Chapter 10
"S-saan mo nakuha y-yan?" nauutal kong tanong sa kanya.
Sana hindi nya binasa!
"Maling notebook ang nabihay mo sa akin kahapon." sabi nya. Ang tanga ko talaga.
"Akin na yan" kukunin ko na sana ss kanya yung notebook ko pero inilayo nya yun sa akin.
"Anong ibig sabihin nung naka sulat dito?" tanong nya. Litse nakakahiya.
Napayuko nalang ako sa sobrang hiya.
"Ako ba yung crush na tinutukoy mo dito?" may halong pang aasar pa yung tuno nya.
Bakit sa lahat ng pwedeng maka pulot ay sya pa talaga?
"Akin na nga yan!" kinuha ko sa kanya yung notebook at tatakbo na sana palayo pero hinila nya ko pabalik.
"Bakit ka ba nagsusulat ng ganyan?" tanong nya.
"Sinusulat ko dyan lahat ng gusto kung sabihin sayo na hindi ko masabi noon." aalis na sana ako ulit ng hinila nya nanamn ako pabalik. Di nya ba ako paaalisin?
"Ngayon, di mo na kailangang isulat dyan, sabihin mo na agad sa akin." sinimangutan ko lang sya.
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay inaasar nya ko tungkol dun sa notebook, kesyo daw ang oa daw ng mga sinusulat ko dun, ang sarap nga nyang hampasin e, nagpipigil lang ako dito.
"Ako na ang oorder sa pagkain mo." sabi nya at natatawa pa.
Tiningnan ko sya ng masama.
"Di ka ba talaga titigil?" inis kong tanong sa kanya. Tumawa pa sya lalo.
"Ito na titigil na." sabi nya at tumatawa pang naglakad paalis para umorder.
Hindi naman sya nagtagal at bumalik agad dala ang inorder nyang pagkain.
"Kailan ka nagsimulang magsulat dun sa notebook mo? Ang dami mo na kasing nasulat dun." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Ano?! Binasa mo lahat?!" halos pasigaw ko nang tanong sa kanya. Damn, ang cocorny pa naman ng sinusulat ko dun.
"Ok lang naman, para sa akin naman yung sinusulat mo dun diba? So di mo na kailangang mahiya." namumula yung pisngi ko dahil sa hiya. Kainis bakit nya ba binasa lahat?
Ayun, pagkatapos naming kumain, naglakad na kami patungo sa classroom pero hindi nya parin ako tinitigilan sa kakaasar. Kainis!
***
"Tara, date tayo?" sabi nya habang nagliligpit ako ng gamit ko para umuwi na.
Totoo ba to? Si crush, nag aaya ng date? Gosh, parang hihimatayin nako sa kilig!
"Sure saan ba?" tanong ko sa kanya
"Basta" sabi nya.
Naglakad kami papuntang parking lot, sumakay kami sa kotse nya at nagsimula na syang mag drive. Saan ba kasi kami magdedate?
Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Bumaba kami sa sasakyan at naglakad papasok sa restaurant na yun.
"Sigurado ka bang dito tayo magdedate? Mukahang mahal ang pagkain nila dito e" sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Afford ko naman ang mga pagkain dito." sa bagay afford nya talaga, mayaman sya e.
Umupo kami at may waiter na lumapit sa amin at binigyan kami ng menu. Pagkatapos naming pumili ng pagkain ay ibinalik namin yung menu sa waiter.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating yung order namin.
Hitsura palang nung pagkain mukhang masarap talaga.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...