Chapter 12
Dahil walang pasok at wala din akong magawa dito sa bahay, naisipan kong buksan ang facebook ko. Tagal ko na din tong hindi binubuksan e, inaalikabok na nga siguro to.
Pag bukas ko ng facebook account ko ay bumungad agad sa akin ang litrato na may naghahalikan. Gandang pambungad a.
Pero ng tinitigan ko pa iyon ay napatanto ko kung sino yun.
Tumulo nalang ang luha ko habang tinitigan ang litrato na yun.
Si Dustin at Sheena yung naghahalikan sa litrato. Mukhang kagabi to nangyari, nung pinuntahan ni Dustin si Sheena sa bar dahil nag lasing.
Mukhang hindi pa talaga sya nakaka move on kay Sheena. Tanggapin ko nalang yun, wala naman akong magagawa e.
Biglang tumunog ang doorbell namin. Baka si kuya to, hindi sya naka uwi kagabi e. Lumabas ako sa bahay at binuksan ang gate. Nang binuksan ko yung gate ay na bigla ko ng yumakap agad si Dustin sa akin. Ano bang ginagawa nya dito?
"Sorry..." bulong nya sa akin habang naka yakap.
"Mahal mo pa ba si Sheena?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan tumulo ang luha ko.
"Hindi na" bulong nyang sagot.
"Then, why are you kissing last night?" nabasag ang boses ko habang tinanong ko iyon sa kanya. Kahit anong pigil ko na hindi tumulo ang luha ko ay hindi ko na napigilan.
"Hinalikan nya ko bigla kagabi. Tinulak ko naman sya agad. Please I'm sorry." kahit magtampo pa ako sa kanya, hindi ko naman sya matiis.
"Forgiven, basta wag mo nakong saktan ulit. Nakaka pagod ng masaktan e." sabi ko. Baka sa susunod na masasaktan ulit ako, susuko na talaga ako.
"I won't hurt you again, I promise." sabi nya.
Humarap sya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napa ngiti nalang ako sa ginawa nya.
"Date ulit tayo?" tanong nya.
Wala naman akong ginagawa dito sa bahay kaya pumayag ako. Ayieee mag dedate ulit kami ni crush.
"Sige, magbihis muna ako. Pasok ka muna." umupo muna sya sa sofa habang hinihintay ako.
Dali dali naman akong tumakbo sa kwarto para magbihis. Ano bang magandang suotin?
Pumuli ako ng dress sa closet ko. Napili ko yung yellow na dress na off shoulder at above the knee. Humarap ako sa salamin at nag lagay ng pulbo tsaka liptint. Date namin to kaya dapat hindi ako pangit.
"Let's go?" tanong ko sa kanya ng maka lapit ako sa kanya.
Tiningnan nya muna ako. Baka pangit siguro tong suot ko.
"You're beutiful" nag init naman ang pisngi ko sa sinabi nya.
Matagal na akong maganda crush, ngayon mo lang yata nakita.
"Thank you" nahihiya kong sabi sa kanya.
Lumabas kami ng bahay at sumakay kami sa kotse nya. Saan kaya kami mag dedate hmmm?
Huminto kami sa isang korean restaurant. So dito kami mag dedate?
"Dito tayo?" tanong ko. Tumango naman sya.
Pumasok kami at naghanap ng upuan namin. Lumapit naman yung waiter sa amin at binigyan kami ng menu.
"Anong gusto mo?" tanong nya.
"Kung ano yung gusto mo yun nalang din sa akin." sabi ko. Tumango naman sya at pumili ng pagkain na oorderin nya.
Di naman nag tagal ay dumating yung inorder namin. At dahil takam na takam ako sa pagkain, nilantakan ko yun agad. Gutom ako e, di kasi ako kumain ng almusal kanina.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Novela JuvenilSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...