Chapter 20

20 2 0
                                    

Lumabas ako ng kotse at tinignan ang nangyari sa school namin. Tinawag ko si Kairo sa likod ko at itinabi namin ang mga katawan ng mga patay naming schoolmates sa gate. Sinenyasan ko si Edward na maunang pumasok sa loob.

Pinark ko ang van ko sa tabi ng van nila Edward.

"Gago wala na, patay na tayo." Sabi ni Edward.

"Wag ka ngang nega." Hampas ni Charlotte kay Edward.

Napagusapan naming ikutin ang buong school para maghanap ng survivors at kumuha ng natitirang supplies. Sumama sa akin si Kairo at pumunta kami sa SB Building kung saan room namin dati.

Inikot namin ang 1st Floor, 2nd Floor, at 3rd Floor ngunit wala kaming nakitang buhay na student.

Habang pababa kami ni Kairo para kitain ang iba, may narinig kaming kumakaluskos sa CR ng girls sa 2nd Floor. Sumenyas ako Kairo na humanda. Bumilang akong tatlo at binuksan ang pinto.

Chineck namin ang naunang dalawang stall pero walang tao. Nang sipain ko ang pinto ng pangatlo at huling stall, nandun si Jannah kasama ang teammate nya, si Angela.

"Asan mga kasama mo?" Tanong ko kay Jannah habang inaalalayan tumayo.

Napayakap sakin si Jannah at umiyak, "Tangina pre buti dumating ka. Wala na sila, kami nalang ni Angela ata natira."

"Ano ba nangyari dito?" Tanong ni Kairo.

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Jannah at humarap kay Kairo, "Biglaan yung mga nangyari eh. May mga dumating na mga di kilalang tao. Iba sa kanila inakyat yung bakod tas gumamit sila ng truck para sirain yung gate."

"Truck? Anong klaseng truck?" Tanong ko kay Jannah.

"Ewan eh. Basta nung sumilip ako, may parang ramp sa harap na bakal." Sabi ni Jannah habang nakatingin sa sahig.

"Takte boi, modified yung truck." Tingin ko kay Kairo.

Bumaba na kami para kitain sila Edward at ang iba pa. May mga nakuhang iilan-ilan na pagkain mula sa canteen ang grupo ni Kate, samantalang may iilang box ng ammunition na dala sila Edward.

"San na tayo niyan?" Tanong ni Charlotte.

"Dun tayo sa condo namin sa Fairview." Sagot ko.

"Dun sa kaninang pinuntahan natin?" Tingin sa akin ni Andrew.

"Oo, kunin ko lang susi sa bahay namin diyan tas deretso na tayo. Ano, G?" Tingin ko sa lahat.

Tumango sila sa naiisip kong plano.

Isinakay na namin sa mga van namin ang mga nakuha ng iba at nag-drive papunta sa bahay namin.

Pumasok kami sa eskinita papasok sa bahay namin.Natira sa kotse sila Jannah at Angela kasama sila Mikaella, Clara, at Violet. Sila Kirk, Kairo, at Edward ang nagbantay sa labas ng mga van. Sila Charlotte, Andrew, at Seb sa may pinto sa baba, habang sumama sa akin si Kate paakyat. 

Nilagpasan ko lang ang tatlong nabubulok na bangkay sa sala namin at dumeretso sa kwarto namin ni Mama. Hinanap ko sa mga cabinet at bags ang susi pero, wala ako nahanap. Iniwan ko si Kate sa kwarto namin ni Mama para kumuha ng damit. Lumipat ako sa kwarto ni lola para dun hanapin. Kinapa ko sa bag ni Lola ang susi at tinanggal ang pagkaka-buhol sa strap ng bag. Binulsa ko kaagad at tinawag si Kate para umalis.

Sumakay na kami lahat sa mga sasakyan namin at sinimulan ang not so long drive papuntang fariview.

