Agad kong pinindot ang lock button ng aking phone at binulsa ito bago ako tumayo at maglakad papalabas ng aming corridor.
Mas naunang nakalabas sa corridor ang mga kaklase ko na nakaupo malapit sa front door namin para dumungaw at tignan kung ano nangyayari sa baba.
Pagkalapit ko sa railing ng corridor namin para sumilip kung anong nangyayari, lumabas si Sir Dugan sa building na hawak-hawak ang duguan nyang braso habang tumatakbo na mukhang takot na takot.
Kasunod niyang lumabas si Ma'am Gomez na mukhang tumama ang ulo sa medyo matalim na bagay at umiika-ika ang lakad papunta kay Sir Dugan.
Sa sobrang pagmamadali ni Sir Dugan makalayo kay Ma'am Gomez, natapilok at mukhang napilayan si Sir sa pagka-katapilok niya. Nang hindi makatayo si Sir gumapang nalang siya para mapalayo kay Ma'am.
Lumabas ang teacher ng katabing section para pagalitan kami kung bakit kami asa labas. Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ma'am Castro.
"Mabini! Bat kayo asa labas pumasok nga kayo! Ano ba yang sinisilip niyo dyan?" Galit na tanong ni Ma'am Castro
"Ma'am si Sir Dugan po tumatakbong duguan hinahabol po ni Ma'am Gomez." Nanginginig kong sagot kay Ma'am.
"Ha?! Patingin nga. Sabi ni Ma'am Castro.
Habang papalapit si Ma'am Castro sa amin para sumilip. Napamura bigla ang kaklase ko na dahilan na lumingon uli ako sa direksyon nila Sir at Ma'am Castro.
Nanlaki ang aking mata nang nakita ko na nakahiga na si Sir Dugan sa may basketball court habang nginatngat ni Ma'am Gomez ang mukha nito.
Nang makalapit si Ma'am Castro sa kinatatayuan namin, she gasped as she saw what Ma'am Gomez is doing to Sir Dugan's body. Ma'am Castro covered her mouth as tears fall from her widened eyes.
Iilang teachers sa baba ang lumapit kay Ma'am Gomez. But as soon as they are near her, Ma'am Gomez will lunge at them and bite them.
Kinalabit ko si Kirk sa tabi ko at sinabing kailangan namin i-lock ang dalawang hagdan paakyat sa building.
"Boi kailangan natin i-lock yung mga pinto sa baba ng building natin." kalabit ko kay Kirk.
"Bakit?" Tanong ni Kirk.
"Wag ka nang magtanong. Para to sa ikabubuhay nating mga nandito sa SB building. Dalian na natin bago pa dumami yang mga yan at makarating dito." Sagot ko habang nanginginig.
Agad kaming tumakbo sa magkabilang direksyon para i-lock ang mga pinto sa baba ng aming building
Si Kirk ang bumaba sa left side ng building namin para i-lock ang pinto doon at ako naman ang bumaba sa right side ng building para i-lock ang pinto doon.
Pagkababa ko galing second floor ay may mga nakasalubong akong tatlong Grade 9 students na mukhang nag-cutting at bumibili sa canteen bago mangyari ang lahat nang ito. May mga dala pa silang kikiam at palamig habang papaakyat. Hindi naman sila nakagat o nasugatan, Gutom lang.
Pagkatapos kong i-lock ang pinto, agad akong umakyat at nadaanan ko ang second floor na puno ng estudyanteng asa labas at tinitignan ang nangyayari.
Pagka-akyat ko ng third floor, sabay lang kaming nakaakyat ni Kirk. Naglalakad sya galing sa hagdan papunta sa papunta sa room namin.
Nang magkalapit na kami, tumingin kami uli sa baba at nakita naming mas dumami pa ang mga nakakagat o nagiging katulad ni Ma'am Gomez. Students and teachers na nag-sisitakbuhan sa baba. Napuno ng sigaw ng mga estudyante at teachers ang kaninang tahimik na school grounds. Dugo at laman loob ang kumulay sa semento ng eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...