Chapter 13

25 1 0
                                    

Pinark namin ang kotse sa isa sa mga parking spaces sa tapat ng library. Binati kami ni Sir Regalado pagka-labas namin ng van.

"Welcome back teams." Sir Regalado patted our shoulders. "Pano kayo nakakuha ng kotse?"

"Tinignan namin yung tinuro na van ni Sebastian tas ayun, swerte na andun pa yung susi." Sagot ni Edward.

"Anyways, good job teams." Nakangiting sabi ni Sir Regalado.

Lumingon sya sa mga kasama nyang Sentinel para utusan, "Francis at Harold, paki-dala itong dalawang kasama nila sa MAPEH Department. Bigyan nyo ng tubig at makakain. Ikaw naman Jared, paki-samahan ang teams sa bago nilang room."

Lumingon uli samin si Sir, "O siya, una na kami at kakausapin pa namin tong dalawa." Sabi ni Sir bago umalis.

Dinala kami ni Jared sa SB building at umakyat ng 4th floor. Pagka-akyat namin, andaming nakasalubong na estudyante na taga-ibang team. Mukhang inaabangan pag-dating namin. Tinignan nila ang mga gamit at armas namin na may inggit sa kanilang mata. Tumigil kami sa dating room ng section Gomez.

"Dito kayo in-assign ni Sir na mag-stay. Inilagay na din yung mga gamit na naiwan nyo sa dati niyong rooms dyan." Turo ni Jared sa room.

"Sige men, salamat." I replied.

Lumapit sakin si Jared at bumulong, "Advice ko lang sainyo, lagi nyong bantayan mga armas nyo at i-lock lagi room nyo. Mainit sa mata ng iba mga dala nyo."

"Sige bro, salamat sa advice." I replied.

He patted my shoulder before leaving.

Pumasok na ako para ibaba ang gamit ko sa isang tabi.

"So guys pano pwestuhan natin?" Tanong ni Charlotte habang pa-upo sa sahig.

"One side sa girls tas one side sa boys. Bintana sa bintana ang position." Sagot ko.

"Diyan na kayo boys sa bintana sa pinto tas dito na kami sa tapat nyo." Sabi ni Mikaela.

"Sige sige, diyan na kayo." Edward replied.

"Sa may malapit sa board natin ilagay mga armas natin, medyo malapit sa pwesto ng girls." Sabi ko habang nakaturo sa sahig malapit sa board.

Pagka-lapag ng gamit namin sa ilalim ng board, nag-kanya kanya na kami ng gawain.

Lumabas ako sa corridor na tapat ng room namin at sumandal sa railing para magmuni-muni. Maya maya tumabi sakin si Kairo.

"Di ka muna mag-pahinga dun." Sabi ko kay Kairo.

"Di ako pagod kuya, papahangin lang din ako." Kairo replied.

I turned my head to Kairo, "Matanong ko lang, ba't ka binubully nung mga kaklase mo?"

"Ewan ko ba dun kung ano nakita nila sakin. Tinatawag akong bakla. Baka siguro dahil di ako nakikipag-away sa kanila pag niyaya ako." Kairo replied.

"Mga bobo yun wag mo pansinin. Yang mga bully kasi, mga walang magawa sa buhay yan or may nakikita sila sayong something na mas nakakaangat kesa sa kanila. Basta ikaw, wag ka makikipag-away, wag mo pansinin sinasabi ng iba sayo. Okay?" Akbay ko kay Kairo.

"Sige kuya, salamat." Kairo replied. "Baba lang ako kuya."

Tumango ako at naglakad na si Kairo papunta sa hagdan. Naaawa ako kay Kairo, walang isang araw na hindi siya binubully tas wala pang kaibigan. Buti sa amin siya na-pares sa teams.

Pumasok ako sa room namin para makahiga ako at maya-maya ay naka-iglip.

"Kuya gising!" Yugyog sakin.

Pagmulat ko si Seb pala ang gumigusing sakin.

Through the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon