Chapter 19

5 0 0
                                    

Chapter 19

"So, si Dustin yung sinasabi mo sa aking fiancee ko dad?" gulat kong tanong kay daddy.

Gosh di ako makapaniwala.

"Yes" sabi ni daddy habang naka ngiti.

Tulala naman akong naka tingin sa kanila. Kahit ngayon ayaw paring mag process sa utak ko na si Dustin talaga ang fiancee ko. Akala ko pa naman sa iba talaga ako ipapakasal ni daddy.

"Labas muna kami ni Zhyline, mag uusap lang kami." sabi ni Dustin at hinila ako palabas ng bahay.

Umupo muna kami sa upuan dun sa labas bago sya magsalita.

"Na gulat ka din ba?" tanong nya. Sino ba ang hindi magugulat.

"Oo syempre." sagot ko sa kanya.

"Alam ko na talaga na ipapakasal ulit nila ako nila mama at papa, ayokong sabihin sayo kasi baka magalit ka ulit sa akin. Tsaka hindi ko kaya na palagi nalang kitang sinasaktan. Naiisip ko din minsan na parang hindi talaga ako yung tamang lalake para sayo, palagi nalang kitang sinasaktan e." sabi nya at tumingin sa malayo.

Kahit palagi nya pa akong saktan, hindi parin mawawala tong pagmamahal ko sa kanya. Ganyan ko sya kamahal e. Kahit nga noon na palagi nalang nya akong sinasaktan, hindi ko parin sya sinukuan.

Na kahit palagi nya akong sinusungitan noon, palagi parin akong nagpapapansin sa kanya. Na kahit na pinamukha nya na sa akin na hindi nya talaga ako magugustohan, hindi parin ako sumuko sa kanya.

"Same, ayoko ding sabihin sayo kasi natatakot ako." sabi ko.

"Masaya ka ba?" tanong nya at nilingon ako.

"Oo naman, sino bang hindi magiging masaya kung malalaman mong ikakasal ka na sa crush mo." sabi ko at ngumiti.

Ang tagal ko ng pangarap to, di ko nga akalain na aabot kami sa ganito. Ang saya ko nga ngayon dahil sa nalaman ko.

"Masaya din ako, kasi mapapakasalan ko na ang babaeng mahal ko." namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Enebe?

Humarap naman sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Always remember, that I love you so much." sabi nya at nilapit ang mukha nya sa akin.

The next thing I knew, his lips is already touching mine. Napapikit naman ako at nilagay ko ang braso ko sa batok nya at tumugon sa halik nya.

Pero bigla kaming napatigil ng may tumikhim sa harap namin. Tinulak ko naman sya bigla.

Nasa harap lang naman namin ang mga magulang namin. Napa yuko naman ako dahil sa hiya. Nakakahiya talaga.

"Bakit mo hinalikan ang anak ko?" seryosong tanong ni daddy kay Dustin.

"Sorry po, sir." nakayukong sabi ni Dustin.

"At dahil dyan, pakakasalan mo ang anak ko pagkatapos ng graduation nyo." tiningnan naman ni Dustin si daddy at ngumiti.

"Kahit bukas pa sir." natatawang sabi ni Dustin.

Hinampas ko naman sya, loko talaga ang lalaking to.

"Drop the formality, just call me tito or daddy." sabi ni daddy.

"Ok dad" sabi naman ni Dustin.

Nagtawanan naman kami at bumalik sa loob ng bahay para pag usapan ang tungkol sa kasal.

"Saan mo gustong ikasal iha?" nakangiting tanong ni Tito Geoffrey sa akin, di gaya noon na parang kakainin nya ko anytime.

"Sa Pilipinas po tito." nakangiting sagot ko.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon