Chapter 13

4 2 0
                                    

Chapter 13

"Hello m-mom?" pagdating ko sa bahay, tinawagan ko agad si mommy.

"Bakit Zhy?" sagot ni mommy sa kabilang linya.

"P-pwede dyan nalang sa New York ako mag tapos ng pag aaral?" natahimik naman saglit ang kabilang linya. Nagulat yata si mommy sa sinabi ko.

"Bakit anak? May problema ka ba dyan?" meron mom, kaya gusto ko munang lumayo.

"Wala naman, miss ko lang kayo ni daddy." pagdadahilan ko pa. Ayaw kong sabihin kay mommy yung tungkol sa nangyari sa amin ni Dustin.

"Uuwi naman kami dyan ng daddy mo, next year."

"Miss ko na kasi kayo mommy, gusto ko din kayong maka sama."

"Ok, i bo-book kita ng ticket papunta dito." napangiti naman ako sa sinagot ni mommy.

Gusto kong pumunta ng New York para maka limutan ko ang sakit na pinag daanan ko dito sa Pilipinas. Gusto kong mag simula ng bagong buhay dun.

Ang sakit isipin na hindi pa kami naka isang linggo ni Dustin, nag break na kami agad. Akalain mo yun? Bago ko palang sya sinagot pero naghiwalay kami agad. Sana umabot man lang kami ng isang buwan at hindi naghiwalay agad. Pa epal kasi tong Sheena na to e. Siguro hindi talaga kami ang itinadhana sa isa't isa, sila talaga ni Sheena ang para sa isa't isa.

Ang saya ko pa nun dahil naging boyfriend ko na si crush tapos ngayon hiwalay na kami? Bakit ba kasi umepal agad si Sheena.

Nag text si mommy sa akin na mamayang madaling araw ang flight ko. Nag empake ako ng mga damit ko pagka tapos ay na tulog ako ng maaga.

2:30 ng madaling araw ako na gising, 4:00 am pa naman ang flight ko.

Pagka tapos kong mag bihis ay lumabas ako sa kwarto dala dala ang dalawang maleta ko pagka tapos ay nagpa hatid nako sa driver namin sa airport.

Sana pag balik ko dito sa Pilipinas, naka move on nako sa kanya.

Kasalukuyan akong naka sakay sa eroplano ngayon. Ma mimiss ko talaga si Lyn, di pa naman ako nag sa kanya.

Naka tulog ako dahil sa puyat. Dahil na rin siguro kanina, ang dami ko pa namang iniyak kanina. Ang sakit parin isipin na ikakasal na sila ni Sheena. Akala ko pa naman na ako na talaga, pero hindi talaga.

Maging masaya sana sya sa piling ni Sheena.

Malapit na kami sa New York ng ma gising ako.

"Please fasten your seat belt. We were going to take off " sabi nung piloto.

Sinunod ko naman ang sinabi ng piloto.

Bumungad agad sa akin ang preskong hangin dito sa New York pagbaba ko ng eroplano.

Habang naglalakad ako palabas ng airport ay nakita ko naman sila mommy at daddy na kumaway sa akin. Sila pala ang susundo sa akin?

Tumakbo ako papalapit sa kanila at niyakap ng mahigpit. I really miss them both.

"I miss you mom, dad." sabi ko habang naka yakap sa kanila.

"We miss you too, Zhy" sabay na sabi nila sa akin.

Kumalas sila pagkaka yakap sa akin at hinarap ako.

"Bakit bigla kang tumawag sa mommy mo para pumunta dito?" tanong ni daddy sa akin. Sasabihin ko ba ang totoo sa kanila?

"Alam kong hindi mo lang kami miss para pumunta dito." seryosong sabi ni mommy sa akin. Kilala na kilala nya talaga ako.

"Sa bahay ko nalang i kekwento lahat." sabi ko sa kanila.

Si daddy ang drive sa sasakyan namin. Naka punta nako dito dati, grade 7 yata ako nun. May bahay kami dito sa New York. Nandito kasi ang isa pang kompanya na pag aari namin. Yung kompanya naman namin sa Pilipinas, si kuya ang nag mamanage nun.

Oh speaking of kuya, hindi rin pala ako nakaka pagpaalam sa kanya. Tatawagan ko nalang sya mamaya.

