Chapter 5
"Zhy gising na" sabi ni kuya habang ginigising ako.
Hindi ko sya sinunod at nag taklubong ako ng kumot. Ang sarap pang matulong e.
"Zhy gumising ka na, malelate ka na." sabi ulit ni kuya pero hindi ako sumagot. Gusto ko pang matulog tapos gigisingin pa ako?
Umalis na si kuya dahil ayaw kung gumising. Salamat naman at wala ng disturbo.
Matapos ang ilang minuto ay may pumasok ulit sa kwarto ko. Di ba talaga ako titigilan ni kuya?
"Hey wake up." niyugyug nya ang balikat ko. Bakit ka boses sya ni Dustin? Nananaginip lang siguro ako.
"Hoy gumising ka na!" sigaw nya at sinampal ako. Langya!
Napa bangon ako para sigawan sya pero nagulat ako kung sino ang sumampal sa akin.
Anong ginagawa ni Dustin dito?!
"A-anong ginagawa m-mo dito?" nautal pa ako. Nakakahiya kasi ang hitsura ko. Baka ma turn off sya sa akin huhu.
"Sabay na tayong pumunta sa school. Magbihis ka na malelate na tayo." sabi nya, pagkatapos ay lumabas na sya sa kwarto ko.
Dali dali akong tumakbo sa banyo para maligo. Baka ako pa ang dahilan kung bakit nalate sya, Nakakahiya.
Pagkatapos kong magbihis ay dali dali akong lumabas sa kwarto. Late na talaga kami.
"Let's go" tumango naman sya at dali dali kaming sumakay sa kotse nya.
Buti wala pa yong teacher namin pagdating namin sa classroon kundi ibabagsak nya talaga kami sa subject nya.
"Bakit magka sabay kayo?" tanong ni Lyn.
"Sinundo nya kasi ako sa bahay." sagot ko. Napanganga naman sya sa simabi ko.
"Pumunta sya sa bahay nyo? Bakit?" bakit ba tanong ng tanong ang babaeng to?
Nagkibit balikat nalang ako sa tanong nya. Di ko din alam kung bakit sya pumunta sa bahay e.
***
"Kilala mo yung babaeng yun?" inis na tanong ko kay Lyn habang turo ang babaeng kasabay ni Dustin kumain. Kaya pala hindi nya ko niyaya.
"Kung makainis ka naman para mo namang boyfriend si Dustin, hoy baka nakakalimutan mo walang kayo." ang sakit nun a.
Hindi ko nalang sila pinansin. Tama naman si Lyn, kung makainis naman ako parang namang kami.
Bumili lang ako ng pagkain sa cafeteria at sa classroom ko nalang yun kakainin. Ayaw kong makita sila, nasasaktan lang ako.
Habang kumakain ako ay bigla namang pumasok si Dustin sa classroom. Tapos na ba silang magharutan nung kasama nya? Gosh I'm sounded like a jealous girlfriend here.
"Bakit hindi ka sa cafeteria kumain?" tanong nya pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa pag kain.
"Pake mo ba?" sabi ko at inirapan sya. Magsama kayo ng babaeng yun!
"Sorry kung hindi kita niyaya kanina." inirapan ko lang sya. Kahit crush ko sya naiinis parin ako sa kanya.
"Sorry na talaga. Libre nalang kita ng pizza mamaya." nagningning naman ang mata ko sa sinabi nya. Favorite food ko yun e!
"Talaga?" tanong ko sa kanya habang naka ngiti na parang hindi ako nainis sa kanya.
"Di ka na galit?" tanong nya.
"Basta libre mo ko mamaya."
"Sure, mamayang uwian." sabi nya at ginulo ang buhok ko.
Pagdating talaga sa kanya ay nagiging marupok ako.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...