It's Sunday and it's time for our run. Kinuha ko ang bag ko at kagamitan saka bumaba sa gate to join the rest of the teams.
"Buti nandito kana Mr. Pineda, ikaw nalang hinihintay." Sabi ni Sir habang papalapit ako. "Sa Alimall, sa may taas ng Jollibee, may mga gunshops dun na dun ang kukunan niyo. Posibleng medyo looted na yun pero kuhanin nyo na kung ano makita nyo at makakaya nyo. Kung wala dun, I believe sa Farmers Mall meron dun pero check nyo nalang."
"Sir anlayo naman, dito lang sa may Bonny Serrano meron oh." Sabi ni Bernardo.
"Ay weh? Kala ko sa Alimall lang meron, sorry naman taga Taytay pa ako eh." Kamot ni Sir sa ulo. "Bale tignan nyo muna dun bago kayo sa Alimall. Ano?"
Tumango kaming lahat.
Binigyan kami ni Sir ng tatlong duffel bag at dalawang hard case ng mga gitara.
"Para san tong hard case?" Nagtatakang tanong ni Jannah.
Edward leaned towards Jannah at ginaya si Mickey Mouse sa Mickey Mouse Clubhouse, "It's a special tool that will help us later."
"Dagdag paglalagyan nyo ng baril yan diyan. Bahala na kayo kung ano lagay nyo na klase ng baril." Sagot ni Sir.
Ibinigay na ni Sir ang mga susi ng mga kotse ng team nila Jannah at Edward. Isang Foton Transvan ang nakuha nila Jannah at Nissan Urvan naman ang kanila Edward. Parehas black ang kulay ng kotse na katulad din sa akin. Perfect to for night trips.
Since walang marunong mag-drive sa team nila Jannah, si Kairo ang nag-volunteer uli bilang driver nila. Sinabi na din ni Kairo na siya na din ang magtuturo kay Jannah kung paano mag-drive. Hmmm nakaka-halata na ako dito kay Kairo ah.
Sinakay namin ang mga bag at hard cases sa Urvan nila Edward. Si Edward ang magiging driver ng team nila dahil natuto na daw siya kaka-laro niya ng Parking Simulator sa phone.
Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan at dumeretso muna sa sinasabing gun shop ni Bernardo.
"Takte men, parang hindi man lang nagalaw itong store." Sabi ni Edward pagkapasok namin sa gun shop.
"Sa backpack nyo ilagay yung mga bala at magazines. Tapos yung mga baril sa mga duffel bags at hard cases. Kunin nyo lahat ng baril at gear. Holsters, vests, everything. Kung may mga tanong kayo, sabihan nyo ako. Clear?" I ordered.
"Clear!" They all replied.
Nagsimula kumuha ng mga kagamitan ang ibang kasamahan. Sinundan ko si Kirk sa storage ng room ng shop.
"Boi patay tayo dito, may lock yung lagayan ng mga baril." Sabi ni Kirk.
"Eto oh may bolt cutter." Biglang pasok ni Seb.
Pinutol ni Seb isa isa ang mga locks ng rack at inilagay namin lahat ito sa mga duffel bag na dala namin. Iba't ibang klase ng baril ang nakuha namin. Shotguns, Rifles, at Pistols.
Inilabas ko ang mga duffel bags at kumuha ng ilang attachments sa baril na makakatulong sa amin. Muzzle attachments, sights, grips, at slings.
Nang matapos na kami, isinakay namin ang mga dala namin pabalik sa mga sasakyan namin.
While driving, we glanced at the bloodied gates of the military camp. Kate, beside me, held my hand.
"Ano na kaya sila mama?" She said habang nakatingin padin sa bintana.
"Gusto mo tignan natin mamaya?" I said.
"Pwede ba?" Lingon nya sa'kin.
"Pakiusapan ko si Sir." I smiled.
Her faced lights up as I said that, "Salamat Leon!"
We parked our vans sa tapat ng library at idinala sa MAPEH Department ang mga armas.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...