Chapter 3
"Buti hindi ka na nagpapapansin kay Dustin." sabi ni Lyn sa akin. Kung magpapapansin ako sa kanya ay susungitan lang naman ako nun.
"Sasaktan ko lang ulit ang sarili ko kapag ginawa ko yun." kapag nagpapansin ulit ako sa kanya ay wala din namang saysay yun. Sabi pa nga nya wala talaga akong pag-asa sa kanya, pero kung ma aalala ko nanaman yung mukha nya kahapon ay di ko maiwasang umasa ulit.
"Buti at alam mo." buti nga at alam ko.
Maaga kaming dumating ni Lyn dito sa school kaya nakapa kwentuhan pa kami.
Nang dumating yung teacher namin ay natigil din kami sa pag kekwentuhan, dahil kung makita ka lang nya na nakikipag usap ka sa katabi mo habang nag kaklase sya, goodluck, ipag dasal mo nalang na di ka nya ibabagsak sa subject nya.
"May project kayong gagawin, gagawin nyo ito, pair by pair." sabi ng teacher namin sa amin. Sana si Lyn yung magiging partner ko.
Sinumulan na nyang sabihin sa harap kung sino ang mga partner namin hanggang sa tawagin ni ma'am ang pangalan ko.
"Ms. Herera and Mr. Quijano" parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Si crush lang naman ang magiging partner ko!
Sinusubukan ko na nga syang iwasan tapos partner pa talaga kami? Pano ko sya maiiwasan nito?
"Ang project na gagawin nyo is mag cocover kayo ng song, kayo na ang bahala kung anong kanta, then e video nyo." nakakahiya naman to, di pa ako marunong kumanta.
"I pass nyo agad sa akin bukas." pagka sabi ni ma'am nun ay nag reklamo naman ang iba kong kaklase. Ito talaga ang isa kinaiinisan kay ma'am, pag nag pagawa sya ng project sa amin ay gusto nya bukas agad ipasa, kainis diba?
***
"Saan natin gagawin yung project?" tanong ko kay Dustin. Mukhang di ko na talaga sya maiiwasan.
"Pwedeng sa bahay." pupunta ako sa bahay nila?
"Huh? Sure ka?"
"Oo" tipid na sagot nya. Himala at hindi nako sinusungitan nito.
Pagka tapos ng klase namin sa last subject namin ay napag desisyonan din namin na pumunta sa bahay nila. Kinakabahan ako kasi first time maka punta sa bahay nila. May kotse naman si Dustin kaya di ko na kailangang mag comute papunta sa kanila.
"Wow....ito ba ang bahay nyo?" tanong ko habang tanaw ang malaking mansyon. Ang yaman pala nila crush.
"Hindi, sa kapitbahay namin yan." sarkistong sabi nya. Psh pilosopo.
Pagka pasok namin sa bahay nila ay hindi ko maiwasang mamangha, ang ganda kasi ng bahay nila.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Sa garden." sagot nya.
Pumunta kami sa garden nila, umupo kami dun sa upuan nila na may mesa sa harap.
"Kukunin ko muna ang gitara ko." sabi nya at tumango naman ako.
Tumutingin tingin lang ako sa mga bulaklak na nandoon habang hinihintay sya. May naramdaman akong naglalakad palapit sa akin. Nilingon ko naman kong sino iyon, isang babaeng may katandaan pero maganda.
"Girlfriend ka ba ni Dustin, iha?" tanong nya. Sana nga girlfriend nya ko.
"Hindi po, classmate lang po ako ni Dustin." sagot ko.
"Akala ko ikaw ang girlfriend nya. First time nya kasing mag dala ng babae dito sa bahay." nagulat naman ako sa sinabi nya.
"So, hindi nya pa nadala si Sheena dito?" di ko napigilan ang sarili kong mag tanong.
"Huh? Sino si Sheena?" bakit hindi nya kilala ang girlfriend ni Dustin?
Sasagot na sana ako ng dumating si Dustin na dala ang gitara nya. Kumunot naman ang noo nya ng makita ang babaeng kausap ko.
"Kailan ka dumating ma?" mama pala to ni Dustin?!
"Kanina lang. Sige ma iwan ko muna kayo." sabi ng mama ni Dustin bago umalis.
"Mag simula na tayo para maaga tayong matapos." sabi nya at tumango naman ako.
May tinawag syang isang babae, nasa 13 pa yata ang edad.
"This is Khyrene, my sister." pagpapakilala nya dun sa batang babae. Kumaway naman sa akin si Khyrene at tipid ko naman syang nginitian.
"Pwede ikaw ang mag video sa amin?" tanong ni Dustin sa kapatid nya.
"Sure kuya" masayang sabi nung kapatid nya.
Magkaabi kaming umupo sa upuan at nag simula na kaming kumanta.
(Kayo na ang bahalang mag imagine kung ano ang kinanta nila.)
Sya ang unang kumanta. Maganda yung boses nya, yung parang henehele ka sa boses nya. Ako naman ang kumanta sa chorus, pinilit ko pang pagandahin ang boses ko, baka pag pumiyok ako ay mas lalong ma turn off si crush sa akin. Nakakahiya naman sa boses nyang maganda.
Pagkatapos naming kumanta ay pinanood namin ang video namin. Buti at hindi talaga pumiyok ang boses ko.
"Uuwi na ako." pagpapaalam ko sa kanya. Baka pagalitan ako ni daddy dahil matagal akong naka uwi.
"Ihahatid na kita." nahihiya naman akong tumango sa kanya.
Hinatid nya ako sa bahay. Nagtataka nga ako kung paano nya nalaman kung saan ang bahay namin.
"Pano mo pala nalaman na ito ang bahay namin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Tss" ang tino nya talagang kausap, psh.
"Salamat sa paghatid." sabi ko at ngimiti sa kanya. Nakakakilig lang isipin na hinatid ka ng crush mo sa bahay nyo.
Tumango lang sya at nag drive paalis. Hindi ko maiwasang ngumiti, hindi na sya gaanong naiinis sa akin katulad ng dati, nung sila pa ni Sheena. Di ko maiwasang umasa ulit na may pag asa nako sa kanya.
Sana nga may pag asa na talaga ako sa kanya.
***
"Kamusta ka naman kahapon? Di kaba nya inaway?" yan agad ang tanong ni Lyn sa akin ng maka pasok ako sa classroom.
"Hindi naman." mukha naman syang nagulat sa sagot ko. Hindi na sya sumagot at bumalik nalang sa upuan nya.
"Zhyline" napa lingon naman ako sa tumwag sa akin.
"B-bakit?" nauutal kong tanong. Si Dustin lang naman ang tumawag sa akin kaya di ko maiwasang mautal.
"Pwede bang sabay tayong mag recess?" nagulat naman ako sa tanong nya. Palagi nya kasi akong titanggihan nung ako palagi ang nagyayaya sa kanya.
"Sure ka ba?"
"Oo, tsaka gusto ko ding maka bawi sayo kasi sinusungitan kita noon." ngumiti sya pagkatapos sabihin yun. Bakit ang gwapo nya pag nakangiti?
"Ok, sure." sagot ko at ngumiti.
Sabay kaming pununta sa cafeteria. Sya na din ang nag bayad ng inorder ko, libre nya daw.
"May gusto ka pang kainin?" tanong nya, umiling lang ako at nag patuloy sa pag kain. Nakakapanibago yung pagiging mabait nya sa akin. Hindi naman sya ganito noon. Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay bumalik din agad kami sa classroom.
"Zhy bakit magka sabay kayo ni Dustin?" tanong agad ni Lyn sa akin.
"Nilibre nya kasi ako sa cafeteria." kinikilig pa ako habang sinasabi iyon.
"Woahhh really?" di maka paniwala nyang sabi. Tumango naman ako at kinikilig parin sa nangyari. Akalain mo yun, yung crush kong halos isumpa ako noon ay biglang naging mabait sa akin?
Hanggang pag uwi ko sa bahay ay hindi matanggal ang ngiti ko. Nagtataka pa nga si kuya kung bakit ang saya ko daw, noon kasi pag umuuwi ako ay parang pinag sakluban ako ng langit at lupa. Kahit sa pag tulog ko ay hindi parin natanggal ang ngiti sa labi ko.
Dear Crush,
Sana may pag-asa na talaga ako sayo.
***
Thanks for reading:)

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...