Chapter 8

35 2 1
                                    

The Sentinels closed the gates behind us. We're finally outside the school grounds. Napalunok ako bago kami magsimulang maglakad. Puno ng kotse ang kalsada, either nagkabanggaan or nakabaligtad.

We crossed the road and turned left walked a couple of steps and turned right to 18th Ave. Nakita namin ang nakatumba na mga carts ng siomai rice, calamares, at kwek-kwek na dati namin laging binibilhan ng mga estudyante kapag uwian na. Mutilated bodies are scattered on the street and blood stains color the pavement.

"Kawawa naman sila." Sabi ni Mikaela habang nakatingin sa mga patay na tindero at tindera.

"Sayang yung calamares." Sambit ni Clara.

"Sa lahat ng mapapansin mo yun talaga?" Hampas ni Mikaella kay Clara.

"Eh bakit ba? Sayang eh, kagutom" Tumatawang sagot ni Clara.

"Oh ayan kainin mo yan. Asa kalsada topped with dugo pa yan sis." Sambit ni Mikaela habang nakaturo sa nagkalat na calamares.

Hinampas ni Clara si Mikaela. Tinawanan nalang ni Mikaela ang pikon na si Clara.

Kumaliwa kami at naglakad derederetso patungo sa 15th ave. Bago kami kumaliwa, nag-signal ako na huminto muna at sisilipin ko kung safe ba dumaan sa street na ito or hinde.

I peeked around the corner and saw a couple of undead. Kaya naman namin sa dami namin. I signaled the others na safe at onti lang kailangan i-tackle na undead.

We killed a couple of undead while we walk the street where we used to wait for jeepneys. We reached the intersection where the market, a drug store, and a convinience store is located. Sebastian suggested that we should get some supplies in the convenience store just in case.

"Kuya Leon." Tawag sakin ni Sebastian.

"Yo man, ano yon?" Tanong ko kay Sebastian.

"Kumuha kaya tayo ng iilang biscuit at tubig diyan sa 7/11 kung sakali lang?" Pagsusuggest ni Sebastian.

"Pwede din." Sagot ko.

Naisip ko na kuhanan din ng supplies ang Mercury Drug na tawid lang ng 7/11. We splited the team, Team ni Edward ang pupunta sa 7/11 and team namin ang pupunta sa Mercury Drug for medical supplies.

Team 3 headed to the convenience store at kami naman ay pumasok sa drugstore.

"Kalat dito grabe." Sabi ni Charlotte habang nagtitingin tingin.

"Okay guys kuha lang tayo mga makukuha natin. Alcohols, bandages, tape, Betadine basta for medical kits natin. Damihan nyo na para mabibigyan din natin team nila Edward." Sabi ko sa kanila.

Nilapag ko sa tabi ko ang hawak kong sandata at nagsimulang kumuha ng supplies. Kumuha ako ng iilang bote ng alcohol at iilang rolls ng bandages at isinilid sa bag ko. Tinawag ko si Kairo at tinalon namin ang counter at pinaghahampas ang mga nakatagong undead doon. Kukuha sana kami ng mga gamot para sa mga common na sakit kaso hindi namin alam kung alin ang tamang gamot na kukunin.

"Pota di namin alam kukunin namin dito." Sabi ko habang tinitignan ang mga boxes ng gamot.

"Teka punta ako diyan ako magtitingin." Sagot bigla ni Charlotte.

Inakyat nya ang counter at tinulungan kami sa mga gamot na dapat naming kunin. Mga antibiotics, gamot sa diarrhea, gamot sa flu, basta yon.

Kumuha na din kami ng ilang canned drinks sa mga ref at ininom. Kumuha din kami ng ilang bote ng tubig at inilagay sa mga bag namin.

Nang matapos na kaming kumuha ng medical supplies, pinuntahan namin sila Edward sa 7/11. Ibinigay namin ang mga medical na hinati namin para sa kanila. Kumain muna kami saglit ng mga nakatagong giniling at sisig sa stock room dahil hindi pa kami naghahapunan.

Through the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon