Kabanata I. AutumnAs usual, maaga na naman akong pumunta sa bakery para buksan ito. Wala naman akong ibang ginagawa sa buhay kundi, bakery o kaya naman pag may pasukan na, bakery at school. Hindi naman kakayanin ni Ate Mary na i-handle yung bakery mag-isa kaya hands on talaga kaming pareho sa pagpapatakbo nito.
Bigla akong napatigil sa paglalakad ng may makita akong lalaki na nakatayo sa harapan ng bakery namin. Napakunot ang noo ko, pilit na kinikilala kung sino yung lalaking nakatayo sa harapan ng bakery namin. Uh... nakaschool uniform na pang high school, gusot-gusot ang suot niyang uniform at magulo ang buhok niya. Nakasandal siya sa pader katabi ng pintuan ng bakery namin habang nakalagay sa loob ng bulsa niya yung dalawang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko ng bahagya nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
Siya yung lalaki kahapon. Ano kayang ginagawa niya dito? Bibili na naman ba siya ng tinapay? Grabe ha, mas nauna pa siya saking dumating sa bakery. Wala pa ngang tao sa loob.
Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta doon. Nang makarating ako sa tapat ng bakery namin agad kong binuksan yung pintuan. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa pagpasok sa loob. Kagaya ng ginawa ko kahapon, pinatong ko ang mga gamit ko sa kusina, nagtali ng buhok, nagsuot ng apron at binuksan ang radyo. Nagulat ako ng paglingon ko nakita ko siyang nakatayo sa likuran ko.
"You're looking for some part timer, right?" tanong niya sakin habang ipinapakita sakin yung papel na hawak-hawak niya. Yun yung papel na pinost ni Ate Mary nung isang araw dahil nga naman pag summer mas maraming bumibili sa amin ng tinapay kaya kailangan namin ng additional na tao na pwede ring magtagal hanggang sa magpasukan ako pero hindi siya yung hinahanap namin dahil isa lang rin naman siyang estudyante kagaya ko. Nakakapagtaka nga na may pasok pa siya kahit summer.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Hindi ikaw yung hinahanap namin para sa trabaho."
Nakita kong kumunot ang noo niya kahit sabihin mong natatakpan ng mahaba niyang bangs na umabot hanggang sa kilay niya, nakita ko pa ring gumalaw ang noo niya.
"Why? I mean, I can part time here." aniya. Agad akong umiling dahil sa sinabi niya. Hindi siya pwede sa ganitong trabaho. After all, he's an high school student. Wala pa siya sa tamang edad para magtrabaho. Baka makasuhan pa kami ng Child Labor dahil sa ginagawa niya.
"Hindi pwede." seryosong sambit ko. "Saka, estudyante ka palang. Masyado ka pang bata."
Sinuklay niya ang ilang piraso ng buhok niya kaya mas lalo kong nakita ang mga mata niya na natatakpan ng magulo niyang buhok. May itsura naman pala siya pag wala siyang bangs pero bakit pinipilit niyang magkaroon? Nagmumukha tuloy siyang matanda dahil don.
"Ayun lang ba? Sige, babalik ako bukas." sabi niya bago naglakad palabas ng bakery ko.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niyang babalik siya bukas, ni hindi ko nga rin alam kung bakit ba pinagpipilitan niyang dito magtrabaho, eh maliit lang naman 'tong bakery namin, hindi pa masyadong kilala, saka mukha naman siyang mayaman, bakit kailangan pa niyang mag part time sa isang maliit ng bakery?
Sakto namang paglabas nung lalaki kanina ay dumating si Ate Mary dala-dala ang anak niya na si Marjorie. Nakangiti ako niyakap ng batang si Marjorie.
"Hi ate!" bati niya sakin. Lumuhod ako para mayakap ko rin siya. Namiss ko 'tong batang 'to.
"Hi Marj." bati ko pabalik. Nang humiwalay na si Marjorie sa pagkakayakap sakin, tumayo ako para tingnan si Ate Mary.
"Sino yung lalaki kanina? Siya ba yung kahapon?" tanong niya. Tumango ako.
"Oo, ate." sagot ko.
"Ano daw kailangan?" tanong niya ulit. Bumuntonghininga ako bago sumagot.