Chapter 07

9 3 0
                                    

Chapter 7

"Libre kitang street foods, gusto mo?" tanong nya pagkatapos ng klase namin sa last subject.

"Sige" sagot ko. Basta usapang libre, hindi talaga ako tumatanggi.

May nagtitinda kasing street foods malapit sa school namin. Pagdating namin doon ay una akong bumili ng fishball, pagkatapos ay isaw. Marami pa akong binili, di naman sya nagalit dahil sa dami ng kinain ko.

"May gusto ka pang kainin?" tanong nya.

"Wala na, busog na din naman ako." sagot ko.

Sya na din ang naghatid sa akin sa bahay.

"Di pala kita masusundo bukas." sabi nya.

"Huh bakit?" tanong ko. Bakit kaya?

"Malelate kasi ako bukas, magpahatid ka na lang sa driver nyo. Kita nalang tayo bukas, bye!" sabi nya.

Hindi na ako nag tanong kung malelate bukas. Kumaway ako sa kanya at kumaway naman sya pabalik bago mag drive paalis.

※※※

"Alam mo ba na nagka balikan na daw si Sheena at Dustin?"

"Pinost pa nga ni Sheena sa facebook na nagka balikan na daw sila."

"Magka sabay pa nga silang dumating dito kanina."

Yan ang usap usapan na bumungad sa akin pagdating ko sa classroom.

Kaya ba sinabi sa akin na hindi nya ko masusundo kasi magka sabay sila ni Sheena? At nagka balikan na pala sila? P*ta pinaasa nya lang pala ako.

"Diba sabi ko sayo na wag kanang umasa sa kanya." sabi ni Lyn sa akin. Pinipigilan ko din ang luha kong tumulo. F*ck, pinaasa lang nya pala ako.

"Pinaasa nya kasi ako." sabi ko kay Lyn.

"Bakit ka naman umasa? Diba sinabi nya na sayo na mahal na mahal nya si Sheena?" sabi ni Lyn. Ang tanga ko talaga.

"E sabi nya kasi na magugustohan nya din ako, maghintay lang daw ako!" halos pasigaw ko ng sabi kay Lyn. Di ko na din napigilan ang luha kong tumulo.

"E bakit ka naman naniwala? Ang tanga mo Zhy." sabi ni Lyn.

Lumapit na din sya sa akin at niyakap ako. Nasa school garden kasi kami ngayon. Hinila nya ako dito at pinagsabihan kung bakit umasa daw ako kay Dustin.

Bakit naman ako pinaasa ni Dustin? Bakit hindi nya sinabi sa akin na nagkabalikan na pala sila ni Sheena?

Bwesit sya, pinag laruan nya ang nararamdaman ko.

Absent sila Dustin at Sheena ngayon. Baka nagdedate ang dalawang yun, bahala sila!

Naiinis ako kay Dustin. Porke may crush ako sa kanya, paglalaruan nya na ang nararamdaman ko? Ang kapal naman ng mukha nya.

"Bakit pulang pula yang mata mo?" tanong ni Zedrick sa akin.

"E kasi pinaasa daw sya ng crush nyang magugustohan nya daw sya. Nagka balikan na pala si Dustin at yung ex nya kaya umiyak yan." sabi ni Lyn kay Zedrick.

"Punta muna tayo sa Ice Cream Store, i kain muna lang yan ng ice cream." sabi ni Zedrick, tumango naman ako bilang tugon.

Pumunta kaming tatlo sa Ice Cream Store. I kain ko nalang daw ng ice cream tong nararamdaman ko.

"Binalaan ko na yan na layuan na nya si Dustin, pero ang tigas ng ulo." sabi ni Lyn kay Zedrick. Para syang nanay ko.

Ilang ice cream na ang naubos ko pero ang bigat parin ng pakiramdam ko, parang anytime ay iiyak nanaman ako. Bwisit kasi si Dustin.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon