This is the last chapter. Enjoy reading:)
Chapter 20
"Hoy gising na!" sigaw ng kung sino.
Desturbo naman to. Tumagilid ako ng higa at tinabunan ng kumot ang mukha ko. Wala naman akong gagawin ngayong araw, bakit naman ako gigisingin?
"Gumising ka na Zhy!" malakas na sigaw nya. Naka lunok ba sya ng speaker?
Patuloy parin sya sa pag alog sa akin kaya di ko na naka yanan at bumangon nako at hinarap kung sino mang demonyo ang gumising sa akin.
"Bakit mo ba ako ginigising?" tanong ko habang naka pikit parin. Inaantok parin ako, ang sarap pang matulog.
"Hoy bruha! Diba sabi mo ililibre moko ngayon? Kaya bumangon ka na dyan!" napamulat naman ako bigla.
Si Lyn pala yung gumigising sa akin. Ililibre ko nga pala sya ngayon, naka limutan ko talaga dahil sa antok ko.
"Maghintay ka muna dun sa sala, magbibihis lang ako." sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya at lumabas ng kwarto ko. Grabe, ang aga nyang pumunta dito para lang dun. Sa bagay mukhang miss na miss ako nun kaya gusto akong maka bonding.
Naligo ako at nagbihis ng croptop shirt tsaka pantalon. Lumabas ako sa kwarto pagka tapos at nilapitan sya.
"Let's go." sabi ko sa kanya.
Sumakay kami sa kotse ko at nag drive papuntang mall. Mag sa-shopping kami.
"Pili ka anong gusto mo dyan." sabi ko at tinuro sa kanya ang mga mamahaling damit.
Tumango naman sya at nag simulang pumili. Umupo muna ako sa isang upuan habang hinihintay sya.
Nag sukat sya ng isang dress at pinakita sa akin.
"Bagay ba?" tanong nya.
Tiningnan ko muna ng maigi bago ako umiling. Bumalik sya sa fitting room at nag sukat ulit ng panibagong dress at ipinakita sa akin. Umiling ako ulit, at bumalik na naman sya sa fitting room para mag sukat ng panibago. Lumabas sya ulit na may suot na kulay blue na dress, tumango naman ako sa kanya.
Pagka tapos namin dun ay kumain muna kami sa jollibee, hindi pa kasi kami kumakain ng pumunta kami dito sa mall.
"Saan mo gustong pumunta ulit?" tanong ko sa kanya.
"Nood tayo ng sine, gusto mo?"
"Oo, basta wag lang yung horror." naalala ko na naman yung na nood kami ni Dustin ng sine at horror yung pinili nya. Grabe, hindi talaga ako naka tulog nun.
"Ok" sabi nya tapos naka ngisi.
Mukhang may binabalak ang isang to.
"Are you sure?" paninigurado ko.
"Oo naman" sagot nya.
Pagka tapos naming kumain, pumunta kami sa 3rd floor para manood ng sine. Bumili muna kami ng popcorn at drinks bago pumasok sa sinehan. Buti nalang at hindi horror yung pinili nyang panoorin namin. Mukhang hindi naman kasi nakaka takot yung title.
Chill lang akong naka upo at kumakain ng popcorn habang nanonood ng biglang lumabas yung mukha ng multo sa screen kaya napa sigaw ako. Akala ko ba hindi horror ang pinili nya?
Nilingon ko naman sya at sya naman ay tinatawanan ako, to the point na parang mauubos na ang hangin nya kakatawa sa akin.
"Akala ko ba hindi horror ang pinili mo?" tumatawa parin sya hanggang ngayon.
"Yung mukha mo kanina Zhy hahahahaha nakakatawa talaga hahahahaha" she said while laughing hard.
Tiningnan ko naman sya ng masama kaya napa tigil sya sa pag tawa. Nag peace sign naman sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...