Nagtipon-tipon ang lahat ng estudyante at mga surviving teachers sa basketball court. Umakyat sa stage ang teacher na head ng banda ng school namin na si Sir Regalado at hinanap kung sino ang leader ng mga estudyanteng bumaba at sinugod ang mga infected.
"Sino promotor ng pagsugod nyo sa mga....kung ano man tawag sa mga to?" Tanong ni Sir Regalado sa amin.
Nag-tinginan mga estudyante sa pwesto naming mga Grade 10 na may mga mantsa nang dugo ang damit.
Niyuko ko ang aking ulo at di umimik umaasang di ako ituro at baka pagalitan ako dahil napaka-panganib nga ng ginawa namin tapos ako pa nag-plano.
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Dave na sinisigaw pangalan ko.
Ay punyeta....di talaga marunong tumahimik si Dave.
"Sir! Si Pineda po yung nagplano!" Sigaw ni Dave.
"Sino yon?" Tanong ni Sir Regalado.
"Eto Sir oh!" Sigaw ni Dave sabay turo sakin.
Tumingin lahat ng estudyante sakin. Nanlamig ang kalamnan ko sa kaba.
"Halika dito!" Sigaw ni Sir Regalado.
Awit....lagot na.
Nagsitabi ang mga estudyante nang naglakad ako nang nakayuko patungo sa stage. Habang naglalakad ako, andaming pumapasok sa isip ko kung anong gagawin ni Sir sakin pag-akyat ko sa stage. Pahihiyain ba nya ako, papagalitan, pasasalamatan ba, o ano.
Nakarating nako sa stage at kinaltukan ako ni Sir Regalado.
"Di mo ba alam napaka-panganib ng ginawa nyo!?" Kaltok sa akin ni Sir. "Hindi mo ba nakita kung anong ginawa ng mga yun sa mga teachers at estudyante sa school natin!?"
Napahawak ako sa ulo ko at napaluha dahil di ko gusto nasisigawan at napapahiya sa maraming tao.
"Sir.....sorry po. Alam ko po na napaka-panganib ng ginawa namin pero-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang akbayan ako ni Sir.
"Kahit napaka-panganib nang ginawa nyo ay hanga padin ako sa katapangan mo, sa katapangan ng mga kasama mo. Salamat sainyo, kung di dahil sainyo edi asa room padin tayo nakakulong or patay na tayo, kami." Pasasalamat ni Sir Regalado.
"Asan ba yung mga kasama mo?" Tanong ni Sir.
"Ayun sir yung may mga mantsa yung damit sa likod." Turo ko sa mga kasama ko.
Tinawag ni Sir ang mga kasama ko sa pag-clear ng buong school sa mga undead pinasalamatan.
"Salamat sa mga matatapang na estudyanteng ito. Kung di dahil sakanila ay nakakulong padin tayo sa mga room natin or worse, patay na tayo." Pasasalamat ni Sir.
Nagpalakpakan ang mga estudyante sa court at ang iilan ay pumipito pa.
I never experienced this feeling before, tuwa na nakapagligtas ka nang madaming buhay.
"Oh kayo, may mga pampalit ba kayo ng damit?" Tanong samin ni Sir.
Iilan samin may dala pero karamihan walang dala, katulad namin ni Kirk
"Kuha nalang kayo ng mga t-shirt at pants sa room ni Ate Trinidad sa tabi ng canteen." Sabi samin ni Sir.
"Yung mga hindi kasama sa grupo kanina, lilinisin natin buong school. Tatanggalin natin lahat ng katawan at pupunasan mga dugo sa corridors ng mga building. Dalian na natin at mag-gagabi na." Utos ni Sir sa ibang estudyante habang papaalis kami.
Agad kaming pumunta nila Kirk at iba pa naming kasama sa room ni Ate Trinidad. Ate Trinidad's mutilated corpse is still here, and shiet kadiri.
Kumuha kami ng mga t-shirt at pants na angkop sa size ng katawan namin. Dumukot na din kami ng sabon para pang ligo namin mamaya.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...