2010, April 27

35 17 0
                                    

Kabanata IX. Autumn

Maagang dumating si Ate Mary para pumalit samin ni Elias dito sa ospital. Nag-aayos kaming dalawa ni Elias ngayon ng mga gamit namin para makauwi na kaming dalawa ni Elias, alam kong pagod rin si Elias at hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil hindi naman siya sanay na matulog sa lapag.

"Bye Ate Mary." paalam ko kay Ate Mary bago lumingon kay Marjorie na gising at nag-aalmusal. "Bye Marj. Pagaling ka ha, babalik kami ni Kuya Elias." paalam ko kay Marjorie bago siya hinalikan sa pisngi. Nakangiting tumingin samin si Marjorie bago kumaway.

"Bye Ate Autumn, bye Kuya Elias. Balik po kayo ha." masiglang sambit ni Marjorie. Sabay naman kaming tumango ni Elias. Ginulo ko muna ang buhok niya bago ulit tumingin kay Ate Mary na abala sa pag-aasikaso ng pagkain ni Marjorie.

"Mauna na kami Ate Mary. Mag-iingat kayo ha."

"Kayo rin, mag-ingat kayong dalawa."

Tumango naman ako at kumaway bago kami lumabas ni Elias ng kwarto. Pinauna niya ako bago siya lumabas. Napakagentleman niya talaga kahit kelan. Saka, laking pasasalamat ko sakaniya dahil sumama siya sakin na magbantay kay Marj, atleast kahit papaano may nakakausap ako sa ospital.

"Salamat nga pala sa pagsama." sambit ko bago tumingin sakaniya. Ngumiti siya bago tumingin sa akin saglit.

"Wala 'yon."

Habang naglalakad kami maraming babae ang tumitingin kay Elias, hindi naman na nakakapagtaka, jusko, kahit bagong gising siya ang gwapo pa rin niya talaga. Magulo yung buhok niya at gusot-gusot yung damit niya pero ang gwapo pa rin niya, mukha siyang artista kahit wala pang ligo. Iba din talaga eh.

Nag-offer siya na ihatid ako sa bahay pero sabi ko na mauna na muna siyang umuwi dahil may dadaanan pa ako pero hindi totoo 'yon. Ayoko lang talaga na maabala ko pa siya dahil gusto ko na makapagpahinga na siya kaagad. Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagaya ko kaya mas gusto kong makauwi na siya kaagad.

"Ingat ka." I said after niyang maihatid ako sa tapat ng bakery. Sinabi ko na may kukunin ako dito kaya hanggang dito nalang niya ako ihatid.

"You too. Take care, Autumn." sabi niya. Tumango ako habang nakangiti at pinanood na siyang naglakad paalis. His back looks so fine, ang broad ng shoulders niya at parang mas gumaganda na yung katawan niya.

Teka nga, ano ba yang naiisip mo, Autumn? Madami ka na ngang problema puro pa kalandian yang inuuna mo. Nang masiguro ko na nakalayo na si Elias, saka ako naglakad na pauwi.

Pagkauwi ko, agad akong nahiga at mabilis lang rin akong nakatulog. Antok na antok na talaga ako dahil hindi ako masyadong nakatulog.

•••

Hapon na ako nang magising. Tumayo kaagad ako para maligo at magbihis dahil pupunta pa ako sa bakery, sabi ko kasi kay Elias kagabi na maghalf day nalang kami ni Elias sa bakery para kahit papaano, kung sweswertehin baka magkaroon pa kami ng mga customers.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis at dumiretso na ako sa bakery. Pagkarating ko doon, as usual nandon na kaagad si Elias. He was standing right there sa may pader, hindi na rin ako nagugulat, actually sanay na nga ako na ganun siya palagi kaya natatawa nalang ako at syempre natutuwa ako. Siya pa naman yung araw-araw na bubungad sayo, hindi ka pa ba matutuwa? Nababawasan yung problema ko ng dahil sakaniya eh, kaya sobrang thankful ako at parang ang laki nang utang na loob ko sakaniya.

Maliit na bagay lang, oo. Maliit na bagay lang yung ginagawa niya para sakin, pero sobrang laki na nung naitutulong 'non sa buhay ko. His mental and emotional support really helped me a lot.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon