Chapter 17

4 1 0
                                    

Chapter 17

Nang dumating agad ako sa classroom, sinalubong agad ako ni Dustin na may dala dalang bulaklak.

"Para saan to?" nalilito kong tanong ng iabot nya sa akin yung bulaklak.

"Diba, sabi ko sayo kahapon na liligawan na kita simula ngayon." oo nga pala, sinabi nya pala yun kahapon.

Tinanggap ko naman yung bulaklak at ngumiti sa kanya.

"Thankyou" sabi ko at naglakad patungo sa upuan ko.

Ang sweet nya talaga kahit kailan. Yan yung isa sa na gustohan ko sa kanya e.

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ni Dustin sa akin.

Nagtataka ko naman syang tiningnan bago sumagot.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ililibre sana kita ngayon." nagningning naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Sige! Saan mo ba ako ililibre?" masaya kong tanong sa kanya. Basta libre, hindi ko talaga inaayawan.

"I know a restaurant somewhere. Let's go." tumango lang ako sa sinabi nya.

Naglakad lang kami patungo sa sinasabi nyang restaurant. Mukhang malapit lang kasi.

"Anong gusto mo kainin?" tanong nya habang pinapapili ako ng pagkain sa menu.

"Ikaw bahala." sya na ang bahala, sya naman ang nanglilibre.

At dahil libre naman to, marami akong kinain, di ko mabilang ilang beses akong umorder ulit. Ganito kasi talaga ako kapag may nagyaya sa akin na manlibre, na alala ko pa nga noon, nung ni libre ako ni a Lyn, muntik ko ng maubos ang pera nya. Miss ko na din si Lyn, kamusta na kaya sya ngayon?

"Grabe ka namang kumain, muntik mo ng ubusin ang pera ko." naglalakad kami ngayon pabalik sa school.

"E kung nagrereklamo ka, sana hindi mo nalang ako ni libre." sabi ko at inirapan sya.

Naglakad ako ng mabilis, na sundan nya naman ako agad.

"Hindi naman ako nagrereklamo, kahit bilhin mo pa pati ang restaurant, hindi ako magrereklamo." palibhasa mayaman kasi kayo.

Nag paalam na din ako sa kanya dahil sinusundo nako ni daddy. Pumasok naman agad ako sa sasakyan.

"Hi dad" masaya kong bati kay daddy.

"How's school?"

"Ok naman po." sabi ko at ngumiti.

Si daddy na kasi ang naghahatid at nagsusundo sa akin dito. Buti nalang at kahit busy sya, nasusundo nya parin ako sa school.

Pagdating ko sa bahay, naisipan kong i chat si Lyn. Miss ko na talaga sya. Buti nalang at online sya.

Zhy Hesera: Hi Lyn, kamusta ka na?

Jenny Lyn: Ok lang naman. Miss na kita, kailan ka pa babalik dito?

Zhy Hesera: Di ko din alam e.

Jenny Lyn: Alam mo ba na nag transfer na daw ng school si Dustin?

Oo, classmate ko pa nga sya ngayon.

Zhy Hesera: Huh? Bakit daw?

Kunwari kong tanong sa kanya.

Jenny Lyn: Hindi ko din alam. Basta, nung nag break kayo, bigla din syang nawala dito sa school at hindi na pumasok. Tapos nalaman nalang namin na nag transfer na pala sya.

Kumunot naman ang noo ko habang binabasa ang chat nya sa akin. Biglang nawala?

Zhy Hesera: Alam mo ba?

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon