"-yung assignments nyo, due na ng Monday ha. Inaasahan kong nagawa nyo na yun." Paalala samin ni Ma'am Reyes. "Class, pwede na kayo mag-break". Sabi ni Ma'am bago umalis ng classroom.
As soon as Ma'am Reyes left the classroom, kinalabit agad ako Kirk at tinanong kung bababa ba ako.
"Boi kakain ka sa baba?" Tanong sakin Kirk.
"Oo, tara gutom na ako." Sagot ko
Agad agad kaming lumabas ni Kirk ng silid at naglakad papunta sa hagdan.
"Uy boi may isasama pala ako sa church para sa Youth Service, dalawang nakilala ko sa Grade 9." Sabi ko sakanya habang pababa kami ng hagdan.
"Ayos yan!" Sagot niya habang nakangiti. "Ako magpre-preach sa YS, kaya dapat andun ka." Dagdag pa niya.
"Oo naman, lagi naman ako uma-attend eh." Sagot ko kay Kirk habang nakangiti.
Pagkababa at pagkalabas namin ng SB building, tinanong ko si Kirk kung paano gawin ang assignment namin sa Filipino.
"Boi pano mo ba ginawa yung assignment mo?" Tanong ko. "Di ko alam gagawin eh, hanggang ngayon di ko pa nagagawa."
"Madali lang yun susulat mo lang yung-" Napatigil kami sa paglalakad nang tumingala kami at tinignan ang helicopter na dumaan sa school namin.
"Pangatlo na yan since kaninang alas-onse ah." Sambit ko.
"Baka naman nag-scout lang. Tamang tingin kung may masamang nangyayari sa paligid. Tabi ba naman tayo ng kampo ng militar." Sagot niya habang nakatingin padin sa langit.
"Anyways, basta search mo lang mga tula tapos sulat mo sa notebook mo." Tuloy nya sa dapat na sasabihin nya kanina.
"Ah okay okay gets salamat boi" sagot ko. "Tara na, baka maubusan pa tayo ng tuna sandwich sa canteen"
Tumango siya at pinagpatuloy namin ang paglalakad papuntang canteen.
Di na bago na tuwing dadating kami sa canteen ay punong puno dito ng estudyante kahit may isa pa kaming canteen sa kabila. Sungit kasi ata ng tindera dun sa kabila kaya.
Punyeta, halo halo yung amoy dito.
Pumasok kami at pumunta agad sa pwesto kung saan nagbebenta ng tuna sandwich. Nadismaya kami nang nakita naming naubos agad ang tinda ni ate na tuna sandwich na paborito namin.
Nilapitan namin si ate at tinanong.
"Ate, baka may naitabi ka dyan na tuna sandwich?" Tanong ko.
"Aba'y oo nagtabi ako para sainyo" sagot ni Aling Mercy.
Tuna sandwich ni Aling Mercy ang paborito naming kinakain ni Kirk tuwing breaktime kasi mura na nakakabusog pa, tsaka sobrang sarap. Kaya siguro laging nauubos.
"Ayon!" Sabay naming sambit ni Kirk.
Binayaran namin ang apat na tuna sandwich and pinasalamatan si Aling Mercy sa pagtabi nya ng tuna sandwich.
"Salamat po sa pagtabi ng tuna sandwich para samin." Pasasalamat ni Kirk.
"Nako, kayo pa eh laging hanap-hanap niyong dalawa yan eh." Sagot ni Aling Mercy.
Pagkatapos namin bumili ng tuna sandwich, ay pumunta kami sa pwesto ng palamig at bumili ng iced tea na sampung piso bilang panulak.
Tumambay kami sa labas ng canteen habang nilalasap namin ang sarap ng tuna sandwich naming binili.
"Dapat pala nagsabi tayo na ipagtabi uli tayo para bukas." Sabi ko kay Kirk.
"Sure na yan ipagtatabi na tayo ni Aling Mercy bukas." Sagot niya habang nginunguya ang tuna sandwich
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...