5 months have passed since the outbreak. The school's defenses against humans and undead are now stronger than before. We took in some survivors who have no safe place to stay. Our group and Edward's group are considered aces because our success rate is higher than in other groups.
"Kuya! Nakita mo ba si Ate Elaine?" Tawag sa'kin ni Kairo habang naglalakad ako sa may court.
Si Elaine ay isang college student na isa sa mga kinupkop naming mga survivor. Nakita namin siya sa may Bagumbayan habang naghahanap kami ng supply ng pagkain doon.
Netong mga nakaraang linggo, napapansin namin na lagi siyang hindi mahanap sa loob ng quarters nya o kahit saan man sa school. Nahuli siya noong isang araw ng isa sa mga teams namin na asa bar, umiinom at may kasamang ibang tao. The team got into a fight, killing one of the guys with her and wounding the others.
Na-assign si Kairo at isa sa mga nakahanap kay Elaine sa bar na bantayan siya.
"Wala nanaman siya sa quarters nya?" Tanong ko.
"Wala daw. Kahit din yung mga inutusan kong ibang estudyante na hanapin siya sa buong school, di nila nahanap." Sagot ni Kairo.
"Ay punyeta." Pamewang ko. "Nasabi mo naba kay Sir to'?"
"Di pa eh." Sabi niya sabay punas ng mukha.
"Shit. Sige ako na mag-sasabi." Sabi ko kay Kairo bago ako umalis.
Pumunta ako ng MAPEH Department para sabihin kay Sir Regalado na nawawala si Elaine.
"Punyeta talaga yung batang yun." Hampas ni Sir sa desk nya. "Nakawala nanaman. Pang-apat na nya yan."
"Hanapin ba namin Sir?"
"Di na, ibang team nalang padala ko." Iling ni Sir. "Kailangan ko kayo bukas para kumuha ng supply sa malayo."
"Sino kasama?" Tanong ko.
"Same pa din, team ni Mr. Mendez." Sagot ni Sir.
"Ayos ayos. Saan destination namin Sir?" Tanong ko habang kumukuha ng tubig.
"Fairview. Sa SM." Sir replied.
Napabuga ako ng tubig, "Seryoso ka diyan Sir? Layo nun legit."
"Sabi ng ibang teams mauubos na daw yung malapit sa atin, kaya lalayo tayo ngayon. Tsaka may nakausap akong kaibigan dun sa chat na madami-dami pa daw yung supply dun. Buti di pa down yung signal ng telecoms ngayon." Sabi ni Sir.
"Wala naman na traffic kaya madali nalang byahe dun. Kabisado ko dun, taga-dun ako dati eh." I said.
"Buti nalang dun ka tumira dati. Bumalik kana sa room nyo at sabihin mo na bukas kayo aalis." Sir said.
"Yes po, Sir." I replied bago umalis ng MAPEH Department.
Umakyat ako sa quarters namin at sinabi sa team ko at team ni Edward na aalis kami bukas at malayo ang destination. May konting pag-tutol dahil nga malayo pero napapayag ko naman sila dahil sinabi kong taga-dun ako dati at ako bahala sa kanila.
Kinabukasan, nag-ready na kami ng gamit namin at bumaba para mag-assemble.
Nauna na kami ni Edward sa baba dahil antagal mag-ayos nung iba lalo na yung mga babae. Unang nakasunod ang team ko bago ang team ni Edward. Sumakay na kami sa mga sasakyan namin nang makumpleto na kami.
"Edward sundan mo lang kotse ko." Sabi ko sa radyo.
"Ge." Reply ni Edward.
Ge amputa. Ano ka, nagtatampong jowa?
BINABASA MO ANG
Through the Undead
TerrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...