3 weeks passed, the city became quiet. Kairo's injuries from the beating are fully healed and the girls are a little bit alright now after what happened on Shopwise that day.
"Yung leader daw po ng Team 8, punta sa MAPEH Department, kakausapin daw po kayo." Silip ng isang estudyante sa pintuan.
"Sige sige, sunod ako dun." Sagot ko.
Tumayo ako at bumaba ng building.
Ano na naman kaya ang problema ni Sir? Baka may papahanap nanaman.
Binuksan ko ang pinto sa MAPEH Department at umupo sa harap ng table ni Sir Regalado.
"Kailangan ko team mo para sa supply run na magaganap sa Martes, alas onse ng umaga. Kasama mo ang Team 1 sa pagpunta." Sabi samin ni Sir.
"Team 1?! Ayoko kasama yung mayabang na yun sa run namin, baka mapahamak pa kami lalo dun." I complained. "Di ba pwedeng yung team nalang nila Edward kasama ko?"
"I need Team 3 in a different run sa same na araw na aalis kayo, at wag ka mag-alala hindi na si Kenji ang magle-lead ng Team 1." Sir replied.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.
"Sir eto na po yung bagong leader ng Team 1." Katok ng isang estudyante.
"Papasukin mo na." Sir replied.
Pag-bukas ng pinto isa sa kaklase ko ang pumasok.
"Jannah? Kelan ka pa sumali sa mga ginagawa namin?" Nag-tatakang tanong ko.
"Last week lang. Wala ako magawa dito sa school kaya sumali ako sa runners para may mai-ambag naman ako." Jannah replied.
"Mukhang magkakilala na kayo Mr. Pineda ni Ms. Rodriguez ah." Sabi ni Sir.
"Opo, mag-kaklase po kami." I replied.
Tumingin si Sir kay Jannah, "Ready naba ang team mo Ms. Rodriguez?"
"Opo sir, handa na po." Sagot ni Jannah.
"Ok, good. Mr. Pineda will lead you all sa mga gagawin." Sabi ni Sir.
Sir Regalado turned his head towards me, "Ikaw Mr. Pineda, ihanda mo na team mo para sa run nyo sa martes."
"Yes, Sir." I replied.
Pagkatapos ng ilang paalala ni Sir, bumalik na kami sa mga rooms namin.
We spent the whole Monday readying up for the supply run. We checked our gear, weapons, and ourselves.
Tuesday came and we suited up for the run. Our team is the first one na makarating sa gate ng school. Maya maya dumating din ang team ni Jannah.
"Teams, ang pagkukunan nyo ng supplies ay ang Puregold sa may Agorra." Sir said, starting our briefing.
"Sir, ba't di nalang sa may Cubao uli kumuha para mas malapit?" I complained.
"Sabi ng mga past teams na pumunta dun, dumadami na ang pumupuntang survivors dun para kumuha ng supplies. Di na tayo makikigulo dun, baka mabawasan nanaman tayo." Sir replied.
Tama din naman si Sir since puro malls and supermarkets din dun. Swerte di kami naabutan ng pagdami nung pumunta kami dun para hanapin yung bubwit.
May pinagsasabi pa si Sir kaso di ko na naintindihan nang kalabitin ako ng isang estudyanteng babae.
"Hi kuya!" Kalabit sa akin ng isang estudyante.
Kagulat naman to'. Di ko nakitang lumapit man lang, tangkad ko kasi.
"Denise nga pala." She offered her hand.
"Leon." I shaked her hand.
"Alam ko, crush ka nung friend ko eh." Sabi ni Denise.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...