Chapter 14
Maaga akong na gising dahil first day ko ngayon sa school ko dito sa New York. Hinatid ako ni daddy sa school bago sya pumunta sa trabaho.
Hindi ko maiwasang mamangaha sa school dito ng dumating ako. South University ang pangalan ng school na ito. At dahil aliw na aliw ako sa pag tingin sa mga building nila ay may na bangga akong babae.
Tinulungan ko namang tumayo yung babae.
"Are you new here?" tanong nya. Dudugo talaga ang ilong ko dito.
"Yes" sagot ko sa kanya.
"What's your name?" tanong nya.
"Zhyline Hesera, you?" tanong ko pabalik.
"Desteen Quijano" wait Quijano? Ka ano ano nya kaya si Dustin? Baka coincidence lang siguro.
"Nice to meet you, pwede ba tayo maging kaibigan?" tanong ko. Ay patay di naman pala sya marunong mag tagalog.
"Oo naman" na gulat naman ako sa sinagot nya.
"Marunong kang mag tagalog?" gulat kong tanong sa kanya. May kababayan pala ako dito?
"Yes, my parents are both filipino's" hayy thank you lord, hindi ko na kailangang mag salita ng english.
"Anong section ka pala?" tanong ko sa kanya. Sana magka pareho kami ng section.
"4-A you?"
"Same" sagot ko.
"Sabay na tayo." tumango naman ako sa kanya.
Hindi ko maiwasang mamangha pagka pasok namin sa classroom namin. Mas malaki pa kasi to sa classroom namin sa Pilipinas.
Magka tabi kaming umupo ni Desteen.
Napansin ko lang, parang may kamukha tong si Desteen. Hindi lang klaro kasi makapal yung salamin nya.
Maya maya pa ay dumating na yung professor namin.
Halos dumugo na yung ilong ko dahil sa kakaenglish ni Professor Leondale. Leondale kasi ang surname nya.
Kaya ang resulta, tulala lang ako at hindi pumapasok sa isip ko yung lesson namin.
Sabay kami ni Desteen na pumunta sa cafeteria nila dito. Pinahanap muna ako ni Desteen ng upuan, napili ko yung upuan na malapit sa glass window. Sya na din ang umorder ng pagkain namin at ni libre nya din ako. Naka limutan ko kasing humingi ng pera kay dad kanina.
Hindi naman nag tagal ay bumalik si Desteen, may dala syang tray na may 2 burger, 2 sandwitch, at 2 milktea. Sanaol may milktea.
"Desteen, bukas nalang kita babayaran." sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi, kakakilala lang namin tapos nagpa libre agad ako. Fc lang?
"No need, libre ko na yan sayo." sagot nya.
Ang bait naman pala nya. Ang sarap ng pagkain nila dito lalo na yung burger nila. Gusto ko pa ngang bumili ng isa pero wala naman pala akong pera. #poorkid
Nahihiya naman ako na magpa libre ulit sa kanya. Baka isipin pa nitong feeling close ako.
"Desteen, may kapatid ka ba?" tanong ko sa kanya.
Napa tigil naman sya sa pag kagat sa burger nya at tumingin sa akin.
"Yes, actually he's my twin." He? So lalaki yung kakambal nya.
"Ahh" sabi tapos tumatango tango pa. Para tuloy akong baliw.
At dahil half day lang ang klase namin ay tuwang tuwa ako. Buti pa dito half day lang.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
TeenfikceSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...