumalik ka nalang bukas." sabi ko habang nag-aayos ng mga tinapay sa stand. Malapit na kaming magbukas kaya kailangan ko ng ma-ihelera nang maayos yung mga tinapay na ibebenta namin.
"You mean, I'm hired?" mababakas sa boses niya ang gulat. Kanina pa niya ako sinusundan, kung nasaan ako nandon din siya. Medyo naiirita na rin ako.
Naisipan ko na rin na tanggapin siya tutal, siya naman ang lumapit sa amin at nangangailangan na talaga kami ng tauhan dito sa bakery para hindi naman kami masyadong napapagod.
Tumango ako. "Oo. You can start by tomorrow."
"I can start now." kontra niya sa sinabi ko. Napalingon ako sakaniya ng dahil don. Ngayon? Uh-uh, no way. Hindi pa niya alam yung mga pasikot-sikot dito sa bakery o kung ano man yung mga dapat gawin dito, kailangan pa niya ng konting briefing at bukas ko sana gagawin 'yon ng umaga para wala pang customers at hindi ngayon na malapit na kaming magbukas.
"Hindi pwede. Wala ka pang masyadong alam dito sa bakery." sabi ko bago ulit bumalik sa ginagawa kong paghehelera ng mga tinapay.
"But, I'm a fast learner! I can do everything right away." pagpupumilit niya. Bumuntonghininga ako dahil sa sobrang frustration. Ang kulit din talaga niya eh, ipipilit niya talaga kung anong gusto niya.
"Hindi, sabi ko hin-"
"Gusto mo na talagang magsimula ngayon?" biglang tanong ni Ate Mary sakaniya. Tumango naman siya agad-agad bilang sagot. "Pwes, eto pera, pumunta ka sa may kanto, may maliit na tindahan doon. Mag-order ka ng dalawang sako ng harina." utos ni Ate Mary sakaniya bago nag-abot ng pera. Nagpabalik-balik ang tingin ko sakanilang dalawa.
Nakita ko ang pagliliwanag ng mukha niya bago kinuha yung pera na inaabot ni Ate Mary sakaniya at nagmamadaling lumabas. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo siya. Nung isang araw, he looks like someone na cold, pero ngayon para na siyang bata na tuwang-tuwa. Yung reaksyon niya ay katulad ng reaksyon ng isang batang binigyan ng candy. Kahit na sabihin mong nakapoker face lang siya, yung pagliliwanag ng mukha niya, iba eh.
"Sigurado ka na ba 'don? Parang di niya kakayanin yung trabaho dito." sabi ni Ate Mary. Ibinaba ko ang basahan na hawak ko kanina dahil nagpupunas din ako ng mga stand bago ko ipasok yung mga tinapay sa loob. Sumundal ako sa counter at tumingin sakaniya.
"Siguro, ate. Ano ba sa tingin mo?" tanong ko sakaniya. Tumigil siya sa pag-mamasa ng harina at seryosong tumingin sakin. Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil sa paraan ng pagtingin ni Ate Mary sakin ngayon.
"Ikaw, Autumn. Ikaw ang bahala. Ikaw pa rin naman ang may-ari nito kaya ikaw ang magdedesisyon." huminga muna siya ng malalim bago ulit bumalik sa ginagawa niyang pagmamasa. "Pero kung ako ang tatanungin mo, parang ayoko. Ewan ko, may nararamdaman lang akong hindi maganda."
Ate Mary has always been like that. Doubtful siya sa mga tao lalo na sa mga hindi kakilala and I totally respect and understand her point of views, mahirap naman talagang magtiwala sa mga tao ngayon dahil mas lalong lumalaganap ang mga manloloko, pero minsan Ate Mary can also go overboard, sa sobrang paghihinala niya sa mga tao, kahit yung mga taong malapit sakaniya eh minsan pinaghihinalaan niya na rin and I think that's bad.
On the other hand, ako naman napakaimpulsive kong tao. Pabigla-bigla ako sa mga ginagawa kong desisyon kaya madalas akong magkamali kaya me and Ate Mary are balanced. Perfect combination, kumbaga. Isang impulsive at isang doubtful.
Sa ganitong sitwasyon lang kami hindi nagkakasundo pero madalas ako ang nasusunod, and most of the time sa mga ganitong sitwasyon, I just follow my instincts and this time ang sinasabi ng instincts ko ay i-hire siya. I don't know why but I'm just drawn to him.