After 1 and a half hour, nakarating na kami sa gate papasok ng condominiums. Di siya yung yayamanin na condo, plain ass condo lang siya with little repaint every year. Pangit ng pamamahala dito ng admins, laging may reklamo tungkol sa tubig at kuryente mga homeowners.

Pinark namin ang mga van namin sa ilalim ng puno ng mangga na tapat ng condo building namin. Umakyat kami ni Kate at Kairo sa 3rd Floor at binuksan ang pinto ng condo namin. Isang studio-type condo lang nakuha nila Lola kaya medyo maliit. Kinuha ko ang susi ng pinto ng terrace namin sa lamesa at agad binuksan ang pinto para tawagin ang iba sa baba.

Bumaba ako para tulungan mag-hakot ng gamit sila Edward at iakyat sa condo. Pinatong ko sa lamesa ang mga pagkain at umupo sa couch namin.

"Kasya ba tayo dito?" Tanong ni Edward.

"Kasya yan, sa sahig iba. May mga unan pa naman kami. Yung di mabibigyan backpack nalang gamitin." Sagot ko.

Nag-walis muna kami bago kami nag-latag ng hihigaan namin. Nauna na nakatulog ang iba habang kami ni Kate, nakatambay sa terrace.

"Tignan mo yun oh." Turo ko sa langit. "Lagi kong nakikita yan."

"Alin ba?" Pang-singkit ng mata ni Kate.

"Ayun oh." Akbay ko sakanya sabay turo sa mga bituin. "Tawag diyan, Orion. Lagi ko nakikita yan since nung maliit pa ako."

"Ayos ah. Buti alam mo yung mga ganyan." Tingin sa'kin ni Kate.

"Syempre, I read a lot." Pagma-mayabang ko.

Tumambay pa kami dun ng ilang minuto bago natulog.

We spent our days in our little condo room.  We use the radio a lot to listen for news. Until one day, they became silent. We agreed to go on four persons per supply run. Tinuloy namin ang ganyang method ng pag-labas. Hanggang isang araw, kulang ang bumalik na team.

"Ba't kulang kayo? Asan si Violet at Andrew?" Tanong ni Edward kanila Clara at Mikaella.

"Na-hablot nung humahabol sa'min." Sagot ni Mikaella.

" 'Di ba slow moving lang mga zombie sa labas?" Nagtatakang tanong ni Kirk.

"Na-overwhelmed kami sa dami." Hinihingal na sagot ni Clara. "Tsaka medyo bumilis sila."

"Pucha bawas na naman tayo." Inis na sabi ni Charlotte.

We decided na para mas ma-lessen ang casualties, lahat kami lalabas at maghahakot ng pagkain. We did this for weeks and di kami nabawasan sa grupo.

One day, habang nakatambay lang kami sa condo room, biglang nabuhay ang radio namin,

"This is Lieutenant Del Pilar from the Armed Forces of the Philippines broadcasting from the Philippine Military Academy. Sa mga nabubuhay nating kababayan d'yan sa NCR at iba pang regions, mag-handa kayo ng pagkain ng ilang araw at weapons para i-defend ang sarili nyo. Di pa'din natin alam ang naging cause ng outbreak 5 months ago, pero may mga scientist na tayo na sinusubukan i-identify ang virus na ito at kung posible, makagawa na din ng vaccine. Mga kababayan tumungo kayong norte papuntang Baguio. Protektado ng ating militar ang Baguio at infected-free. Ingat mga kababayan at pag-palain kayo ng Panginoon."

Tinignan namin ang isa't isa at ngumiti.

"Safe daw sa Baguio mga pre!" Tuwang sabi ni Kairo.

"Salamat Lord, may lugar na din na ligtas kami." Charlotte said while praying.

"Handa nyo na mga gamit nyo. Next destination natin sa Baguio." I said before proceeding to pack things up.

Isinakay namin ang mga tirang pagkain namin at mga kagamitan namin sa mga van namin. We started our engines and drove off. 

Finally, a safe place.

---------------------------------------

Through the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon