Chapter 09

3 2 0
                                    

Chapter 9

"Pano kung hindi parin ako naniniwala?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami dito sa cafeteria.

"Liligawan kita." I bite may lower lip. Seryoso ba talaga sya?

Hindi na ako ulit nag salita at nag patuloy sa pag kain. Parang kailan lang parang ipag sigawan na nya kung gaano nya kamahal si Sheena tapos ngayon, nandito sya sa harapan ko, liligawan ako.

Kung sagutin ko nalang kaya to ngayon? Joke lang, di porke matagal ko na syang crush, sasagutin ko na agad sya.

I can't stay mad at him. Kahit gusto ko pang magalit sa kanya. Sa lagay na to mukhang di ko lang sya gusto e, mahal ko na din ata sya.




***




Habang nagbabasa ako ng notes ko ay biglang may kumalabit sa akin, nilingon ko naman sya.

"Ano?" tanong ko kay Dustin. Nasa likod ko lang kasi sya naka upo.

"Pwede pahiram nung assignment notebook mo? Naiwan ko kasi yung saakin kaya pa copy nalang." sabi nya.

Kinuha ko naman ang notebook ko sa bag at binigay sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin bilang tugon.

"Pwede pahiram nung Math notebook mo? Nawala kasi yung Math notebook ko. Kokopyahin ko lang yung mga notes mo dun." sabi nya. Kinuha ko sa bag ko yung math notebook ko at ibinigay sa kanya. Himdi ko sya matanggihan e.

"Bukas ko nalang to isasauli" sabi nya. Tumango lang ako.

Kalat na sa school yung tungkol sa panliligaw ni Dustin sa akin, ayaw pa maniwala ni Lyn na nililigawan ako nun. Absent kasi sya kahapon.

"So totoo yung chismis sa school na nililigawan ka daw nya." nandito kami ngayon sa may nag titinda ng street foods, kumakain.

Dumeretso kasi kami agad dito pagkatapos ng klase namin.

"Oo, gusto nya na daw ako Lyn. Sinabi nya sa akin kahapon." kilig na kilig pa ako habang sinasabi yun, tiningnan nya naman ako at tinaasan ng kilay.

"Baka sasaktan ka nanaman nyan."

"Nag sorry na sya sa akin about dun, tsaka totoo na to, gusto nya na talaga ako." sabi ko at sumubo ng fish ball.

Napagbuntong hininga naman sya sa sinabi ko.

"Kung masaya ka naman, susuportahan lang kita. Basta kausapin mo lang ako kung may problema ka." napangiti ako sa sinabi nya. I'm so lucky so have her as my bestfriend.

Habang kumakain parin kami ay biglang may nag text sa akin.

From: Unknown Number

Nasan ka? Si Dustin to.

Saan nya naman nakuha ang number ko? Nag reply naman agad ako sa kanya.

To: Dustin

Nasa tindahan ako ng mga street foods, kasama ko si Lyn. Bakit?

Hindi rin nag tagal ay nag reply sya.

From: Dustin

I'll go there. Wait for me.

Sinunod ko naman ang sinabi nya. Nakita ko syang naglalakad palapit sa akin.

"Ihahatid na kita sa inyo." sabi nya.

"Ok" sagot ko.

Nag paalam muna ako kay Lyn bago umalis. Naglakad kami papuntang parking lot ng school at sumakay sa kotse nya.

"Wala ka bang kailangang bilhin?" tanong nya.

"Wala naman." tumango lang sya at nag simula ng mag drive.





Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon