Chapter 02

15 2 0
                                    

Chapter 2

Gumising ako na parang namamaga ang mata ko. Ang tagal ko kasing tumigil sa pag iyak kagabi. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng damit ay lumabas ako sa kwarto ko para pumunta sa dinning room. Nakita ko dun si mommy, daddy, at kuya dun pero di pa sila kumakain, mukhang hinintay yata nila ako.

"Goodmorning mom, dad." bati ko sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Goodmorning din Zhy" sabay na sabi din nila sa akin.

"Ako Zhy, di mo man lang ako sasabihan ng goodmorning" ito talagang si kuya, parang isip bata.

"Bakit naman kita babatiin?" sabay irap sa kanya.

"Dahil kuya moko duh" napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Edi goodmorning" umirap ako saka umupo para kumain.

"How's school iha?" nilingon ko naman si dad at sumagot ako.

"Ok naman po" at ngumiti ako kay dad. Di ko alam kung ok ba talaga.

Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na din ako kay mom at dad saka umalis patungo sa school. Pagdating ko sa school ay sumalubong agad si Lyn sa akin.

"Nabalitaan mo na ba Zhy?" tanong nya. Anong balita ba to?

"Nabalitaan ang ano?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Break na daw si Dustin at Sheena." nagulat naman ako sa sinabi nya. Nagtataka ko syang tiningnan. Ang sweet sweet pa nila kahapon tapos ngayon nag break? Imposible.

"Pano naman yung mag bebreak e ang sweet pa nga nila sa isa't isa. Sus hindi yan totoo." e pano naman ako maniniwala e mahal na mahal nga nila ang isa't isa.

"Narinig ko lang din sa mga kaklase natin. Nag break daw sila kahapon." sabi nya. Nakita ko pa nga silang mag kaakbay kahapon tapos nag break sila?

"Fake news siguro yan." sabi ko at umiling iling pa. Pumunta ako sa upuan ko at umupo. Kung nag break man sila baka may pag asa nako sa kanya. Nakaramdam ako ng tuwa sa na isip ko. Mukhang may chance nako sa kanya.

Biglang bumukas ang pinto ng classroom namin, iniluwa naman nun si Dustin na parang namamaga pa ang mata mukhang umiyak ng matagal. Magulo ang buhok at mukhang walang tulog. Dumiretso sya sa upuan nya at umub-ob sa lamesa nya. Mukhang totoo talaga ang balita na break na sila.

Dumating yung teacher namin at nagsi tayuan kami para batiin sya. Nilingon ko naman si Dustin na naka ub ub parin sa lamesa nya.

Pagkatapos ng klase namin ay tumayo ako at kinuha ang pera ko sa bag para makapag recess. Lalabas na sana ako sa pinto ng ma unahan ako ni Dustin. Nagtataka naman ako kung saan sya pupunta dahil ang direksyon nya ay hindi papunta sa cafeteria kaya na isipan kong sundan sya. Sinundan ko sya hanggang makarating kami sa back building. Walang masyadong tao dito at puro sirang upuan lang ang nandito.

"Why are you following me?" malamig na tanong nya. Napa hinto naman ako sa paglalakad.

"N-nagtataka l-lang ako k-kong bakit ka p-pumunta dito." nauutal kong sabi.

"Wala ka nang pakealam kung saan ko gustong pumunta. Can you please leave me alone?!" naiirita nyang sabi at umupo dun sa isang sirang upuan at may nilabas syang sigarilyo sa bag nya. Seriously? naisipan nya pa talagang manigarilyo sa loob ng school?

Pagkatapos nyang sindihan yung sigarilyo ay sinimulan nya iyong hithitin, napa ubo naman ako sa usok ng sigarilyo nya.

"Ano? Di ka talaga aalis?" tanong nya. Bakit ba palagi syang naiirita sa presensya ko?

"Totoo ba na break na kayo ni Sheena?" tanong ko. Na tulala naman sya sa tanong ko. Mukhang di nya inaasahang itatanong ko yun. Tumawa naman sya ng mapakla bago sagutin ang tanong ko.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon