Kabanata XVIII. Autumn
"I'm going to go now," paalam ko kay Ate Mary. Nakatayo ako ngayon sa harapan niya habang siya naman ay nag-aasikaso ng mga pagkain nung mga bisita niya. Lumingon siya sa gawi ko para tingnan ako.
"You sure? Dahil ba kay Elias?" tanong niya sakin. I looked at her face at mukha siyang nag-aalala at nakokonsensiya dahil inimbitahan niya si Elias dito. I want to be honest with her pero alam kong mas lalo lang siyang makokonsensiya pag ginawa ko 'yon. Ayoko naman siyang idamay sa mga issues ko.
In the end, umiling nalang ako. "No, I just have uh, a lot of things to do."
Alam kong hindi ako tunog kapani-paniwala pero wala naman akong ibang choice, I have to pretend para mas mapadali ang lahat para sa amin. I also don't want to cause scene dito lalo na at ako lang naman ang may problema.
Ate Mary grabbed my left hand and she held it. Yung itsura niya na lukot ang mukha at parang nagsosorry gamit ang mga mata niya.
"Sorry, Autumn. Hindi ko naman pwedeng hindi papuntahin yung nagpagamot kay Marjorie." she said. Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa narinig. Si Elias? Siya yung nagpagamot kay Marjorie? Now I know why he's here. May karapatan nga naman siyang magpunta dito kasi siya yung tumulong kila Ate Mary nung wala ako.
Lumingon ako sa gawi ni Elias at nagulat ako ng magtama ang paningin naming dalawa. I was confused for a little while... he was not smiling anymore kagaya nung ginawa niya kanina- seryoso lang siyang nakatingin sakin and I know by the look on his face, hindi niya gusto na makita ako.
I want to laugh sarcastically, I want to say na hindi lang naman siya, ako rin, ayoko rin siyang makita. I'm afraid that things would like this and turn like this, he makes me uncomfortable at alam ko rin namang ganun rin siya sakin.
Siya ang unang naghiwalay ng tingin sa aming dalawa dahil tinawag siya ng girlfriend niya- his expression instantly changed from being serious ngayon naman he looks so happy. Kitang-kita kong masaya na siya sa kaniya.
I also don't got the chance to talk to him, hangga't maaari iniiwasan kong makipag-interact sakaniya, hangga't maaari ayokong makausap siya o lumapit man lang sakaniya. I know myself more than anyone, and I know na hindi ko kakayanin lalo na at nasa harapan ko ang girlfriend niya.
"He met her, two years ago. He was really really devastated when you left, for a year nahirapan siyang makarecover but he remained strong at ibinigay lahat ng oras niya samin ni Marjorie then he met that girl, Angela, she's an intern dun sa ospital kung saan naka confine si Marjorie." pagkwekwento ni Ate Mary sakin. Naibalik ko ang tingin ko sakaniya ng dahil dun. He was devastated when I left? Bakit hindi niya ako pinuntahan nung araw na 'yon kung hindi pala niya kayang umalis ako? Asa pang devastated talaga siya. He just want to appear na nakakaawa sa harapan ng ibang tao.
I want to roll my eyes but I don't want to act rude so I just dismissed the topic.
"Sige na, Ate Mary. I need to go." I said bago ko siya niyakap. Hindi ko na siya hinintay na magreply pa at dumiretso alis nalang kaagad ako. Pagkarating ko sa may gate ng sementeryo may humawak bigla sa pulso ko at hinatak ako palingon sakaniya. I was so shocked kaya hindi kaagad ako nakapagreact pero mas lalo akong nagulat sa kung sino yung nakita ko.
Elias... what is he doing right now?
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sakaniya. I don't know how I got the confidence para makapagsalita ng diretsa at ng hindi nauutal.
"Bakit ka pa bumalik?"
Those four words got me. Is he serious right now? Tinatanong niya ako kung bakit ako bumalik? Bakit he thinks that I came back for him? Na nandito ako para balikan siya?