Chapter 04

8 2 0
                                    

Chapter 4

"Bakit parang ang saya saya mo?" sabi ni Zedrick sa akin. Napansin siguro nyang panay ngiti ako. Kapag naalala ko kasi yung kahapon ay napapangiti nalang ako.

"Nothing" sagot ko habang hindi parin nawawala ang ngiti ko.

***

"Sabay ulit tayo mag recess?" nakangiting tanong ni Dustin sa akin. Tumango naman ako agad, alangan namang tanggihan ko yung crush ko. Pangarap ko lang to dati, ngayon totoo na talaga.

Sya ulit ang nag bayad ng inorder ko, kahit pinilit ko pa sya na ako nalang ang magbayad ay hindi sya pumayag, nakakahiya talaga.

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong nya bigla. Napa tigil naman ako sa pag kain at tumingin sa kanya.

"Wala naman, why?" nag aalangan pa syang sumagot, ginulo nya pa ang buhok nya. Baliw ba to?

"Yayayain sana kitang lumabas mamaya....is it okay?" parang nahihiya pa syang itanong yun. I smile at him and I answered.

"Oo naman" masaya kong sabi. Mag dedate kami ni crush wahhh!

"Good. Sabay na tayo mamayang uwian." he said and I nodded.

Sabay nanaman kaming pumasok sa classroom kaya sumalubong agad ang nagtatakang mukha ni Lyn sa akin.

"Magka sabay nanaman kayo?" tanong nya.

"Yes" sagot ko.

"Guess what, Lyn" masaya kong sabi sa kanya. Nagtaka naman agad ang mukha nya.

"Ang ano?" tanong nya nangungunot ang noo, nag mukha tuloy syang lola ko.

"Mag dedate kami ni Dustin" syempre bulong lang yon. Na shock naman sya.

"Wehh?" tanong nya na parang hindi naniniwala.

"Oo, niyaya nya nga akong lumabas mamaya." pinipigilan ko ang sarili kong hindi mapatili. Parang hindi parin sya naniniwala. Sino naman ang maniniwala na dati pati anino ko ayaw makita ni Dustin tapos ngayon ganito?

"Wag kang masyadong umasa Zhy, baka nakikipag kaibigan lang yung tao sayo." nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi nya. She's right, baka nakikipag kaibigan lang talaga si Dustin sa akin pero heto ako, nag aasume.

Pagkatapos ng klase namin, sabay kaming umalis ni Dustin sa school. Di ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta." sagot nya.

Di na ulit ako nag tanong sa kanya, hinayaan ko lang syang mag drive hanggang makarating kami sa isang maliit na bahay.

"Kaninong bahay to?" tanong ko habang tanaw ang bahay. Maganda naman ang disenyo ng bahay kahit maliit.

"Sa akin. Dito ko gustong pumunta kapag gusto kong mapag isa." sagot nya.

"E kung gusto mong pumunta dito kung gusto mong mapag isa, bakit mo ko sinama?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Wala, gusto lang kitang isama. Let's go inside." sabi nya at pumasok kami sa bahay nya.

Namangha naman ako pagpasok namin sa bahay nya. May dalawang kwarto, sala, flat screen tv, at kusina. Kompleto lahat ang gamit. Pumunta ako sa terrace, mula dito ay tanaw ko ang buong syudad. Ang ganda ng view.

"Ang ganda dito.." sabi ko habang naka tingin sa buong syudad.

"Hope you like it. Wait, kukuha muna ako ng pagkain natin." sabi nya at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Bumalik naman sya agad na may dalang pagkain.

"Nadala mo na ba si Sheena dito?" natigilan naman sya tanong ko.

"Ok lang naman kung hindi mo saguti--" naputol ang sinasabi ko ng sumagot sya.

"Honestly, hindi pa" hindi pa nakaka punta ang girlfriend nya dito?

"Huh, bakit naman?" tanong ko ulit.

"Wag na nating pag usapan yan, let's just eat." inabutan nya ko ng isang burger at coke na in-can.

Kung hindi nya pa nadadala si Sheena dito, so it means na ako pa ang unang naka punta?

Pinipigila ko ang sarili kong ngumiti. Mukhang may pag asa na ako sa kanya, di ko na papalampasin to. Gagawin ko ang lahat, and mahulog lang sya sa akin. Gagawin ko din ang lahat, maka limutan nya lang si Sheena.

Pagka tapos naming kumain ay nag kwentuhan muna ngunit hindi rin nag tagal. Baka hinahanap nako sa bahay kaya kailangan kong umuwi agad.

"See you tomorrow" sabi nya ng makarating kami sa bahay, kumaway ako sa kanya ng nag drive na sya paalis.

Nang maka pasok ako sa bahay ay bumungad agad sa akin si kuya na naka cross arms. Bakit ang agang umuwi nito?

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni kuya na naka cross arms parin. Huh, ako may boyfriend?

"Wala naman kuya" sagot ko. Tinaasan nya ko ng kilay. Anyare ba dito kay kuya.

"Sino yung naghatid sayo kanina?" tanong nya.

"Classmate ko yun kuya." sagot ko.

"Mag sabi ka sa akin kung may boyfriend ka na, ok?" sabi nya sa akin at ngumiti. Tumango naman ako at ngumiti din sa kanya.

Pagka tapos kong mag bihis ng damit ay pinuntahan ko si kuya, naka upo sya sa bermuda grass sa garden namin, lumapit ako sa kanya na upo din sa tabi nya.

"Kuya, nagka crush ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit?"

"Anong feeling kung may ibang mahal yung crush mo?" nagtaka naman sya sa tanong ko.

"Bakit mo naman natanong yan? May crush ka na ba?" nagulat naman ako sa tanong ni kuya. Di pa kasi alam nila na may crush ako.

"Wala kuya, curious lang kasi ako." palusot ko.

"Masakit. Wala ka nang ibang gagawin kundi tanggapin na may mahal na syang iba. Hindi mo naman sya mapipilit na magustuhan ka din nya." napa tahimik ako sa sagot ni kuya. Ako kasi di ko matanggap na mahal ni Dustin si Sheena kaya nagpapansin parin ako kay Dustin kahit sila na.

Di ko kasi kayang tanggapin e. Kahit pilit kong tinatanggap ay hindi ko parin matanggap. Kaya kahit sila na, hindi parin ako tumitigil sa pagpapansin kay Dustin dahil umaasa parin akong magustuhan din nya. Pinag sabihan na nga ako ni Lyn noon na tigilan ko nalang daw si Dustin, pero syempre hindi ako tumigil.

Kaya nung naghiwalay sila ni Sheena, ang saya ko talaga. Hindi kami magiging mag kaibigan ngayon kung hindi sila nag hiwalay.

Nag paalam ako kay kuya na matutulog nako. Pagpasok ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama at tumitig sa kisame.

Pano kung mahal pa ni Dustin si Sheena? Pano kung wala talaga akong pag asa sa kanya?

Kung ganun nga gagawin ko ang lahat mahulog lang si Dustin sa akin. This time, hindi nako susuko.

Dear Crush,

Gagawin ko ang lahat mahulog ka lang sa akin!


***

Thanks for reading:)

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon