Chapter 12

28 2 0
                                    

"Ay punyeta naman talaga........sino yan?"Sir Regalado asked, frustrated.

"Ayon sa ID Sir si  Tyler Jake Macalcal po Sir." I replied while staring at the ID.

"Ano nangyari sa katawan?" Sir Regalado asked.

"Nawawala ang kaliwang binti at kanan na braso Sir. Malapit na din maputol yung ulo dahil sa mga kagat." I replied habang nakatingin sa katawan.

"Okay, dagdag ko na sya sa list ng mga namatay. Continue your objective Pineda, ingat kayo." Sir Regalado said.

"Roger Sir." I said before putting away my radio.

"Isa nanaman nahanap natin sa team ni bubwit." Edward said.

"Kayabangan kasi ayan." Andrew scoffed.

"Tara na guys, let's move." I said, taking a last glance at the body before starting to walk.

We all walked up the stairs leading to our exit. Tinawid namin ang kalsada na puno ng kotse papuntang Shopwise. Lumiko kami nang pakaliwa at tinahak ang gilid ng Supermarket.

Habang naglalakad kami napatigil kami nang biglang mag-salita si Charlotte.

"Guys, wait lang." Biglang sabi ni Charlotte.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Di nyo ba naririnig yon?" Sabi ni Charlotte.

"Ang alin?" Tanong ni Bernardo.

After Bernardo said that, may narinig kaming kalampagan na nanggagaling sa loob ng Shopwise.

"Guys, be alert. Switch to firearms if necessary." I said, alerting others. "Violet, handa mo bombs mo. Baka kailanganin."

We slowly walked towards the entrance of the supermarket one-by-one. I gripped my weapon tight as we slowly walked inside. The sounds stopped as soon as we entered the supermarket

We made it to the center of the supermarket with little interactions with the undead. 

"Let's split up. San kayo team 3 mag-titingin?" Tanong ko kay Edward.

"Sa taas kami babanat." Sagot ni Edward.

"Sige sige, dito kami sa baba. Radio men ah, pag-communicate." Sabi ko habang hawak ang radyo.

Nang nakaakyat na ang Team 3, sinimulan namin ang pag-titingin sa supermarket area.

We encountered small groups of undead, possibly the shoppers before this all happened. With our new weapons, we can dispose them quickly.

The supermarket is somewhat looted, but there are plenty of supplies to get.

"Kirk, tara dito." Tawag ko kay Kirk.

"Ano yon boi?" Tanong ni Kirk.

"Turuan mo nga ako ng moves mo." Akbay ko kay Kirk.

Kumunot noo ni Kirk, "Anong moves?"

"Alam mo na yun men." Sabi ko habang nakangiti.

"Kumag ka talaga, yan pa naiisip mo sa kalagayan natin ngayon." Tumatawang sabi ni Kirk.

"Joke lang naman eh." Sabi ko sabay yakap kay Kirk.

"Ganto kasi yan men, maging ikaw ka lang." Sabi ni Kirk.

"Pano yung 'maging ikaw'?" Tanong ko.

"Edi yung-"

Naputol usapan namin ng marinig naming humiyaw si Kate sa kabilang aisle.

"Men, teka silipin ko." Sabi ko kay Kirk.

Dahan-dahan akong naglakad sa dulo ng aisle namin para silipin ang kabilang aisle kung asan si Kate. Pag-silip ko, nakita ko ang isang lalaki na hawak si Kate sa leeg at tinutulak sa haligi ng supermarket. Rage filled my body as I started to cock my rifle and drop my sword.

Through the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon