Sounds of carts rolling and metals clanking echoed through the silent aisles of the hardware store as we get the things needed for our new weapons.
I rolled my cart in the plumbing section to get the pipes that I needed for my single-edged meat cleaver sword. Kumuha ako ng dalawang 10 inches threaded galvanized steel pipe, a steel coupling, and some of olets. Kumuha na din ako ng metal bonding adhesive para permanent na ang pagdidikit ko sa pipes.
Pumunta ako sa isang tabi at nagsimula mag-unload ng gamit na kailangan. Umupo ako at nagsimulang ikabit ang mga pipes na magsisilbing handle ng espada ko. Kinuha ko ang aking threaded pipe ata nilagyan ng adhesive bago ikabit sa coupling na magsisilbing crossguard.
Habang nakaupo ako tinitigan ko ang limang cleaver knife at ang ginawa kong hawakan ng espada. Hindi ko alam kung pano ipagdidikit ang mga ito at tinitigan lang ng matagal ang mga items sa sahig.
Narinig ko ang tunog ng kuryente sa kabilang gilid ng hardware. Tumayo ako at naglakad para tignan kung may problema ba yung mga saksakan ng hardware.
Pagkarating ko doon ay nakita ko si Andrew na gumagamit ng welding machine para gawin ang kanyang armas. Isang malaking disc cutter ang kinabit nya sa isang metal na tubo ang nakita kong ginagawa nya. Nakapalibot din sa kanya ang samu't saring hand tools and power tools.
"Ayos yan Andrew ah, ano yan?" Tanong sakanya habang namamangha sa gawa nya.
"Ano to pre, palakol kuno." Sabi nya habang tinutuloy ang welding nya.
"Pwede patulong din ako nung akin?" Sabi ko
Tumigil si Andrew sa welding at inangat ang welding mask para tignan ako.
"Sige sige ano ba yang plano mo?" Tanong ni Andrew habang nakatingin sakin.
"Espada men, di ko alam kung pano ko ididikit lahat yun." Sabi ko habang nakakamot sa ulo.
"Dalhin mo dito yung mga materials ako na bahala dun." Andrew replied.
"Sige sige! Salamat pre." Natutuwa kong sabi.
Tumakbo ako sa pwesto na pinaglagyan ko ng gamit ko at dali-daling inilagay lahat ng materials sa cart. Bumalik ako sa pwesto ni Andrew at dun nag-unload ng gamit.
"Idetalye mo balak mong gawin." Sabi sakin ni Andrew.
"Plano ko tanggalin lahat ng handle ng mga nung kutsilyo tapos yung mga blade ipagdidikit-dikit ko para maging isa. Tapos, ikakabit ko diyan sa ginawa kong handle para maging espada." Pagdedetalye ko.
"Para saan tong extra na tubo?" Tanong nya sakin.
"Ikaw na bahala diyan. Ayos na yung coupler para pang-harang sa kamay." Sabi ko.
"Okay, let's go." Sabi niya bago ibaba ang welding mask.
Sinimulan nyang putulin isa isa ang mga handle ng cleaver knife at dinikit ito. Pinanood ko sya habang ginagawa espada ko.
Habang nagkwekwentuhan kami ni Andrew, napatigil kami nang makarinig kami ng sigaw.
"Tol ano meron?" Tanong sakin ni Andrew.
"Teka titignan ko." Sagot ko bago tumayo.
Kinuha ko ang rifle ko na katabi ng bag ko at kinasa ito at sumilip sa mga racks.
Pag-kasilip ko nakita ko mga kasamahan namin na nakikipaglaban sa mga undead at mukhang mas mabibilis sila ngayon. Nakita ko din ang katawan nila Charlotte at Clara na patay na at pinagpyepyestahan na ng mga undead.
"Men iwan mo muna yan, kunin mo baril mo andito na sila!" Pagmamadali ko kay Andrew.
Tumingin ako sa entrance at nagsimulang magpaputok sa mga undead.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...