It's been 3 days since all hell break loose. I am getting nightmares of being surrounded by the undead in a convenience store with no help available.
Saturday came at wala kaming magawa. Bumaba kami ni Kirk at Edward para mag-tingin kung ano na nangyayari sa school. Walang team na bago ang umalis. Di pa ata nakakabalik yung Team ni bubwit. Umakyat kami ng Mathay Building na bagong linis at pumasok sa isa sa mga rooms sa third floor. Nakita namin na puno ng undead ang kampo ng militar na tabi namin.
"Wala na men, mukhang tayo-tayo nalang din magliligtas sa sarili natin." Sabi ni Edward.
"Oo men, ang bilis bumagsak ng militar." Kirk replied.
Umupo kami at nagsimulang magkwentuhan tungkol sa mga crush namin.
"Oy Kirk, musta na kayo ni Althea?" Tanong ni Edward.
"Ok naman kami men, medyo di naguusap. Baliw baliw din yun eh." Sagot ni Kirk.
"Asus baka nakitang may chicks kang kausap sa messenger mo. Sa pogi mong yan." Pangaasar ni Edward.
"Ekis ka boy. Di tayo ganun." Sagot ni Kirk.
Edward turned his head towards me para ako naman pagtripan nya.
"Ikaw naman Leon, balita ko crush mo daw si Kate yieeee." Pang-aasar ni Edward.
"Oy gago wala akong sinabi na ganyan ah." Pang-dedeny ko.
"Sus kita ko mga titig mo hoy." Sabi sakin ni Edward.
I kinda like Kate kasi matalino sya but hindi naman grabeng gusto ko sya. Paghanga lang ganon.
"Paghanga lang kasi, magkaiba yung crush sa paghanga." Kamot ko sa ulo ko.
"Ulul ganon din yon." Tumatawang sabi ni Edward. "By the way mga pre, bumalik naba yung mga bata na lumabas kahapon?"
"Di ko pa nga din nakikita eh. Tambayan nila madalas dun sa may kubo." Sagot ko. "Baka patay na."
"Grabe ka boi. Baka nagpalipas lang ng gabi sa isa sa mga bahay kasi malayo pinuntahan." Sabi ni Kirk.
"Men andyan lang yung Hypermarket tsaka Mall ang lapit lang. Ano yun pumunta pang Eastwood para lang kumuha ng supply? Imposible na sa malayo sila pumunta." Sagot ko kay Kirk.
Naputol usapan namin nang may pumuntang estudyante sa room namin at sinabing hinahanap daw ako ni Sir Regalado.
"Kuya Leon, oh and Kuya Edward hanap po kayo ni Sir Regalado." Sabi ng estudyante.
"Bakit daw kamo?" Tanong ko.
"Di ko din po alam eh. Basta punta daw kayo MAPEH Department mukhang importante ata sasabihin." Sagot ng estudyante.
"Oh sige sige susunod kami dun." Sabi ko sa estudyante. "Kirk sama kana sa amin baka kailanganin ka din."
Nang makaalis ang estudyante, bumaba na kami para pumunta sa MAPEH Department. We greeted Sir Regalado as soon as we entered.
"Magandang tanghali Sir" We greeted.
"Magandang tanghali din, oh sakto kasama mo na isa sa mga kasamahan mo Pineda. Umupo kayong tatlo." Sabi ni Sir Regalado.
"Sir ano daw po kailangan nyo sabihin?" Tanong ko kay Sir.
"Kailangan ko ang team mo Pineda at team mo Mendez para hanapin yung team ni Delos Santos. Its been 24 hours since nung naka-alis sila, di natin alam kung ano na nangyari dun sa mga yun." Pagpapaliwanag ni Sir kung bag nya kami pinatawag.
"Baka patay na." Bulong ni Edward.
"Ano yon Mr. Mendez?" Nagtatakang tanong ni Sir.
"Ah wala po Sir." Umiling si Edward.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HororA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...