2010, April 20

42 17 0
                                    

Kabanata 4. Autumn

Nandito na ako sa loob ng bakery. Nakatayo ako sa harap ng pintuan at nakatitig sa malayo. Nakakapagtaka na wala pa rin si Elias, nagulat din ako na pagpunta ko dito wala siya. May nangyari kaya sakaniya o baka naman masyado lang akong napaaga. Ay, ewan ko!

Medyo makulimlim ang langit ngayon. Uulan kaya? Wala namang sinabi sa balita kagabi na uulan. Baka biglaang ulan. Hindi natin alam pero sana wag naman. I don't really like rains. Hindi ko rin alam basta ayoko lang sa ulan. I think, I just grew tired of the rain.

Binuksan ko nalang yung radyo dahil hindi ako komportable sa sobrang tahimik. Parang nakakatakot pa sobrang tahimik eh, ewan ko basta kailangan ko ng pampaingay kahit papaano.

Magandang magandang umaga sainyo mga kababayan. Makulimlim ngayon sa labas. Ayon sa PAG-ASA makakaramdam daw tayo ng konting pag-ulan. Kaya mga kababayan, magdala kayo ng mga payong. Mag-iingat sa pagmamaneho dahil basa ang kalsada. Have a nice day, everyone!

Narinig kong tumunog ang pintuan kaya napalingon ako. Nakita ko si Elias na nakatayo sa harapan ko, basang-basa. Sumilip ako labas, umuulan na pala hindi ko man lang namamalayan.

"Good morning." bati ni Elias ng makapasok siya sa loob ng bakery. Nagpunta ako sa loob ng kusina para sana kumuha ng towel. Inabot ko sakaniya 'yon. "Thank you."

Tumango lang ako bilang sagot bago bumalik kung nasaan ako kanina. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Elias na nagpupunas ngayon ng katawan niya. Hindi naman siya ganun kapayat at hindi rin naman malaki yung katawan niya. Tama lang, siguro may konting baby fats, pero normal naman 'yon sa teenager, kahit naman ako merong mga baby fats. That's normal. Just embrace your flaws and you'll be happy.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit mas napapadalas na ata 'tong nararamdaman ko. Masama talaga 'to, Autumn... hindi 'to maganda.

Ako ang naunang mag-iwas ng tingin mas lalong hindi ko kayanin yung nararamdaman ko... baka mamaya maamin ko na sa sarili ko yung tunay kong nararamdaman na pilit kong tinatago, kaya... mas mabuti nalang siguro na ganun. Mas marami akong bagay na dapat unahin kesa sa dito sa nararamdaman.

Pumunta ako sa may counter at kinuha yung pera sa cash register at kumuha ng isang notebook para makapag-audit ako ng pera. Kailangan kong asikasuhin yung mga balance namin at budgetin yung pera para sa mga susunod pa na pang gastos. Ang hirap lalo na pag mahina yung kita ng bakery. Umupo ako sa may lamesa para dun gumawa habang si Elias naman ay naupo sa tabi ng pintuan habang nakatitig sa labas, sa ulanan.

"Where's Ate Mary?" tanong niya sakin. Hindi ko nga pala nabanggit sakaniya na hindi makakapasok si Ate Mary ngayon dahil kailangan niyang dalhin si Marjorie sa doktor para sa weekly check up niya.

"Absent. Pupunta sila ng clinic ni Marjorie." sagot ko, sa mga ganitong pagkakataon nag-aalala sakin si Ate Mary, pag uma-absent siya kaya nung kaming dalawa palang lagi niyang iniisip kung paano ako kaya madalas pagkatapos ng weekly check up ni Marj, dito kaagad siya didiretso pero dahil may kasama na ako ngayon, sinabihan ko siya na wag akong masyadong alalalahanin at pwedeng umabsent na muna siya ngayon. Sakto naman pala dahil biglang umulan ng ganito.

"Oh, okay." he stopped for a minute and he stared outside the door watching the rain to pour down. Hindi ko na naman namamalayan na nakatingin na naman ako sakaniya. Madalas ng mangyari 'to, para bang there's this unusual supernatural force that pulls me sakaniya and it's actually bothering. "Don't you like rains? It's cold, it's giving me this sentimental feeling and rains are relaxing." he said out of nowhere.

Nilaro ko ang ballpen na hawak ko and think about what he said. Tama naman siya dun, nakakarelax naman talaga pag umuulan parang ang sarap magkape but that's for other people. Not for me.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon