Dumating ang biyernes at nag-hahanda kami para sa pag-alis namin mamayang 10 o' clock papuntang Savemore. Chineck namin ang mga bala ng baril namin at ang lagay ng mga gawa naming melee weapons. We waited for 2 hours hanggang tawagin kami ni Jared para pababain sa tapat ng gate.
"Ready na kayo?" Tanong sa'min ni Sir Regalado.
"All goods na Sir." Edward enthusiastically replied.
"Bueno! Sumakay na kayo sa mga sasakyan nyo." Sabi ni Sir.
Ako at si Kairo pa din ang mag-mamaneho ng mga gagamitin naming sasakyan. Team ni Edward ang sumama sa sasakyan ni Kairo habang team ko ang nakasakay sa van ko.
Pag-kapasok ko sa sasakyan, nasulyapan ko yung dashboard ng sasakyan na konti nalang gas ng kotse namin.
"Guys, daan muna tayo sa gasolinahan sa may EDSA. Paubos na gas ko." Sabi ko sa radyo.
"Dun na daw sa may malapit sa Hypermarket sa may Main Avenue sabi ni Seb. Papapuno na din si Kairo kahit kalahati pa tank nya." Sagot ni Edward.
We drove off from the school to the gasoline station at Main Avenue.
"Takte di ko alam ginagamit na gasolina neto." Kamot ko sa ulo ko.
"Ako din eh." Sabi ni Kairo.
"Parehas diesel yan." Sabi ni Seb.
We proceeded to fill up our tanks with diesel fuel until it's full. Kumuha na din kami ng gas canisters and filled it up for extra gas at random motor oils sa rack. Di naman namin alam ni Kairo kung anong gagamitin eh, bahala na.
We loaded the stuff sa likod ng van ko at tinuloy ang byahe papuntang Savemore.
Nang makarating kami sa harap ng Savemore, natulala nalang kami dahil sunog na ang supermarket.
"Sir, sunog na yung Savemore." Sabi ko sa radyo.
"Sir, pinagtitripan mo ba kami?" Naiinis na tanong ni Edward sa radyo.
"Sabi nung team na nanggaling diyan nung bago makabalik dito yung team ni Mr.Pineda, ayos pa daw at may stocks pa daw." Sagot ni Sir.
"Awit ka Sir, scammer." Sabi ni Edward.
"Wala na, sunog na. Ano mapapala natin dito?" I said, frustrated.
"Hypermarket sa Main Avenue, dun na lang tayo kumuha." Biglang sabi ni Charlotte.
"Hypermarket daw Sir dito sa may Main Avenue, ayos ba dun?" Tanong ko kay Sir.
"Oo daw." Sagot ni Sir.
"Sir shet ka talaga." Naiinis na sabi ni Edward.
Umikot kami patungo sa Hypermarket malapit sa gasolinahan na pinanggalingan namin.
Ba't ba kasi sa malayo pa kami ni Sir pinapapunta, eh andito lang naman pala sa malapit.
Nakarating kami sa Hypermarket at pinark ang mga kotse namin sa parking lot. We hopped off the vehicle and entered the grocery store.
Very few undead here since konti lang naman namimili dito. Kulang kulang din kasi minsan mga stocks nila dito kaya mas pinipili ng mga tao sa mismong Cubao pumunta.
"Kamiss turon natin sa school." Narinig kong banggit ni Clara.
"Nakita mo lang turon dito, nagugutom ka nanaman." Sagot ni Mikaella.
Narinig ko malakas na hampas ni Clara kay Mikaella. Napa-aray ng medyo malakas si Mikaella.
"Huy, parang gago tong dalawang to. Ingay nyo." Naiinis na sabi ni Edward.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...