Chapter 08

7 2 0
                                    

Pengeng votes bwahahaha

Chapter 8

Ilang araw kong hindi pinapansin si Dustin, hindi din naman sya namamansin sa akin, e pake ko ba, mag sama sila nung girlfriend nya!

Hanggang ngayon galit parin ako sa kanya, ang kapal kasi ng mukha nya.

Habang naglalakad ako patungo sa cafeteria ay may biglang humarang sa akin. Bakit ba trip nilang humarang sa dinadaanan ko? Nung una si Sheena ang humarang sa akin tapos sya naman?!

"Zhy, I'm sorry." si Dustin ang humarang sa akin. Kapal talaga ng mukha nito.

Hindi ko sya pinansin at nilagpasan sya. Hindi pa ako naka lakad palayo sa kanya ay bigla nya kong papunta sa kong saan. Ano bang problema ng lalaking to?

Hinila nya ko hanggang makarating kami sa back building. Anong ginagawa namin dito?

"Bitiwan mo nga ako" sabi ko at inis na binawi ang braso ko sa kanya.

"Zhy, I'm sorry" sabi nya ulit sa akin.

"Ano? Sorry sa pag papaasa mo sa akin?" tanong ko.

"Hindi naman sa ga--" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Ganon yun! Pinaasa moko kahit ang totoo ay wala naman pala akong pag asa sayo! Sana tinulak mo nalang ako palayo kesa sa paasahin mo ko!" sigaw ko sa kanya kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.

"Bakit mo ko pinaasa?" tanong ko habang umiiyak na.

"Kasi ayaw kitang masaktan." b*llshit!

"Sa tingin mo, hindi ako nasasaktan ngayon?" tanong ko at nag simula nakong humikbi.

"Kung tunulak ulit kita palayo, masasaktan ka lang ulit, kaya hinayaan kitang umasa." sabi nya.

"E diba nagka balikan na kayo ni Sheena? Dapat pinapabayaan mo nalang akong masaktan gaya ng ginagawa mo noon." sabi ko umalis sa harapan nya.

"Hindi kami nagka balikan ni Sheena." napahinto ako sa paglalakad at nilingon sya dahil sa sinabi nya.

"Really? E sya pa nga ang nag sabi sa akin na nagka balikan na daw kayo?" nakita ko pa nga kayong nag date, tapos hindi nagka balikan?

"Hindi yun totoo" sabi nya. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya.

"Tss wala akong pake" sabi ko at tuluyan ng umalis.

Di ko na hahayaan ang sarili kong maniwala ulit sa kanya dahil sasaktan lang nya ako.

Tama na yung sakit na binigay nya sa akin simula noon, pagod nakong umasa sa kanya e hindi naman nya ako magugustohan. Ilang taon nakong umaasa at nagpaka tanga sa kanya kaya oras na siguro para pakawalan ko na ang sarili ko sa kanya.

Hindi lang naman sya ang lalake dito sa mundo. Siguro hindi sya ang para sa akin. Hindi siguro ibig sabihin nun na nagka gusto lang ako sa kanya ay sya na talaga ang para sa akin, nandyan lang siguro sa tabi tabi ang naka tadhana sa akin.

Sana sinabi nya nalang sa akin na hindi nya ko kailanman magugustohan, kesa paasahin nya ko ng ganito.

***

Habang nanonood kami ng TV ni kuya ay biglang may nag doorbell.

"Tingnan mo kung sino ang nag doorbell." utos ni kuya sa akin.

Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate para malaman kung sino ang nag doorbell. Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon kasi gabi na.

"What are you doing here?" si Dustin yung nag doorbell. Ano bang kailangan nito sa akin?

"I just wanted to say sorry, again." sabi nya. Ilang beses na ba tong nag sorry sa akin? Kanina pa to a.

"Anong magagawa ng sorry mo?" tanong ko. Hindi sya sumagot.

"Pwede ba umalis ka na dito?" inis kung sambit sa kanya at pagsasarhan na sana sya ng gate pero natigil ako ng bigla syang nagsalita.

"I like you" nagulat ako sa sinabi nya.

"W-what did you s-say?" nauutal kong tanong sa kanya. Seryoso ba sya?

"I already like you." sagot nya.

"Kung inu uto mo lang ako? Please tumigil ka na, hindi ako maniniwala sa iyo." isasarado ko na sana ang gate pero pinigilan nya iyon.

"Ayaw mo talagang maniwala?" tanong nya. Aba pano naman ako maniniwala?

"Bakit naman ako maniniwala?" tanong ko sa kanya. Tama na yung pag papaasa nya sa akin.

Hinila nya ko palapit sa kanya, at inilapit nya ang mukha nya sa akin, the last thing I knew....

He's already kissing me...

Hindi ako nakapag react agad dahil sa gulat. Tumigil sya sa paghalik sa akin at ngumisi sa akin.

"Kung ayaw mo pa ding maniwala, maghintay ka nalang bukas, ipapakita ko sayo." sabi nya bago umalis.

Sinarado ko ang ang gate at napasandal doon. Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko. Hinalikan nya talaga ako?

Self, wag mong hayaan ang sarili mong magpaka tanga ulit sa kanya, sasaktan ka lang nya.

Tulala akong pumasok sa bahay. Nadatnan ko si kuya na nanonood parin ng TV.

"Bakit natagalan ka?" tanong ni kuya.

"Hmmm may binili kasi ako dun sa kanto." pagpapalusot ko kay kuya. Di ko pwedeng sabihin sa kanya na pumunta si Dustin dito.

"Matutulog nako kuya." sabi ko kay kuya Jandrei. Jandrei kasi ang pangalan ng kuya ko.

Tulala akong naka tingin sa kisame habang naka higa sa kama. Sigurado ba sya? Gusto nya ko? Baka pag naniwala ako dun, sasaktan lang ako ulit nun.

E ano ba yung sinasabi nyang kung hindi parin ako naniniwala ay maghintay lang ako bukas? Bakit, anong meron bukas?

Hindi ako naniniwala na gusto nya ko. Kung maka sabi nga sya noon na hindi nya ko magugustohan, parang pinapangako nya sa sarili nya na hindi nya ko magugustohan kahit kelan.

Crush ko lang naman sya at hindi lang sya ang lalaki sa mundo, hahanap nalang ako ng ibang crush yung mas gwapo sa kanya hihi.

***

Hindi ko alam kung naka singhot ba ng katol ang mga tao dito, e kasi naman, pagpasok ko sa gate ng gate binigyan ako ng rose nung guard. Ang sagwa!

Kada taong nadadaanan ako e binibigyan ako ng rose. Ano bang problema nila?

Hanggang makarating ako sa classroom namin ay nagbinigay parin sila ng rose sa akin. Ang dami ko na ngang dala!

Nadatnan ko si Dustin na nakahawak ng gitara habang kumakanta sa harap ng mga kaklase namin.

Natulala ako sa kanya. Ang ganda talaga ng boses nya. Lumapit sya sa akin at ngumiti.

"Ano? Naniniwala ka na?" tanong nya.

Napatulala ako sa kanya. Ito ba yung sinasabi nya sa akin kagabi?

So pinapatunayan nya sa akin na gusto nya talaga ako?

Maniniwala na ba ako sa kanya?

Dear Crush,

Totoo na ba talaga na gusto mo ko?

***

Sorry for the short update.
Thanks for reading:)

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon