Chapter 1
"Zhy nandyan na ang crush mo" sabi sa akin ng bestfriend ko. Dali dali ko namang kinuha ang salamin sa bag ko at naglagay ng liptint sa labi. Pagkatapos kong makapag ayos ay humarap ako sa bestfriend ko.
"Ayos na ba ang itsura ko?" tanong ko sa kanya. Baka kapag di pa maayos tong mukha ko ay baka ma turn off pa si crush sa akin.
"Oo naman. Ang ganda mo na kaya." napangiti ako sa sinabi nya. Lalapitan ko na sana sya sa upuan nya, classmate kasi kami, ng may tumawag sa kanya kaya napatigil ako.
"Dustin!" napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa kanya. Well, maganda sya, matangkad, maputi, basta maganda talaga sya pero mas maganda parin ako charot.
Lumingon naman sa kanya si Dustin, yung crush ko at nginitian sya. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Ilang beses na kasi akong nagpapapansin kay Dustin pero hindi nya ako nginitian ng ganyan. Lumapit sa kanya yung babae at hinalikan sya sa labi. Di man lang nagreklamo si Dustin sa ginawa nya. Ang sakit diba?
"Babe sabay na tayong mag lunch mamaya." sabi sa kanya nung babae.
"Oh sure" at hinalikan nya yung babae sa pisngi. Nakatingin lang ako sa kanila at malapit na ding tumulo ang luha ko. Linapitan naman ako ng bestfriend ko at hinila nya ko palabas ng classroom. Nang makalayo na kami sa classroom ay dun na bumuhos ang luha ko.
"Lyn bakit ganun? Bakit di nya ko magawang magustuhan?" humagulgul na ako ng iyak. Niyakap nya naman ako at sinubukang pinapatahan.
"Diba sabi ko sayo tigilan mo na sya? Kita mo namang may girlfriend na yung tao e bakit mo pa pinipilit ang sarili mo sa kanya?" hagod hagod nya ang likod ko at sinusubukan parin akong pinapatahan. Kahit may girlfriend na sya ay patuloy parin akong nagpapapansin sa kanya at umaasang magugustuhan din nya.
"E baka magugustuhan nya rin ako kaya hindi parin ako tumitigil sa pagpapapansin sa kanya." mukha akong tanga sa sinasabi ko.
"Ang tanga mo Zhy, may girlfriend na sya so ibig sabihin nun ay mahal nya ang girlfriend nya. Wag ka nang umasang magugustuhan ka pa nya." mas lalo akong napa iyak sa sinabi nya. Yumakap ako sa kanya at umiyak ng umiyak.
Yung na nga, kahit may girlfriend na sya ay patuloy parin akong umaasang magugustuhan din nya ko. Ang tanga ko diba?
Crush ko na sya since grade 7. Ilang taon ko na din syang crush at ilang taon na din akong nagpapapansin sa kanya pero lagi nya naman akong binabalewala. Nung nalaman kong may girlfriend na sya ay tudo iyak ako nun, di ko kasi matanggap na sa ilang taon kong pagpapapansin sa kanya ay iba lang pala ang mamahalin nya.
Nang matapos ako sa ka dramahan ko ay bumalik na kami ni Lyn sa classroom.
"Bagay talaga si Dustin at Sheena." yan agad ang narinig ko pagpasok namin sa classroom. Di ko nalang yun pinansin. Tanggap ko naman e baka di talaga magiging kami pero patuloy parin akong umaasa.
Pagkatapos ng klase namin ay naisipan kong lapitan si Dustin. May sinulat kasi akong letter para sa kanya kagabi. Ang tagal ko pang naka tulog dahil pinaganda ko pa yung letter na yun.
"Dustin.." tawag ko sa kanya ng maka lapit ako sa kanya. Kasalukuyan syang nagbabasa ng libro ngayon. Nilingon nys naman ako at seryosong tumingin sa akin. Ang gwapo nya talaga kapag seryoso sya.
"Ano?" tanong nya na mukhang iritado pa. Sa bagay palagi naman syang naiirita sa akin kapag lumalapit ako sa kanya.
"Hmmm p-para sayo" nahihiya kong i abot sa kanya yung letter na ginawa ko. Tiningnan nya muna ito bago nya tanggapin.
"Ano to?" sabay pakita sa akin nung letter.
"Love letter yan. Sana mabasa mo." nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Alam mo namang may girlfriend na ako diba? Bakit ka pa nagbibigay sa akin ng ganito?" tanong nya. Umaasa parin ako e.
"A-alam ko naman. Pero sana mabasa mo." yumuko ako dahil sa kahihiyan.
"Ito babasahin ko?" sabay turo nya sa letter. Akala ko bubuksan nya iyon para basahin pero binuksan nya lang iyon at pinunit ang papel sa loob kung saan ko sinulat ang mensahe ko sa kanya. Ang sakit na yung pinaghirapan mo para sa kanya ay pupunitin nya lang ng basta basta. Ang mas masakit ay yung taong pagbibigyan mo pa ang mismong nag punit nun.
"Kahit basahin ko pa yan, si Sheena parin ang mahal ko kaya wag kanang umasa." para akong sinaksak ng milyong beses sa sinabi nya, then he left.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Bakit ba kasi di nya ko magustohan? Bakit ba si Sheena palagi? Maganda naman ako, mabait, at matalino, pero bakit hindi parin?
Niligpit ko muna ang gamit ko at pinasok iyon sa bag bago ako lumabas ng classroom. Lalabas sana ako ng may humarang sa akin. Si Sheena.
"Di ka parin ba titigil sa pag papapansin sa boyfriend ko?" tanong agad nya sa akin. Di ako naka sagot sa tanong nya at yumuko nalang.
"Ilang beses nya nang sinabi sayo na wag kanang umasa sa kanya, pero bakit di ka pa din tumitigil?" tanong nya ulit. Di parin ako sumasagot at nanatili parin akong naka yuko.
"You know what? Kahit ano pang gawin mong pag papapansin sa kanya, my boyfriend will never like or love you. So please tumigil ka na." pagka tapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya sa harapan ko. Tumulo nanaman ang mga luha ko. Tama sya, kahit anong gawin kong pag papapansin kay Dustin ay hindi nya parin ako magugustohan. Pero hindi yan rason para tumigil ako.
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko at nag simulang mag lakad sa gate para maka uwi na. Hinintay ko muna ang sundo ko sa waiting shed. Habang naghihintay ako sa sundo ko ay nahagip naman ng mata ko sila Dustin at Sheena na magka hawak kamay na naglalakad. Iniwas ko ang tingin ko dahil baka umiyak nanaman ulit ako.
Nang dumating ang sundo ko ay pumasok agad ako sa sasakyan. Pag pasok ko sa sasakyan namin ay nag simula nanamang tumulo ang luha ko. Ilang beses pa ba akong iiyak dahil sa kanya? Sya kasi ang una kong naging crush simula noon. Ginawa ko na ang lahat para magustuhan lang nya like mag paganda, mag papansin, lagi din akong nag iiwan ng love letter sa locker nya pero hindi nya naman yun binabasa at tinatapon nya lang iyon sa basurahan.
Pag dating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto at doon ako umiyak ng umiyak, naka limutan ko pa ngang mag bihis ng damit.
Kinuha ko ang notebook ko na naka lagay sa study table ko. Dito ko kasi sinusulat ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya kumbaga para itong diary. Sinulat ko dun lahat ang gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko naman ma sabi.
Dear Crush,
Bakit ganun? Ilang beses pa ba akong iiyak dahil sayo? Hanggang kailan pa ba ako masasaktan ng dahil sayo?
***
Thanks for reading:)

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Fiksi RemajaSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...