"So bakit bigla mong na isipan na pumunta dito?" tanong agad ni daddy sa akin. Grabe naman tong si daddy hindi pa nga ako nakakapag pahinga, nag tanong na agad. Umupo muna ako sa sofa, ganun din sila.

"Nag b-break kasi k-kami ng boyfriend k-ko" nauutal kong sabi. Bigla ding tumulo ang luha ko.

Lumapit agad sa akin si mommy at niyakap.

"And you didn't even tell us that you already have a boyfriend." seryosong sabi ni daddy.

"What happen? Bakit nag break kayo?" tanong ni mommy.

Kumalas ako sa yakap ni mommy at umayos muna ng upo bago nag salita.

"Remember, yung crush ko na kinikwento ko lagi sa inyo?" tanong ko. Pinunasan ko muna ang luha ko bago nag salita ulit.

"Well, naging kami po. Sasabihin ko sana sa inyo pero nag hiwalay agad kami. Hindi n-nga kami u-umabot ng 1 week." pinunasan ko ulit ang panibagong luha sa pisngi ko pagka tapos kong sabihin yun.

"Anong nangyari pagka tapos?" tanong ni mommy. Tahimik namang nakikinig si daddy.

"Sinabihan ng papa nya yung boyfriend ko na maki pag break sa akin dahil ikakasal na sya dun sa ex nya. Hindi naman maka tanggi yung boyfriend ko dahil nalulugi na yung kompanya nila tapos na baon pa sa utang. Kaya ayun n-nag break k-kami." umiyak nanaman ako. Niyakap naman ulit ako ni mommy.

"Shhh stop crying" sabi ni mommy habang hinahagod ang likod ko.

Hindi ako tumigil sa pag iyak. Umiyak lang ako ng umiyak kay mommy.

"Mag pahinga ka muna" sabi ni mommy ng tumigil ako sa pag iyak.

Hinatid nya ko sa kwarto ko. Pag pasok ko naman sa kwaro ko ay humiga agad ako sa kama ko. Hindi na nga ako nag abalang mag bihis. Pagod na pagod kasi yung katawan ko.

Matagal akong nagising. Hindi nga ako gigising kung hindi lang ako ginising ni mommy para kumain. Nagbihis muna ako ng damit bago lumabas sa kwarto ko.

Nadatnan ko naman si mommy na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Umupo ako at nag simulang kumain. Na gutom din kasi ako sa byahe.

"Na enroll na kita sa school mo dito. Sa tuesday ka papasok." tumango naman ako sa sinabi ni daddy.

Pagka tapos kong kumain ay dumeretso agad ako sa kwarto. Kinuha ko naman ang laptop ko sa maleta ko. Naisipan kong i video call si Lyn. Buti at online sya. Sinagot nya naman agad ang tawag ko.

"Hoy bruha ka! Bakit bigla kang pumunta dyan?! Di ka man lang nag paalam sa akin!" bungad nya agad sa akin.

Tinawanan ko lang sya at sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Nag break kasi kami ni Dustin." napa tahimik naman sya sa sinabi ko. Saglit muna syang natulala bago sumagot.

"Huh? Bakit kayo nag break? Hindi pa nga kayo naka abot ng isang week nag break kayo agad? Anyare?" nalilito nyang tanong sa akin at naka kunot pa ang noo. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Ganito kasi yan, naka takda ng ikasal si Dustin kay Sheena." na gulat naman si Lyn sa sinabi ko.

"What? Ikakasal sila? Bakit?" sunod sunod na tanong sa akin ni Lyn.

"Nalulugi na daw kasi yung kompanya nila Dustin kaya magpapa kasal sila." sabi ko. Pinipigilan ko ulit ang sarili kong umiyak. Nakaka pagod na kasing umiyak. Wala namang magagawa yung pag iiyak ko.

"Hindi man lang tumanggi si Dustin?" umiling lang ako bilang sagot.

"Mag iingat ka dyan Zhy. Mamimiss talaga kita" napa ngiti ako sa sinabi nya.

"Ma mimiss din kita" sabi ko at ngumiti.

I n-off ko yung laptop ko pagka tapos. Ang gagawin ko nalang ay iiwasan kong isipin si Dustin para hindi nako umiyak.

Ipinapangako ko sa sarili ko na pag balik ko sa Pilipinas, naka move on nako sa kanya.

***

Thanks for reading.
And don't forget to comment and vote, kahit vote nalang:)

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon