Chapter 16
"Classmate natin sya?!" gulat kong tanong kay Desteen.
Naka upo kasi sa kabilang side ng upuan ko.
"Oo" tipid na sagot ni Desteen.
Iniiwasan ko na nga sya tapos classmate ko na sya ngayon. Pano ko to iiwasan ngayon?
Di ko nalang pinansin si Dustin at umupo sa upuan, pero bago pa ako maka upo ay papel nanaman akong nakita na naka patong sa upuan ko.
Inis ko iyong kinuha at binasa.
Dear Crush,
Everytime I stare at you, I fall deeper to you.
Pagka tapos kong basahin yun ay nilingon ko naman si Dustin pero busy sya sa pagbabasa ng libro.
Imposible namang si Dustin ang nagbibigay sa akin nito.
Pero ang tanong, sino talaga ang nagbibigay sa akin nito?
Iniwala ko muna iyon sa isip ko at ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa teacher naming nag kaklase ngayon.
Hindi nako sumabay kay Desteen na pumunta sa cafeteria, paniguradong makaka sabay ko din si Dustin.
Umorder ako ng pagkain, pagka tapos ay bumalik din ako agad sa classroom. Ayoko talagang makita si Dustin.
Habang kumakain ako dito sa loob ng classroom namin ay bigla nalang bumukas yung pinto. Nakita ko naman si Dustin na pumasok.
Naupo sya sa katabi kong upuan. Dito kasi sya pinaupo ni prof, kainis nga e, bakit magka tabi pa kami?
Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang ako sa pag kain.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" tanong nya. Ano naman ang pag uusapan namin?
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" I asked without looking at him.
"About us"
"Ano pang pag-uusapan natin tungkol dyan? Diba wala na tayo?" this time, tiningnan ko na sya.
Huminga muna sya ng malalim bago sumagot.
"Im sorry..." tanging sagot nya.
"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nasaktan mo na ako!" sigaw ko at napa tayo.
"I didn't mean it. Hindi ako maka tanggi dahil nalulugi na yung kompanya namin. Once na tumanggi ako, malulugi na talaga kami ng tuluyan. Pero nung umalis ka, na realize ko na sana hindi ako pumayag sa sinabi ni papa kaya sinabi ko sa kanila na ayaw kong magpa kasal kay Sheena. Na galit pa nga si papa sa akin, pero buti nalang may tumulong sa amin para di malugi ng tuluyan ang kompanya namin, kaya hindi na tuloy yung engagement ko kay Sheena." mahabang paliwanag nya.
Na tulala ako sa kanya. Ang selfish ko pala, gusto ko na ako ang piliin nya kesa sa pamilya nya. Fuck! Hindi ko man lang inisip ang kalagayan nya at mas inisip ko pa ang sarili ko.
Nasaktan nga ako pero paano naman sya? Hindi ko man lang inisip na malulugi na talaga yung kompanya nila kung hindi sya papayag, ang sarili ko lang ang iniisip ko.
"I'm sorry..." tanging nasambit ko.
Lumapit naman sya sa akin at niyakap ako.
"Shh wala kang kasalanan." sabi nya.
"Sorry kasi iniisip ko lang sarili ko. Hindi ko na naisip yung kalagayan mo..." sabi ko habang umiiyak sa dibdib nya.
"Sorry, kung nasaktan kita ulit." bulong nya sa akin.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...