2010, April 23

38 17 0
                                    

Kabanata VI. Autumn

Gumising ako ng maaga para dumiretso sa puntod ni mama. Death anniversary niya ngayon at anniversary din ng bakery. Usually, sa mga ganitong pagkakataon sabay kami ni Ate Mary pumunta pero napag-isipan kong mauna nalang sakaniya. Gusto kong makausap si mama para makapag labas ng mga sama ng loob, mga hinanakit at mga problema ngayon sa bakery.

Nagbihis ako pagkatapos kong maligo at dumiretso alis na kaagad ako. Alas singko palang ng umaga. Naisip ko kasi na baka mamaya mag-antay na naman doon si Ate Mary o, sige na aaminin ko na, pati si Elias. Ayoko lang na mag-antay sila ng matagal lalo na at mainit ngayon dahil summer nga.

Mabilis lang ang naging biyahe ko, bumaba ako ng tricycle at pumasok sa loob ng sementeryo. Pumunta ako sa mga tinatawag nilang, "apartments". Isa 'to sa mga binabayaran ko. Kada tatlong taon kasi ang bayad dito, pag hindi ako nakapagbayad tatanggalin nila yung buto ni mama para ibigay sa iba yung pwesto niya. Parang apartment talaga, alam mo 'yon, kailangan ng pambayad sa upa. Gusto ko mang bilhan si mama ng mas magandang pwesto, wala naman akong pera para don, pambayad palang sa bakery at sa kuryente at tubig ko sa bahay, hindi na talaga kaya. Hindi ko nga alam kung paano ko pa naitatawid yung araw-araw na pangkain ko eh.

"Hi ma." bati ko sakaniya nang makarating ako sa tapat ng puntod niya. Ipinatong ko yung bulaklak na dala ko at yung mga kandila. Tatlo yung binili ko para I love you.

Pinagpagan ko yung pwesto ni mama. Marumi na dahil sa mga tuyong dahon at medyo maitim na rin yung dating puting pintura. Wala naman akong pambayad para magpapintura ulit o kaya naman papalitan yung lapida ni mama. Balita ko kasi masyado daw mahal 'yon. Hindi naman sa tinitipid ko si mama, gusto ko din naman na ibigay sakaniya lahat ng best pero talagang hindi kakayanin eh.

Mapait akong ngumiti. "Kamusta kana dyan, ma? Sana masaya ka dyan." simula ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Ako kasi dito, hindi ako okay. Yung bakery natin malapit ng mawala satin. Pasensiya na ma ha, gusto kong ipaglaban kaya lang kulang talaga yung pera para sa lahat ng balances natin sakanila."

Nararamdaman ko na naman yung sakit. Kagabi, pag-uwi ko, kinuha ko yung mga pera na naipon ko at yung mga kinita sa bakery at binilang 'yon, sa kasamaang palad, talagang kapos eh. Masyado nang malaki yung naging utang namin sa upa kaya mahirap na talagang bawiin at i-cover pa ulit 'yon. Gustuhin ko mang humingi ulit ng palugit, alam kong hindi na nila ako pagbibigyan. Syempre, mas ibibigay nila yung pwesto sa mas malaki ang kita at mas successful na business.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa langit para pigilan ang sarili kong umiyak. Iyak nang iyak na ako kagabi. Nakakapagod rin. "Ma, pasensiya na talaga ha. Siguro hindi talaga para sa atin yung bakery pero wag kang mag-aalala, gagawan ko talaga ng paraan. Pangako. Hindi ako susuko. Kagaya nga ng sabi mo, "Kung gusto may paraan," diba ma? Salamat sa lahat ng mga iniwan mong aral sakin. Nagagamit ko sila ngayon. Ikaw talaga ang pinaka the best nanay in the whole world. I love you, ma."

Tumambay muna ako don saglit bago ko napagdesisyunan na pumunta na sa bakery. Medyo tumataas na kasi yung sikat ng araw kaya naisipan ko na ring magpunta sa bakery baka mamaya nandon na pala si Elias, maaga pa naman laging pumasok 'yon, pero bago pa man din ako makaalis naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko, agad kong kinuha 'yon mula sa bulsa ng pantalon ko.

Si Ate Mary pala nagtext. Binuksan ko yung message niya at binasa.

From: Ate Mary

Wag ka munang pupunta dito. Maya-maya nalang.

Napakunot ang noo ko dahil sa text ni Ate Mary. Wag muna akong pupunta? Bakit naman? May nangyari kayang masama sakanila don? Sana naman wala. Masyado tuloy akong nag-aalala. Magrereply na sana ako para itanong kung bakit pero nagtext na naman ulit si Ate Mary.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon