Chapter 06

5 2 0
                                    

Chapter 6

"Gusto mo na din ako?" masaya kong tanong sa kanya.

"Hindi" tipid na sagot nya.

"Diba sinabi mo sa akin kanina na gusto mo ko?" tanong ko. Mapanaket ka talaga crush.

"Imagination mo lang siguro yun." sabi nya at nauna na sa aking maglakad.

Narinig ko yun e, sinabi nya talaga. Maghintay ka lang crush, mahuhulog ka talaga sa akin.

Hindi rin kami nag tagal sa pamamasyal at bumalik din kami agad sa bahay ni lola. Pagdating namin ay may naabutan kaming bagong bisita. Baka ito na yung sinasabi ni Dustin na tito at tita nya.

"Nandyan na pala si Dustin." sabi ng lola nya. Nilingon naman ng mga bisita si Dustin. Lumapit si Dustin sa kanila at nag mano.

"Kamusta ka na iho?" tanong nung lalaking may katandaan na. Tito nya yata.

"Ok lang naman po tito." sagot naman ni Dustin.

Naglingonan naman sa akin ang tito at tita nya. Ngumiti lang ako sa kanila para hindi mahalata na kinakabahan ako.

"Girlfriend mo ba sya iho?" tanong nung tita nya. Sana nga po.

"Kaibigan lang po." sagot ni Dustin. Sakit naman, friendzone lang talaga ako.

"What's your name?" his tito ask me.

"Zhyline po" sagot ko.

"Nice to meet you iha." sabi nila. Ngumiti lang ako ng tipid.

Pagkatapos nilang magpa kilala sa akin ay may pumasok nanamang bisita. Dalawang babae at dalawang lalake na ka edad lang namin ni Dustin.

"Sorry po kung natagalan kami, namasyal pa kasi kami." sabi nung isang babae at nag mano sa lola ni Dustin.

"Who is she?" tanong isang lalake at tinuro ako.

"This is Zhyline, my friend." pagpapakilala ni Dustin sa akin sa kanila.

"Nice to meet you Zhyline, I'm Claire." sabi nung isang babae at naglahad ng kamay, tinanggap ko naman iyon.

"I'm Mark, nice to meet you." sabi nung isang lalake.

"I'm Janelle" sabi naman nung isa pang babae.

"Wala ka bang boyfriend?" tanong isang lalake. Umiling ako bilang sagot.

"Single ka pala, so can i court you?" nagulat naman ako sa tanong nung lalake. Naka shabu ba sya?

"No" matigas na sabi ni Dustin at tiningnan ng masama yung lalake.

"Wala naman syang boyfriend so baka pwe--" naputol yung sinasabi ng lalake ng sumabat si Dustin.

"Hindi nga pwede." malamig na sabi ni Dustin pero ramdam mo ang pagpipigil nya ng galit. Nililito mo talaga ako crush.

"Ok...By the way I'm Zach." sabi nung lalake at ngumiti.

"Nice to meet you Za--" naputol yung sasabihin ko ng hinila ako paalis ni Dustin. Ano bang problema nya.

"Wag kang papayag kung gusto nyang manligaw sa kanya, understand?" sabi nya nang maka layo kami sa kanila.

"Oo naman, loyal naman ako sayo." sabi ko sa kanya at ngumiti ng malaki. Loyal naman talaga ako sayo crush.

"Good" sabi nya, may binulong pa sya na hindi ko maintindihan.

Lumapit ulit kami sa kanila. Lumayo muna sa akin si Dustin dahil kinausap sya ng tito nya. Umupo lang ako sa sofa katabi nila Claire at Janelle.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon