After eating our breakfast, inutusan kami ni Sir Garciano, adviser at science teacher namin, na hiramin namin ang wrench kay Sir Regalado para tanggalin ang mga steel signs na nakalagay sa schools namin at kunin ang mga yero sa pwesto ni Kuya Ruben, staff ng school namin. Plano daw niya i-weld sa gate namin para mas secure yung gate at hindi basta basta mabubuksan ang lock nito. Sumunod naman kami at tinulungan na din si Sir sa kanyang pag-weld.
Pagkatapos namin ma-yari ang gate, umupo kami sa bench sa tabi ng court. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at chineck ang aking messenger para kamustahin ang mga ka-churchmates namin at si Kuya Junnie.
Leon: Yo guys. Musta na kayo?
Nag-seen sina Christopher, Diane, at Joy.
Christopher: eto hanggang bukas nalang stocks namin ng pagkain dito sa campus. Nag-aasign na yung faculty ng mga tao na lalabas para kumuha ng refills sa supply namin.
Joy: kami buti onti mga nagsipasok ng school kaya aabutin pa ng limang araw stocks namin pero sigurado hahantong din kami sa ganyan na may lalabas para kumuha ng supplies.
Diane: kayo dyan Leon musta kayo?
Leon: Nag-assign na mga faculty ng mga lalabas para maghakot ng supplies. Magka-team kami ni Kirk. Yung ibang youth natin di ko alam kung ano team nila di ko pinakinggan eh HAHAHAHA. Next friday labas namin
Diane: ingat kayo pag-araw niyo na.
Leon: ingat din kayo guys.
Inexit ko na ang Messenger at lumabas ang low battery pop-up sa screen ko. Sinabi ko kay Kirk na aakyat muna ako para i-charge ang phone ko sa room namin.
Habang naglalakad ako papuntang SB building, nakasabay ko si Clara at Mikaela, isa sa mga ka-churchmate namin at mga kaklase ni Edward.
"Leon!" Tawag sakin nila Clara at Mikaela
"Hey guys, Wus poppin'?" Pangangamusta ko sakanila.
"Eto ayos naman kami, medyo kinakabahan pag-kami na lalabas para mag-hakot." Sagot ni Mikaela.
"Ayos! Anyways, anong team nyo tsaka sino leader?" Tanong ko sakanila.
"Kami ni Mikaela, Team 3 kami tapos Team Leader namin si Edward." Sagot ni Clara.
"Sino sino kasama niyo?" Tanong ko ulit sakanila.
"Kami ni Mikaela, si Bernardo Factor yung taga-section Silang, si Sebastian Castiño yung Grade 8, si Violet Pinal Grade 9, tas ayun si Edward Carl Mendez ang "magaling" naming leader." Sagot ni Clara.
"Ahhh di ko kilala yung iba HAHAHA." Tumatawang sagot ko.
"Tanong kapa tas di mo naman pala kilala yung iba." Hampas sakin ni Clara.
"Aray! Eh malay mo diba may kasama kang kakilala ko." Sabi ko habang hinihimas ang braso kong pinalo ni Clara. "Bat kayo napaakyat dito samin?"
"May kukunin kami sa room namin dati na gamit." Sagot ni Mikaela.
Nang makarating na kami ng Third floor, nagpaalam na ako sakanila dahil aakyat pa sila sa Fourth Floor dahil dun ang room nila.
Pagkapasok ko ng room, kinuha ko ang charger ko sa bag at naghanap ng masasaksakan. Sinaksak ko ang charger ko sa saksakan malapit sa pwesto ng higaan ko at isinilid ang phone kong nagchacharge sa bag ko.
Bumaba ako para balikan si Kirk sa inuupuan namin sa tabi ng court. Nang makababa ako, nasulyapan ko yung team nung mayabang na Grade 7 na naghahanda malapit sa gate at kinakausap ni Sir Regalado. Nag-stay muna ako saglit para panoorin makalabas ang mga mayayabang na bubwit. Nakita ako ni Kenji at pinakyu nya ako habang nakangiti. Sana di kana makabalik dito bata ka.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
TerrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...