Niyakap niya ako pero kinailangan niya pa mag tiptoe para lang maabot ako kaya natawa ako at nag adjust para makayakap ko rin siya ng maayos.
"I never knew you could be this alive!" Komento ko kaya nakatanggap ako ng batok.
"Alam mo ikaw-" magsasalita sana si Amethyst nang sumingit di Andrew
"Leon, sorry. Cut muna tayo sa reunion. Kailangan na natin bumalik sa school. Baka nakakalimutan mo," tumingin siya kay Amethyst.
"Iyang grupo niya ang may kasalanan bakit may duguan tayo na ka-team mate." Bumalik ang tingin ko kay Amethyst ngunit wala akong nakitang takot sakaniya.
Pero lumambot din kaagad ang tingin niya nang tumingin siya sa likod namin, "Hindi aabot iyan kung babalik kayo sa school niyo. Hindi rin natin pwede igamot dito. Doon na lang tayo sa school namin, mas malapit." She slightly smiled and looked at me.
"Di na, baka may gawin pa kayo sa'min. Salamat na lang." Andrew rudely denies Amethyst's offer habang naghahanda para buhatin ang teammate ni Jannah.
Nakita ko umiba ang timpla ng mukha ni Amethyst.
"I'm sorry, I didn't know that surviving was wrong." She snapped.
Eto naman si Andrew hindi mag papatalo, "Oo, mali ginawa mo. Imbes na kausapin mo kami, baril iyong ginamit niyo."
"Bakit ako? Ako lang ba may kagagawan neto? Akala kasi namin kayo iyong isang grupo na gusto ata ng mga resources na natira sakanila na lahat. Mga hoarder."
Napatigil ako, "Ano ulit, Amethyst?"
"I'll tell you about them habang on the way tayo sa school namin. Isakay nyo siya sa sasakyan namin." She replied.
I nodded and told Andrew na buhatin ang teammate ni Jannah at dun na sumakay sa sasakyan nila Amethyst para mabantayan nya yung bata. Andrew looked at me and shook his head.
I ordered Kairo and Jannah's team na bumalik sa school dala ang mga nakuha naming supplies.
The rest of my team and Amethyst got in my van. Amethyst tells me to follow the white Tamaraw FX na sasakyan nila.
"Grabe ka boi ah, may di ka pinapakilala sa'min ah." Nakangiting bulong sakin ni Kirk.
"Siraulo, mag-kaibigan lang kami ni Amethyst." Sagot ko sakanya habang nakatingin sa kalsada.
Tumingin ako sa rear-view mirror at tinignan si Amethyst na asa likod ni Kirk, "Yung tungkol sa hoarders, Amethyst. Ano meron sa kanila?"
"We already lost 5 students from those people. They are merciless people who will kill for supplies." She replied.
"Sinong hinde, diba?" Singit ni Kirk.
"They are very selfish people. Kahit din sila nag-papatayan para sa supplies ayon sa narinig ko sa mga schoolmates ko." Amethyst continued.
"Baka isa din sila sa mga nakita ng mga kasamahan namin sa Cubao. May naririnig din akong ganun na tsismis eh." I said while focused on the road. "Sorry nga pala dahil napatay ko kasamahan mo."
"That's fine, he was kind of an asshole anyways. Almost everyone sa school hates him and his gang of conyo boys. Nakakainis nga eh sa'min pa siya na-pair. Dapat pa nga ako mag-thank you eh." Amethyst replied.
After a couple minutes, we arrived at Amethyst's school. It's heavily fortified with walls extended upwards by scrap metal and wood. The gates opened and we entered the school premises. I parked my van beside a statue and we hopped off the van.
Amethyst tells us to look around habang ginagamot ang teammate ni Jannah. Umupo kami sa mga benches sa silong ng building at nagpahinga.
"Boi, pinag-titinginan tayo ng mga tao dito." Bulong sakin ni Kirk.
BINABASA MO ANG
Through the Undead
HorrorA normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and highways full of undead with his friends to reach Baguio after receiving a radio transmission that says...