Chapter 11

7 2 0
                                    

Chapter 11

Para akong baliw dito sa loob ng kwarto ko. Talon ako ng talon tapos sumisigaw pa ako.

Di ako maka paniwala, boyfriend ko na talaga si crush wahhhh.

Noon, pangarap ko lang to, tapos ngayon totoo na talaga. Worth it naman pala yung mga sakit na pinagdaanan ko.

"Let's go, hon" namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya.

Palagi nalang nya talaga akong pinapakilig.

"Ok" nakangiti ko namang sagot sa kanya.

Sabi nya kasi kahapon na sabay na daw kaming pumunta sa eskwelahan kaya sinundo nya ko ngayon.

Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla nalang lumapit sa amin si Sheena. Namumugto pa yung mata nya tapos gulong gulo yung buhok nya. Yung mukha nya parang puyat na puyat talaga, parang hindi natulog.

"Malandi ka!" bigla nya kong sinugod at sinabunutan.

Napa tingin yung ibang istudyante sa amin. Hinila naman ako ni Dustin palayo kay Sheena.

"Malandi ka! Inagaw mo si Dustin sa akin!" sigaw nya at dinuro duro pa ako.

"Hindi ko nilandi si--" naputol yung sinasabi ko ng sumigaw ulit sya.

"Anong hindi nilandi! Pinipilit mo pa nga sya na magustohan ka! You bitch!" sigaw nya at susugod ulit pero pumagitna sa amin si Dustin.

"Tumigil ka nga Sheena" malamig na sabi ni Dustin kay Sheena.

Tiningnan naman ni Sheena si Dustin at tumulo bigla ang luha nya.

"Dustin, hindi mo na ba ako mahal?" tanong nya kay Dustin habang umiiyak.

Hindi naman sumagot si Dustin at tiningnan lang sya ng seryoso.

"Akala ko ba ako lang ang mahal mo?" tanong nya kay Dustin habang uniiyak parin.

Hindi parin sya sinasagot ni Dustin. Lumingon naman ulit sa akin si Sheena.

"This is all your fault! Kung hindi mo lang nilandi si Dustin, magkaka balikan pa sana kami!" at doon nag init ang ulo ko sa kanya.

Di ko na napigilan ang sarili ko at sumagot nako sa kanya. Nakaka inis na e.

"Anong nilandi?! Hindi ko sya nilandi!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Umalis muna tayo dito" bulong ni Dustin sa akin.

Umiling ako sa kanya bilang sagot. Kailangan ko talagang maka usap tong babaeng to.

"Anong hindi nilandi? E yung kami pa nga, lagi kang nagpapapansin sa kanya, tapos pinipilit mo pa ang sarili mo sa kanya kahit ayaw nya sayo. Oh anong hindi nilandi ha!" napa yuko naman ako sa sinabi nya.

Totoo naman yung sinasabi nya e, pinipilit ko yung sarili ko kay Dustin kahit ayaw nya naman talaga sa akin. Desperada akong magustohan nya ako pabalik.

"Ano! Hindi ka makasagot? Totoo naman kasi." kusang tumulo ang luha pagkatapos nyang sabihin yun.

It's really true that truth hurts huh? Yung sinabi nya sa akin kanina ay parang sampal talaga sa akin. Sapol na sapol talaga ako dun e.

Hinila ako papalayo ni Dustin dun. My tears is still keep falling while were walking.

Dinala ako ni Dustin dito sa back building. Humarap sya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Dustin, nagustohan mo lang ba ako dahil pinilit kita?" tanong ko sa kanya.

"No" he whispered.

"Baka totoo yung sinaaabi nya, na nagustohan mo lang ako dahil pinilit kita." sabi ko.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon