Chapter 15

2 3 0
                                    

Chapter 15

Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung sino talaga ang nag bigay nung letter na yun. Tsaka bakit I miss you ang naka lagay dun? Magkaka kilala ba kami?

Baka hindi siguro para sa akin yun, baka naiwan lang yun nung dating may ari nung locker. Baka nga.

Nauna pa akong dumating kay Desteen sa classroom. Bakit na late naman ang isang yun? Palagi naman yung maagang dumadating dito.

"Bakit natagalan ka?" tanong ko agad sa kanya ng maupo sya sa tabi ko.

"Ang tagal kasing na gising ni kuya. Kainis." naiinis nya pang sabi.

"Saan ba nag aaral yang kuya mo?" I asked her.

"Actually, sa Pilipinas talaga sya nag aaral pero nagpa transfer na din sya dito." so dito na nag aaral ang kuya nya?

"So dito na nag aaral ang kuya mo?" tanong ko sa kanya.

"Yes, pero nasa kabilang section sya." baka yung kuya na sinasabi nya ay yung kambal nya siguro.

Pagka tapos ng klase namin ay dumeretso muna ako sa library para iuwi yung libro na hiniram ko kahapon.

At dahil hindi ko naintindihan yung lesson namin sa isang subject kanina, humanap nalang ako ng libro tungkol dun. Hiramin ko nalang siguro ulit.

Pagka tapos kong humiram ng libro pumunta ako sa cafeteria para bumili ng pagkain.

Pagkatapos kong umorder ay naupo ako at binuksan ang libro na hiniram ko kanina. Pagbukas ko nun ay may nakita akong papel na naka ipit dun. Ano nanaman ba to?

Binukasan ko yun at binasa kung ano ang naka sulat dun.

Dear Crush,

I love you...

Kumunot naman ang noo ko pagka tapos basahin yun.

Sino ba tong crush na to? Ako ba talaga to?

Sino naman kaya ang nagbibigay sa akin nito? Ang creepy nya.

Bigla nalang akong natulala at na isip sila Sheena at Dustin.

Kasal na kaya sila?

Umiling nalang ako at iniwala iyon sa isip ko. Pake ko ba sa kanila. Nag mo-move on nako dito.

"Anong ginagawa mo dito kuya?" gulat kong tanong.

Pagdating ko kasi dito sa bahay, sya agad ang nadatnan ko.

"Hindi mo naman sinabi na nagka boyfriend ka pala." seryosong sabi ni kuya. Patay.

"Sasabihin ko naman sana kuya pero hindi pa nga kami naka abot ng isang linggo, nag break na agad kami." sabi ko tapos naupo sa harapan nya.

"Anong pangalan nung naging boyfriend mo?" tanong nya.

"Dustin" sagot ko at umiwas ng tingin.

"Yung lalaking sumusundo sayo sa bahay?" tanong nya. Tumango nama ako at nag iwas ulit ng tingin.

Anytime na na aala ko si Dustin, parang bumabalik lahat yung sakit na naramdaman ko. Kahit pilit kong tanggapin na di talaga kami para sa isa't isa, ang sakit parin e, kahit pilit kong tinatanggap, ang sakit parin.

Sana nung sinabi nya na hindi nya ko magugustohan, sana tumigil nako. E ako tong si tanga e, umaasa parin kahit wala naman talaga akong pag asa.

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung hindi lang sana ako umasa ng umasa hindi naman ako magiging ganito. Kung sana nag move on kaagad ako, masaya na sana ako ngayon.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon