Epilogue
Biglang lumapit ang isang babae sa akin at may iniabot sa aking papel.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Love letter yan, sana mabasa mo." sabi nya na parang nahihiya.
Ang alam ko, may crush to sa akin, kahit may girlfriend na ako ayaw paring tumigil sa pagpapapansin sa akin. As if naman na magugustohan ko sya.
"Ito babasahin ko?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya. Aba! ang kapal talaga ng babaeng to.
Pinunit ko iyon sa harap nya. Tiningnan ko naman sya at para na syang maiiyak ng dahil sa ginawa ko sa love letter nya tss.
"Kahit basahin ko pa yan, si Sheena parin ang mahal ko." sabi ko at umalis sa harapan nya.
Sheena and I were childhood bestfriends, kalaunan nagustohan ko sya at naging kami rin. Ipinapangako ko din sa sarili ko na sya lang ang mamahalin ako at wala ng iba.
"Babe, hindi parin ba tumitigil sa pagpapapansin sayo si Zhyline?" tanong nya habang nag rerecess kami.
"Hindi parin, pero bahala na, mahal naman kita." namula naman sya dahil sa sinabi ko.
Nung hindi pa kami ni Sheena nagpapapansin na talaga sa akin si Zhyline at hanggang ngayon na kami na Sheena hindi parin sya tumitigil.
Isang araw, tumigil na sya pagpapapansin sa akin. Pero bakit parang kulang ang araw ko kung hindi nya ako kinukulit? Arrrgghh ano ba tong iniisip ko? Dapat masaya ako dahil tinigilan na nya ako.
May transferee kaming bagong classmate, pinsan daw nung bestfriend ni Zhyline. Napansin ko na naging close na din si Zhyline dun sa Zedrick na yun. Tuwing magkakasama pa nga sila di ko alam kung bakit ako naiinis. What's wrong with me?
One time, nahuli ko nalang si Sheena na may kahalikan sa CR, like what the fuck? Nililiko nya lang pala ako.
Di ko napigilan na suntukin yung kahalikan ni Sheena. Nalaman ko din na naging sila pala habang kami. Piste, manloloko sya!
"I'm sorry Dustin..." umiiyak na sabi nya ng pumunta sya sa bahay namin.
"Umalis ka na Sheena." malamig na sabi ko sa kanya.
Papasok na sana ako pabalik sa bahay ng hawakan nya ang braso ko.
"Please Dustin, forgive me..." hindi ko sya pinansin at binawi ko sa kanya ang braso ko at pinagsarhan sya ng gate.
Hindi man lang ako umiyak nung nag break kami. Parang namanhid yung katawan ko at wala akong maramdaman.
Nag umpisa ko nang pansinin si Zhyline. Naging masaya naman akong kasama sya.
Naging magkaibigan kami. Palagi ko pa nga syang nililibre sa cafeteria nun.
"Kailan mo pa kaya ako magugustohan?" na bigla naman ako sa c tanong nya.
Hanggang ngayon, umaasa parin pala sya sa akin. At dahil gusto kong maka limutan si Sheena, binigyan ko sya ng pag-asa.
Kalaunan na gustohan ko na din sya at naisipan ko na syang ligawan. Ang saya ko pa nga nung sinagot nya ako.
Pero ang saya na yun ay panandalian lang pala.
"Break up with her." nagulat naman ako sa sinabi ni papa.
Pinapunta ko dito si Zhyline sa bahay para ipakilala kay papa, pero ito ang bumungad sa amin pagka tapos ko syang ipakilala kay papa.
"Bakit?" nalilito kong tanong kay papa.
"Nalulugi na ang kompanya natin. Kailangan mong ikasal kay Sheena para hindi iyon malugi ng tuluyan. " pagka tapos iyong marinig ni Zhyline, tumakbo sya palabas, sinundan ko naman sya agad.

BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...