Chapter 18
"You will meet your fiancee at friday." tulala lang akong naka tingin kay dad.
Iniisip ko kung pano tanggihan to, pero naka oo nako kay dad. Nagsisisi talaga ako na sana hindi nalang ako pumayag sa engagement na to, ang tanga tanga ko.
"Ok dad" wala sa sarili kong sabi at nagpa tuloy sa pag kain.
Pano ko to malulusutan? Bat pa ba kasi pumayag ako.
Ang problema ko talaga ngayon, pano ko to sasabihin kay Dustin? Iniisip ko pa nga lang, kinakabahan na ako.
As usual, pagdating ko sa classroom binigyan agad ako ng bulaklak ni Dustin. Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap ang bulaklak.
"Ang sweet talaga ni kuya sayo, ayieee" sabi ni Desteen na kinikilig pa.
Namula naman ang mukha ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Ayieee kinikilig sya" pang aasar pa ni Desteen.
Mas lalong pumula ang mukha ko. Mukha na tuloy akong kamatis. Tinawanan naman sya ni Dustin.
"Half day naman ngayon, saan mo gustong pumunta?" tanong ni Dustin habang naglalakad kami sa hallway.
"Mag mall nalang kaya tayo, pwede?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya agad.
Dahil may sasakyan naman syang dala, sa kanya na ako sumakay, alangan namang mag comute ako.
Nalilito naman ako kung bakit nya alam ang pasikot sikot dito sa New York. Naka punta na kaya sya dito? Pwede din.
"Anong gusto mong bilhin?" tanong nya ng maka pasok kami sa mall.
Nagpalinga linga naman ako hanggang mahagip ng mata ko ang tindahan ng ice cream.
"Dun tayo!" sabi ko at tinuro ang tindahan ng ice cream.
Hinila ko sya papunta dun at bumili ng ice cream.
"Anong flavor ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw?"
"Chocolate sa akin." sagot ko.
"Chocolate nalang din sa akin." sabi nya at bumili ng dalawang chocolate ice cream
Inubos muna naming kainin ang ice cream bago nag libot libot sa mall.
"Saan tayo?" tanong nya.
Nag isip isip naman ako bago sumagot.
"May arcade ba dito? tanong ko sa kanya.
"Meron naman, bakit?"
"Doon tayo." sabi ko.
Pumunta kami sa arcade nila dito. Kagaya lang din dun sa Pilipinas.
"Laro tayo ng basketball, kung sino ang matalo, sya ang manlilibre mamaya." hamon ko sa kanya.
"Game" sagot nya.
Nagsimula kaming mag laro. Kaunti palang ang na sho-shot kong bula. Nilingo ko naman sya, ang dami na nyang na shot! Mukhang ako talaga ang manlilibre sa aming dalawa, pero hindi parin ako susuko. Ginalingan ko pa ang pag sho-shot ng bula buti madami nakong na shot hanggang matapos ang time.
Tiningnan ko naman kung ilan ang score nya, piste ang mas malaki pa sa akin. At sa huli ako ang talo kaya ako ang manlilibre.
"Anong gusto mong ilibre ko?" tanong ko sa kanya.
"May alam akong pinoy restau restaurant dito, tara puntahan natin." tumango lang ako sa sinabi nya.
Lumabas kami ng mall at nag drive sya papunta dun sa pinoy restaurant na sinasabi nya. Miss ko na ding kumain lutong pinoy.
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Novela JuvenilSya si Zhyline. Isang babaeng nagka crush sa isang lalaking may iba namang mahal. Patuloy parin syang umasa na magugustuhan sya nito. Ginawa nya na ang lahat para magustohan niya lang sya pero wala parin. Susuko nalang ba sya? O Magpapatuloy parin k...